Lost & Found

7.8K 180 1
                                    

CHAPTER TEN

Almost three years later...

MULA nang mamatay ang ama ni Tristan ay siya na ang pumalit sa puwesto nito bilang Chief Executive Officer ng Asuncion Motors, Incorporated.  Pag-aari iyon ng pamilya ng kanyang inang si Margarita Asuncion. 

Dealer sila ng cars and construction vehicles sa bansa.  May apat na branches sila sa loob ng Metro Manila, and the rest ay sa malalaking siyudad sa Luzon.

“Sir Tristan, nandito na po si Mr. Arquiza,” boses ng sekretarya mula sa intercom.

“Send him in.”

“Good morning, Mr. Montenegro.”

Nag-angat ng tingin si Tristan.  Tumayo siya at kinamayan ang bagong pasok. “Good morning, Mr. Arquiza.”

“Just call me Perry.  Natutuwa ako na napili ng company ninyo ang FAB Enterprises out of other big machine shops here in Olongapo City.”

“I found out that FAB is a sister-company of Fontillas Machine Works na kilala sa buong Central Luzon.”

“Indeed.  I’m glad to meet you, Mr. Montenegro.”

“Tristan,” pagtutuwid niya dito.  Sa kalkula niya ay ilang taon lamang ang tanda ng kausap sa kanya.  Sa ayos nito ay halatang isang respetadong tao. Hindi na siya magtataka na sa edad nito ngayon ay isa na rin itong successful businessman na katulad niya.

“I will only be here once in a while.  Ang manager ng branch na ito ang makakausap mo sa lahat ng transactions.”

Matapos pag-usapan ang detalye ng bagong shipped na surplus trucks ay nagpaalam na si Perry.

“Why don’t you join me for lunch?” Tristan invited.

“Some other time na lang.  May kasama akong mag-ina. Nice meeting you again.”

Pagkatapos magkamay ay lumabas na ang lalaki.
Niluwagan ni Tristan ang suot na tie at inililis ang manggas ng suot na polo.

“Lucy, I will be out for lunch.  Tutuloy na ako sa auction sa Subic afterwards.”

Pasakay na ng kotse si Tristan nang mapansin ang paglabas ni Perry mula sa isang salon sa kabilang daan. Karga nito ang isang batang babae na panay ang halik sa pisngi nito.  Sa likod ay isang katamtamang taas na babae.  Magbabawi na sana siya ng tingin, pero nang inakbayan ni Perry ang babae ay lumitaw ang mukha nito. 

Sunod-sunod ang kabog ng dibdib ni Tristan.  Hindi inaalis ang tingin sa babae na ngayon ay patawid na ng daan at papunta sa SUV na nakaparada malapit sa kinaroroonan niya.  Mabilis siyang pumasok sa loob ng sasakyan at muling sinundan ng tingin ang tatlo. 

Hindi siya maaaring magkamali, it was Beryl.  Medyo nagka-laman ang pisngi at katawan nito.  Gone was the innocent look. Ngayon ay isa itong larawan ng mature and smart woman.  Inililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok na naging prominente ang kulay na brown sa ilalim ng sinag ng araw.  Ang pisngi nito ay lalo pang namula sa init ng araw. 

Hindi na niya napansin kung gaano katagal niyang pinigil ang hininga.  Natauhan lamang siya nang makaalis ang sasakyan ng mga ito.

“Ferdinand Arquiza,” mahinang bulong niya.  Umalingawngaw sa isip ang tinig ni Beryl ilang taon na ang nakaraan.

Hello, Ferdinand!  I miss you... Take care, I love you.

Ito ang kausap ni Beryl sa cellphone noong araw na iyon. Sa buong durasyon ng pinagsamahan nila ng babae ay may relasyon ito kay Ferdinand. 

Sa tantiya niya ay nasa dalawang taon ang batang kasama ng mga ito.  Lumalabas na nang umalis si Beryl sa mansyon ay kay Ferdinand ito umuwi. 

All these years ay umaasa pa rin siyang mahahanap ang babae sa kabila ng wala siyang alam kundi ang pangalang Beryl Dizon at ang malaking probinsya ng Nueva Ecija na napilitang ibigay ni Jade noon.

Talagang hindi pala ito makikita ng mga taong inutusan niyang maghanap dito, dahil nasa malayong bayan ito ng Zambales, sa piling ng Ferdinand na iyon. 

MINSAN pang pinagmasdan ni Beryl ang sariling repleksyon sa salamin. She was wearing a black dress.  Simple lang ang cut nito na hapit sa kanyang katawan, haltered at litaw ang kalahati ng kanyang likuran, ang haba ay sakto lang na umabot sa kanyang tuhod, exposing her shapely legs.

Sabi ni Ferdinand, walang bakas ng pagdadalangtao na makikita sa kanya. Lalo lang daw nagkahugis ang katawan niya matapos niyang ilabas si Amy. 

Katulad ng kasunduan nila ay tinapos niya ang kursong Business Management pagkapanganak niya.  Hindi siya pinayagan ni Ferdinand na magtrabaho. Katwiran nito ay kaya sila nitong buhaying mag-ina.

“Kailangan ba talaga akong sumama sa party na iyan, Ferdinand?”

“You must, darling.  Eat their hearts out kapag nakita nila ang date ko.”  Ferdinand stared at her with so much affection.

Marami ng tao sa bulwagan nang dumating sila.  Grand opening ng branch ng Asuncion Motors sa Zambales at isa si Ferdinand na mahigpit na pinagbilinang dumalo. 
Ang FAB machine shop nito ay ka-tie up ng nasabing kompanya.  Ito ang in charge sa service and maintenance ng mga heavy duty trucks and construction vehicles na galing sa Japan, ganoon din sa mga brand new at slightly used cars na ibinebenta ng mga ito.

“I’m glad you came, Perry.”
Sabay na napalingon ang dalawa sa tinig na iyon na nagpakabog sa dibdib ni Beryl.

Kung may sakit lang siya sa puso ay malamang na naging dahilan ito ng cardiac arrest.  Parang huminto ang pag-circulate ng dugo niya nang tumambad sa kanya ang may-ari ng tinig na iyon. Namanhid ang buo niyang katawan.

Tristan was so gorgeous in his black Armani suit.  Ang dating hanggang balikat nitong buhok ay maikli na ngayon, pero hindi ito nakabawas sa bad boy image ng lalaki.  He was ruggedly handsome. And right now, he looked formidable sa suot nito at sa matiim nitong pagtitig sa kanya.

Para siyang ginto na inihaw sa lumalagablab na apoy.  She was melting. 

  Oh, my God!  This couldn’t be happening! 

Nangatog ultimo dila niya sa nerbiyos dahil sa unexpected na paghaharap nilang muli ng lalaki. 

Inakay siya ni Ferdinand palapit dito.  Napakapit siya nang mahigpit sa braso ng lalaki.  Hindi nakaligtas sa kanya ang paggalawan ng muscles sa mukha ni Tristan. It made her shiver even more. 

Nag-aalalang nilingon siya ni Ferdinand.  “Are you okay?”

“I’m a little bit cold,” she lied.

Inayos ng lalaki ang manipis na shawl sa leeg at balikat niya saka siya nito hinapit sa beywang. 

Nakita niyang sumunod ang mga mata ni Tristan sa bawat galaw ng kamay ni Ferdinand.  Nang muling dumako ang paningin nito sa mukha niya ay hindi niya kayang bigyan ng pangalan ang nakita niya sa mga mata nito.

“Mr. Montenegro,” kinamayan ito ni Ferdinand, “I want you to meet Red Arquiza.”

Inilahad ni Tristan ang palad na alanganing tinanggap ni Beryl.  Kung kanina ay nanlalamig ang mga palad niya sa nerbyos, ngayon ay parang bolta-boltaheng kuryente ang nanulay sa ugat niya at mabilis na kumalat sa buong pagkatao niya.  Mabilis niyang binawi ang palad nang maramdaman ang mahigpit na pagpisil ni Tristan dito.

“It’s my pleasure to meet you,” bahagya pang yumuko si Tristan sa harap niya.  “You look kinda familiar to me, pero sa tingin ko ay napagkamalan lang kita.  Red, right?” pormal ang tinig nito.

Familiar?  Kung tukuyin siya nito ay parang isa lamang siyang nodding acquaintance in the past.  Samantalang walang bahagi ng katawan niya ang hindi nito nilapastanganan. May kirot siyang naramdaman sa dibdib, kasing-tindi pa rin ng sakit years ago.

“Enjoy the night.”

Nang tumalikod ito ay doon pa lamang siya nakahinga nang maluwag.  Ngani-ngani na niyang hilahin si Ferdinand palabas, pero magtataka ito.  At ayaw niyang maghinala ang lalaki.  Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito ‘pag nagkataon.  Ayaw na niyang ungkatin ang mapait na nakaraan.

Forever Yours (edited version)Where stories live. Discover now