23

1.8K 16 20
                                    


I am now eating my dinner. Pabalik balik ako sa dinner at sa draft ko. Onting onti nalang talaga at tapos ko na ang ginagawa.







Rinig ko naman ang paghagikgik ni Kairo sa ginagawa ko. Napanguso ako. Masyado ba akong hindi mapakali? Sorry naman ha! Ano pa ba ang ginagawa niya rito. Wala ba siyang ibang project?








"Your design is good.." Napatigil ako sa pag sip sa iniinom ko. Nilingon ko siya.







"Hope that's true though." Binalik ko nang muli ang tingin ko sa draft at simulan na para matapos na kaagad.







Pansin ko ang titig niya bawat galaw ng pencil ko. Bakit ba siya titig na titig? Kapag ako hindi ko natapos to nang maganda.







"Saw the tweets. Better not to believe them.." nag cross arm siya habang nakaupo sa upuan na katabi ko. So nakita niya pala yong sinabi ng mga co architects ko?







"Yeah, I think so. Ba't ko papatulan kung alam ko naman na mas mature akong mag isip sakanila?" Patuloy ko sa pagguhit. Rinig ko na naman ang mga tawa niya. Really? After eight long years na nagkita kami ganito lang pala kami? I thought we would be a great enemies.







"Like your spirit, huh.." Ano raw ang sabi niya? He likes my spirit?







"Sana hindi lang spirit.." wala ko sa sariling sabi. Napatayo ako mula sa pagkakayuko. What the hell?







His phone rang. Thank goodness! Nilingon ko siya at sumenyas na sasagutin lang ang tawag. I thought he's going outside pero sinagot pa rin ang tawag sa tabi ko.








"Yes, Engineer Hanah.." Napataas ako ng kilay. Who's that?







Inayos ko ang dinner na binigay niya at nilagay na sa supot. Since I'm done eating aalis na ako.







"Oo pupunta ako diyan, wag ka mag alala.." Uhm. He's girlfriend?








Inikot ko ang ang draft ko at inilagay sa tabi. I packed my bag and checked myself on my small mirror. I really need to go home and change now.








"No. I'm just busy here.. Yeah, Important." Napalingon ako sakaniya non. Sakto ay lumingon din siya sa akin. What? Napairap ako ng bahagya. Damn! Hindi ko kaya mapigilan!








And what about busy? Sinungaling siya ha! He's just here watching me do my work. Anong parte siya naging busy doon? Napatigil ako sa ginagawa nang may narealize. Busy siya na... Kasama ako? Tinampal ko ang ulo at binalewala ang sinabi. Nababaliw kana ata, April!










Tumayo na ako at kinuha ang bag. Dire diretso akong lumakad. I pushed the glass door and straightly went to the elevator. Nang makarating na sa elevator ay agaran kong pinindot ito. I saw Kairo half running and following me. Napakunot ang noo ko.









"Are you following me?" Hindi ko na mapigilan ang pagtatanong. I heard him laughed. What the?









"Miss.. Uuwi na rin ako kaya ako nakasunod sayo. I'll take the elevator too." Bumukas na ang elevator at nauna na siyang pumasok. Napahiya ako! Nakakairita ah! Bakas na ang pagkakairita ko nang pumasok sa elevator.







Walang umiimik. May pinindot ako na floor kung saan. I crossed my arms. Naramdaman ko ang braso niya na halos umakbay sa akin. What is he doing! Aakbayan niya ba ako? Naramdaman ko siya sa aking tabi habang nakalagay ang isang kamay sa bulsan at ang isa naman ay may pinindot sa buttons. I can fucking smell his scent!









"What the?" Sambit ko. Aakbayan niya ba ako!








I heard him chuckled, "Just gonna clicked something. Mali ata ang napindot mo." Napakunot ang noo ko.








Tinignan ko ang napindot kanina at natauhang second floor ang pinindot ko! Nakakahiya masyado akong lutang! Gusto ko na makaalis dito at makauwi!









Laking pasalamat ko nang nagbukas na ang elevator. Nagmadali akong pumunta sa kotse at pinasok na ito. What a day! Pinaandar ko na at umuwi. I really need to prepare at baka bukas na ang meeting with Ms. Montemayor. Pinaandar ko na ang kotse ko at umuwi na sa condo.










I opened the door of my condo unit and placed my things on the table. Pumasok na ako sa banyo at naglinis nang katawan. The scenes flashed back again on my mind. Naalala ko nanaman ang nakakahiyang nagawa ko kanina. Mas uminit ang ulo ako sa inisip. Bakit ko nga ba to iniisip ha?










Lumabas na ako sa banyo suot ang isang roba. Tinanggal ko ang towel sa ulo at chineck ang phone ko. I received a lot of emails. Nagawa ko itong icheck ngayon dahil sa hindi gaanong busy. May mga nag ooffer, at iba naman ay mag papasketch and design ng bahay.








@jsminemarie_30

Hello, Architect Ravena! Good day. I would like to be part of your creative works! A modern house. You can email me back. Thank you.








Maybe I can accept this one soon. Sana lang ay wala pa siyang ibang nahahanap. I smiled. Kahit pala papaano ay may gusto pa ring magpagawa sa akin. I appreciate their offers to me. It boosts my confident more.








Kinuha ko na ang gamit ko para ayusin. Teka. Bakit parang may nakalimutan ako na hindi ko matandaan. Napakunot ang noo ko. Isipin mo, April! Tumalon talon ako habang nag iisip. You should sink in something!








Inisa isa ko ang gamit ko para malaman kung ano iyon.







"Lipstick.. powder..pencils.." My eyes widened.







"My draft!" Shit! Nakalimutan ko ata sa building. Hindi pwede yon! Nataranta na ako at hindi na alam ang gagawin. Hindi pa detailed masyado iyon. Tanga mo, April!








I heard a door bell. Napakunot ang noo ko. Sino naman iyon? Hindi ko na inalintana ang suot ko at lumakad na palapit sa pinto. Maybe some cleaner or what.








I opened the door. My eyes widened when it's not the cleaner! It's Kairo! Shit! Napansin ko ang paghagod niya ng tingin sa akin. Napatingin na rin ako roon. I'm on my robe! Uminit ang pisngi ko. Ano ba kasing ginagawa niya rito! Paano niya nalaman ang condo unit ko?








"What are you doing here?" Kunot kong noo na tanong. Totoo naman eh, gabi na ano pa ang ginagawa niya rito.







"How did you know about my condo unit?" Muli kong tanong dahil hindi niya ako pinansin sa tanong ko kanina. Nakatingin lang siya sa akin!









"Connections.." he finally replied. Hinagod ko ang tingin sa kaniya at sa suot niya. Nakapag palit na siya. He's now wearing a clean looking white tshirt and a sweat shorts. Uminit ang pisngi ko. Damn this man!








"Ano nga ang ginagawa mo rito? Don't tell me sinusundan mo ako?" Panibago kong hinala. Talaga naman diba! Kanina ay nung sa building. Tapos ngayon!








He chuckled, "I think you forgot something." He raised my draft and he smirked! Nakaramdam ako nang biglang ginhawa! My draft! It's safe!








My eyes widened and my mouth turned into a big O shape. Ansaya ko! My draft!







"Omg. Thank goodness!" Inagaw ko sakaniya iyon at binuksan nang bahagya.







"Thanks to me?" Taas niyang kilay na sabi. Ops, I forgot! I chuckled.








"Thank you!" Napatawa ako nang nagpasalamat. Tinignan ko siya. The corner of his lip rised. Kinakagat ang labi para mapigilan ang ngiti na nagbabadya. Uminit tuloy ang pisngi ko, what the!







"I can do that anytime..." His final words.





|Next|

Nothing has changedWhere stories live. Discover now