Prologue

22K 231 8
                                    

“LUBOS ang kaligayahan ko nang dumating si Jade sa buhay naming mag-asawa, Agnes. Kahit hindi namin siya kadugo ay minahal namin siya bilang tunay na anak.”

“Alam ko, Maura, ganoon din ang naramdaman ko nang mahawakan ko si Ferdinand.”

Tinitigan ni Agnes ang babae.  Asawa ito ng nakatatandang kapatid ng asawa niyang si Julian, na dalawang taon nang namatay sa sakit na cancer. 

“Nagdadalangtao ako, Agnes!  Ngayon ay wala na kaming mahihiling pa.” Naluluha ito sa kaligayahan.

Nang mapasulyap siya sa nakaawang na pinto ay napansin niya si Jade.  Halatang nabigla ang bata sa narinig mula sa kinikilalang ina nito.  Pumatak ang mga luha nito at mabilis na tumakbo palayo doon.

CHAPTER ONE

Twenty years later...

PALINGA-LINGA si Beryl sa kabuuan ng marangyang bahay.  Malaki ang bahay nila sa probinsya na kahit luma na ay napanatili niyang maayos, pero higit na malaki ang bahay na ito.  Ngayon siya naniniwalang nakapangasawa nga ng mayamang businessman si Jade. 

Madalas niya itong nakikita sa shampoo commercial nito five years ago.  Naging  laman din ito ng mga magazines bilang modelo ng isang kilalang designer sa Maynila.

Paglingon ni Beryl sa dulo ng mahabang hagdan ay nakita niya si Jade na pinagmamasdan siya. Kung gaano kaganda ang babae noon ay doble pa ngayon.  Napaka-elegante nitong tignan sa suot nitong mamahaling casual dress.

Sinalubong niya ito sa puno ng hagdan.  Pero bago pa siya nakayakap dito ay naiharang na nito ang dalawang palad sa harap niya.

“Ate!”  masayang tawag niya dito kahit napahinto siya sa paglapit.

“Gusto ko lang linawin ang pagpunta mo rito.  Nangako ako noon na kukunin kita, kaya ka nandito ngayon. Pero walang dapat makaalam na may kaugnayan tayo.  Nandito ka para alagaan ang anak ko,” pormal nitong sabi.  “At ayokong makarating ito kay Ferdinand.”

Natigilan si Beryl sa narinig.  Alam niyang kaya siya ipinatawag nito ay para personal niyang alagaan ang bagong panganak nitong sanggol.  Pero hindi niya akalaing ililihim nito sa bagong pamilya na magkapatid sila.  Wala sa loob na napatango na lamang siya.

Sa tindig ni Jade ngayon ay hindi halatang isang buwan pa lamang itong nakapanganak. Jade was almost perfect, at hindi man lamang siya nangalahati dito. Isa man sa makakakita sa kanilang dalawa ay hindi mag-iisip na kapatid siya nito. Magkaiba sila sa lahat ng bagay, ganoon din sa pisikal na anyo.   

She was petite, so simple and common.  Nakuha niya ang simpleng ganda ng Mommy nila na hindi lilingunin ng kahit sino kapag nakasalubong sa daan.  Pero sabi ni Ferdinand at ng Daddy niya, her beauty comes out after a few moments of staring at her innocent face. 

Ang tanging pagkakatulad nila ni Jade ay ang kutis porselana.  Kung si Jade ay mukhang Miss Mexico beauty titlist, minus the freckles, siya naman daw ay parang cast ng Korean telenovela dahil sa singkit niyang mga mata at mamula-mulang pisngi.

Tinalikuran na siya ni Jade matapos siyang ipagbilin sa isang kasambahay. Hinatid siya ng babae na nagpakilalang Sally sa kanyang magiging silid sa itaas.  Pumasok sila sa isang connecting door papunta sa nursery.  Itinuro nito ang isa pang pinto sa kabilang dulo na papunta naman sa silid ng mag-asawa. 

Nilapitan niya ang crib at kumislap ang mga mata niya nang makita ang natutulog na sanggol.  “At least I would be dealing with an angel.”  Napahinga siya nang malalim, naalala ang huling pag-uusap nila ni Ferdinand.

Don’t  worry about me, Ferdinand. I will be fine.” Parang nakikinita na niya ang pagkasira ng mukha ng binata.  Kung nasa Pilipinas lang ito ay siguradong hindi siya makakaluwas ng Maynila.

“Don’t worry?  As if I didn’t know Jade at all.” Nagbuntong-hininga ito sa kabilang linya.  “Graduating ka na. Nangako ka sa akin na...”

Hindi niya pinatapos ang litanya ng binata, “I am keeping that promise.  Pagbalik mo ng Pilipinas ay nasa Bataan na ulit ako.”

“I really don’t understand why after all these years ay naalala ka bigla ng babaeng ‘yon.”

“This is my chance para muli kaming magkasama ni Jade.  It’s been six years, siguradong nagbago na siya.”

Ngayon niya gustong magsisi na hindi siya nakinig sa mga protesta ni Ferdinand.  Deep within her ay umasa kasi siyang nagbago na si Jade, pero mukhang nagkamali siya.

***********************************hello again, guyz! Since it's enhanced community quarantine time, I've got something for you to read while killing time. Enjoy reading and please keep safe, everyone! 😘😘😘

This is for you, LabBerry 😘🥰

Forever Yours (edited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon