13

1.7K 17 10
                                    

Dinala na ni Pea ang uniform ko dahil nagpasabay na ako. Nagising ako nang maaga dahil maaga raw ako pupuntahan nila Pea rito. Inalok ko nga sana na roon nalang nagkita kita sa may shore pero hindi sila pumayag.




I am now wearing a white top uniform. Fit ito sa aking katawan kaya kita ang hubog nito. Ang pang baba naman ay isang pencil cut checkered. Mayroon din kaming mahabang kulay maroon na neck tie. Didn't know the college here has rule on wearing uniform. Inayos ko na ang buhok ko ay inilagay sa kabilang balikat. Naglagay din ako nang kaunting lip tint.





Kinuha ko na ang bag ko at bumaba. Sakto naman na nandito na si Pea!





"April! Bagay na bagay sayo 'yong uniform natin!" Tumawa siya. Sabi niya rin na ang unfair daw at mukha siyang PA ko. Tumawa na rin ako.






Damang dama ko ang sariwang hangin galing sa labas. Ngumiti ako. Nasa loob pa naman si Pea kaya rito muna ako. Lumakad ako palapit sa dagat. Hindi na ako lumagpas sa tubig dahil baka mabasa pa ako. The wind flew my hair again dahilan kung bakit nagulo na naman! Tinignan ko ang kalangitan. It reminds me of my childhood. Tuwing nakakakita ako ng ganito ay nagiging sariwa ang aking mga nakaraan. Siguro normal naman na iyon kasi parati akong nakatitig sa langit noong bata ako. Tuwing nararamdaman kong mag isa o kaya wala sila mom and papa sa bahay sa langit lang ako nakatingin.







Someone grabbed my back! Nagulat ako. Si Kairo lang pala! Tumawa ako. Alam na alam niya talaga kung pano ako gulatin!





"Tara na miss.." he chuckled. Ganda naman ng umaga ko. I smiled.





Sasakay kami ng tricycle para makapunta sa Catipulo Colleges. Isang sakanyan lang pala ang papunta roon. Nakatulala lang ako nung makapasok na kami sa tricycle.





"Lungkot mo naman, April. Parang sinabihan mo akong dapat sa likod ako at dito si Kairo ah." Nagulat ako sa sinabi niya. Iba ang overthink nito ah!





"Grabi ka.. hindi naman! Nakakaantok lang." Sabi ko. Ayos na siguro yong sinabi ko. Totoo naman diba, nakakaantok pala pag sumakay sa ganito.





Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami. Naunang bumaba si Pea at sumunod naman ako. Kairo grabbed my bag. Siya na raw ang magbubuhat. Nilibot ko ang eskwelahan. May kalakihan din naman ito. Mayroon itong gym, field at iba pa. Ang payapa naman dito!







Pumunta na kami sa tapat ng isang board. Tinagnan ang mga nakalagay na schedules at rooms.






"Yes! Pareho tayo ng sched, April!" Hinawakan niya at mga kamay ko at nagtalunan. I can't believe she's doing this! Tumawa ako.





Nilingon ko si Kairo. Seryoso siyang nakatingin sa malayo. Ngumiti ako. The boy's uniform really fits on him. Hawak hawak niya ang bag ko. Ang cute niya!





I went near him. Nang napansin niya ako ay tumitig na siya sa akin. Lumakad na kami para sa unang subject. Wala pa naman sigurong gagawin masyado. Huminto kami sa tapat ng room namin. He handed me my bag.






"Ikaw? Saan ang room mo?" Natanong ko.





"Sa ikatlong palapag, miss.." ngumiti siya. Bakit ba kailangan niya pang ngumiti! Pwede namang sagutin nalang tanong ko diba.






Tumango na ako. Hinila na ako ni Pea papasok ng room. Pero kahit na hinihili niya ako ay nakatitig pa rin ako kay Kairo para makita ang pag alis niya. Umupo na kami. Napangiti ako. Nakakahawa naman yong ngiti niya, nakakainis!






Pumasok na ang professor namin para sa unang subject. Binigyan niya agad kami ng quiz ngunit nasagutan ko naman ito ng maayos. The second subject was two hours. Nag discuss ang guro namin ng isang oras at may pinasagutan naman. Our last subject gave us a project. Napasapo ako sa ulo ko sa dami agad ng ginawa.






"April! Mamaya sa bahay nalang namin tayo gumawa ah? Marami akong gamit don!" Tumango nalang ako sa sinabi niya. Tama rin iyon dahil wala akong gamit na gagamitin. Maybe I should call papa and tell him I need some.







Kinuha ko na ang bag ko at tumayo. Pumunta munang banyo si Pea magkita nalang daw kami sa labas ng gate. Napagdesisyonan ko nang umalis. Hanapin ko muna kaya si Kairo! Uwian na rin kaya nila? Umakyat ako sa third floor ng building. Ang unang bumungad sa akin ay ang hallway. Maraming mga estudyante ang nasa labas at nag iingay. Siguro ay uwian na nila? I wonder where's his room.






Umikot ako pakanan. I suddenly stopped. Napatigil ako sa nakita ko sa hallway. I saw Kairo with... Clarissa?






"Anong ginagawa nila?" Napakunot ako ng noo. I saw Clarissa holding Kairo's uniform. Pinagmasdan ko pa sila nang mabuti.






May binulong si Kairo kay Clarissa. I saw her laughed. Anong pinag uusapan nila? Napatingin ako sa paanan ko. Should I watch them? Binalik ko ang tingin sa kanila. Nakita ko na paalis na si Clarissa but she slipped! Nasalo naman kaagad siya ni Kairo. I saw them near at each other. Bigla akong may naramdaman na kakaiba.







Maybe I should go now. Yes, I should. Bago pa ako umalis ay tumulo na ang mga luha ko. Bakit ka umiiyak, April! Hindi ka dapat ganito! I started running kahit pa maraming tao rito sa hallway ay wala na akong pakielam. Bakit pa kasi ako umakyat! Nakakainis hindi ko na sana nakita pa 'yon!






My tears are like fighting who's going to drop first. Sobrang labo na ng mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha. I removed my tears using my hands. Nakita ko sa gate si Pea habang naghihintay. I stopped first and removed my tears once again. Nilapitan ko na siya at ngumiti.






"Tara na!" Masaya kong sabi. Pretending is something we should do for others not to notice what's wrong.






"April.. Bakit ka umiiyak!" Maybe I'm bad on pretending though.






Umiling ako at tumawa, "Napuwing lang ako! Laki siguro nong pumasok sa mata ko."  Pero syempre laging may sasalbang salita para maipagpatuloy ang pagpapanggap.







Sumakay na kami sa tricycle. I smiled. Siguro dapat hindi agad agad ako naniniwala sa mga sinasabi ng mga tao. Maybe I should just trust myself and my own beliefs instead. Kasi more na naniniwala ako sa iba ay mas sinasaktan ko lang ang sarili ko. Noon pa man ay hinahanap ko na sa iba ang kasiyahan ko. But maybe the happiness I really wanted only comes from myself. Walang ibang nakaka alam ng gusto ko at ganoon din ng kasiyahan ko. Pero si Kairo iba siya eh. He understands me. Pero siguro hanggang doon nalang iyon. Maiintindihan niya ako pero hindi niya kayang sundan ang mga tinatahak ko para sumaya. Pero sigurado na ako sa nararamdaman ko sakaniya. Paano na 'to?







The tricycle stopped in front of Pea's house. Inalis ko na sa isipan ang pagiisip ng mga bagay bagay. Now all I need to do is to do our project. Wala nang iba kung hindi ang proyekto lang muna.






Bumaba na ako nang tricycle. I heard Pea shouted goodbye to the driver. I missed my bestfriend. I missed Paige. Sana ay nandito nalang siya para masabi ko nang direkta ang lahat.






Pumasok kami sa kanila ngunit walang tao. She said na mauna na raw ako sa kwarto niya. Sinunod ko siya. I went to her room. Her room was decent. I smiled when I noticed the veranda nagmadali akong pumunta roon at dinama ang sariwang hangin.






"Masakit.." ngumiti ako at muling lumuha.





|Next|

Nothing has changedWhere stories live. Discover now