20

1.8K 20 12
                                    



"Andami mo nang naiinom, April!" Bulong ni Paige. Nilingon ko siya, I don't care Paige!






Tinignan ko muli ang mga taong nasa upuan namin kanina. I am now standing hear sa may mga section ng beer and wines. Tinapunan ko nang tingin si Kairo kasama ang babae niya. They were laughing and whispering at each other. Kita ko ang pag gapang ng mga kamay nung babae sa hita ni Kairo. The hell? Kung gusto niyo na gumawa ng eskandalo ay huwag dito! Maybe you can just book sa ibang hotel. Umirap ako at binalik ang tingin sa wine na hawak ko.






"Paige. I bet you two thousand that after this event, those two will go in a hotel together and so something.." tinuro ko sila Kairo gamit ang nguso ko. Nanliit ang aking mga mata. I heard Paige's laugh. I'm serious!






"I bet you two thousand that you're.. jealous!" Bigla kong nabuga ang nasa bunganga ko na wine. Nilingon ko siya gamit ang mga matang naiinis.





Tinuro ko siya, "You're funny!" I laughed. Naramdaman ko ang sakit ng ulo ko.





"April.. lasing ka na." Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko. Oh my dear bestfriend you're mistaken. Umiling ako. Pinapaupo ko na siya sa table namin para samahan ang fiance niya. Pero ayaw pa rin talaga niya! I said I'm fine here.






"Oh. What's happening?" I heard a voice from someone. Nilingon ko ito. My smile widened when I saw Oliver!






"Uy, Oliver!" I chuckled. Napapapikit ako kaunti dahil sa hilo. Buti nalang dumating si Oliver dahilan kung bakit napapayag ko si Paige na umupo na roon. 






"Nasaan ang fiance mo?" I'm confused. Napalingon ako sa harapan nang nagpalakpakan ang lahat. Ano raw? Anong meron?






"She's up to something. Bibisitahin ang tita niya sa Cebu para masabihan sa kasal namin." Napangiti ako. Wow! Kakasal na nga pala si Oliver! I chuckled.







I handed him a bottle of wine. Tinanggap niya naman ito at binuksan. I handed him a wine glass at nilagyan niya iyon. Antagal naman niya maglagay! Ano ito, slow mo? Shit! Ansakit talaga ng ulo ko! I almost dropped the wine glass buti naman ay nasalo iyon ni Oliver. Sakto pagkahawak niya sa kamay ko ay ang pagdating ni Kairo sa gilid ko. My eyes widened!






"Ano ba!" I giggled. I bit my lower lip while minding my business.





Pansin ko ang tahimik na pag hahanap ni Kairo ng bote. Nilingon ko na siya. Narinig ko muli ang palakpakan. I smiled. Nakipalakpak ako. I chuckled. Nilingon ko si Oliver.




"Pumalakpak ka rin!" I chuckled. Tumawa na rin siya at pumalakpak. Tumingin na rin ako kay Kairo at balak na alukin din siya.





"Engineer.. pumalakpak ka rin!" I chuckled more. What the hell? Sobra sobra na ba ang nainom ko. Kumakapal ang mukha ko! I saw him bit his lower lip and his cold stares. Ops, I talked to a wrong guy!





Sa sobrang hilo ko ay napaupo ako. Shit! Napasapo ako sa ulo ko. My head hurts really bad! Nabasag ko rin ang baso na hawak hawak ko. Shit, nasugatan ako sa bubog! Binuksan ko ang mata ko.






Nakita kong sabay na nag alok ng kamay sina Oliver at Kairo. Mas sasakit pa ata ang ulo ko sa dalawang to! I looked Kairo. Seryoso at galit ang pinapahiwatig ng mga mata niya. Hinawakan ko na ang kamay ni Oliver para maitayo ako. He lifted me up while holding my hand. Napapikit ako sa sakit! Shit there's wound in there!






Nothing has changedWhere stories live. Discover now