Old Habits

8K 185 10
                                    

UMUPO si Tristan sa binakanteng upuan ni Ferdinand. “Old habits are hard to break,” niyuko nito ang mga kamay ni Beryl na nakapatong sa ibabaw ng mesa. “You still play with your fingers when you are tensed.  Why? Meron bang hindi nalalaman si Ferdinand na ikinatatakot mong matuklasan niya?”

Ferdinand!  Anak ng bakulaw, nasaan ka na?

Kung puwede nga lang na bumuntot siya kay Ferdinand hanggang sa loob ng men's room ay malamang nandoon na siya at kasalukuyang nagpapaypay ng sarili sa harap ng salamin. Aba’y hindi na ito bumalik!  Dapat pala’y nagkulong na lang din siya sa loob ng banyo.

“I don’t know what you’re talking about,” she tried hard na hindi pumiyok.  Sino ba ang lalaking ito para makaramdam siya ng ganito dito hanggang ngayon?

“Keep on pretending.  Katulad ng pagbabalatkayong ginawa mo noon. Kamuntik ko nang isiping namalikmata lang ako nang makita kita, if not only for your big scar,” dumako ang mga mata nito sa kanang balikat niya, “at marami pa akong palatandaan para patunayang ikaw at ang Beryl na nakilala ko ay iisa.”

“Ako nga ang Beryl na iyon. I won’t deny that.”

“Yeah, you were always honest nga pala, ‘di ba?  Itinago mo lang naman ang tunay mong pagkatao noon.  Ni hindi ko nga alam kung saan ka galing.”

“Were you interested?  Ni minsan ba ay pumasok sa isip mong alamin ang detalye ng pagkatao ko?  You never asked me.”

“Because it really didn’t matter to me kung sino ka man at ano ka man.”

“Because you were only interested in one thing,” she corrected him, “ano pa ba ang ikinasasama ng loob mo?  Nakuha mo naman ang lahat ng gusto mo sa akin.”

“That’s unfair, Beryl!  I treated you well.  I thought iba ka sa lahat, that what we had was real.  Pero hindi ka nakuntento.  Katulad ka rin pala ng ibang mga babae. You got me fooled. 
Kayang-kaya kong ibigay sa ‘yo ang lahat, Beryl.  Hindi mo na dapat pinatulan pa ang Papa.  Pinaglaruan mo lang kaming mag-ama. And my father died of heart attack because of you.”

Nabigla siya sa nalaman. “Hindi ko ginusto ang nangyari sa ama mo.”

“Maybe.  Pero may kasalanan ka pa rin na dapat mong pagbayaran.  Alam ba ni Ferdinand na habang nasa malayo siya ay gumagawa ka ng milagro?  Alam ba niya ang tunay mong pagkatao?”

“Huwag mong idamay si Ferdinand sa nangyari.”

“Alam ba niya ang mga kataksilang ginawa mo sa kanya?  Siguro naman, ano?  Pero alam ba niya na ako ang lalaking iyon na unang umangkin sa katawang iyan?”

She was confused and mad at the same time.  Ang kapal ng mukha ng lalaking ito na ipaalala sa akin ang mga katangahan ko at kung paano niya akong tinalikuran nang gabing iyon!  At iniisip pa nito na may relasyon kami ni Ferdinand! 

Gusto niyang humalakhak to the highest level. Why not?  Not a bad idea at all.

“Watch your mouth, Tristan.  Hindi ikatutuwa ni Ferdinand ang mga bagay na ‘yan.”

Nagbabaga ang mga mata ng binata sa matinding galit.  “Did you tell him that I made love to you over and over till we both dropped dead in exhaustion?  That there’s not an inch in your body that I didn’t kiss and touch?”

She sucked a deep breath.  Nakikita niya ang hamon sa mga mata nito at halos manginig ang katawan niya sa takot.

“I don’t see a ring, Beryl or Red, whatever! Hindi ka rin kasama sa list of dependents ni Ferdinand.  I will take you back, that I promise you,” the threat in his voice was so damn clear. 

Bumaba ang tingin nito sa mga kamay niya. Muli ay nahuli nitong pinipisil niya ang mga daliri.  “That’s right, you should be worried. Ngayon pa lang ay isipin mo na kung paano mo haharapin ang bagay na ‘yan.”

Inipon niya ang lakas ng loob para sagutin ang lalaki. “Paano mo babawiin ang isang bagay na kailanman ay hindi naging sa ’yo?” taas-noong sabi niya dito.

Naggalawan ang muscles ni Tristan sa mukha.  Nagdaan saglit ang sakit sa mga mata nito, at mabilis na napalitan ng galit. “Magpasalamat ka na sa ganitong pagkakataon tayo muling nagkaharap, Beryl, if not, I will make you mine again right here and right now!”

Nanayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan.  Bigla ang ginawa niyang pagtayo para lumayo sa lalaki.  Kamuntik pa n’yang mabangga si Ferdinand na pabalik na sa kanilang mesa.

“Where are you going?” ang mga mata nito ay natuon kay Tristan.

“I think I need a shot, para matunaw ang kinain ko.”  Nanginginig pa rin ang mga daliri niya sa tensyon, at isang shot ng matapang na alcohol ang kailangan niya para ikalma ang sarili.  Niyaya niya si Ferdinand papunta sa bar.

LUMAPIT  ang isang sexy at magandang babae kay Tristan.  “Don’t sulk, loverboy.”  Iniabot nito ang kopita ng alak. “You’ve been hibernating for the past three years, and now look what you’ve got?  Siguro naman ay maibibigay mo na ngayon ang matagal ko nang hinihingi sa ’yo,” malambing na sabi nito sabay hagod sa batok ng binata.

“We’ve been doing that since you were fifteen, Christ’s sake! Ano pa ba ang hinahanap mo sa akin?  I guess I’m sterile, that’s it, kaya hanggang ngayon ay hindi kita mabigyan ng anak.  Go and find yourself another babymaker, Aleli,” galit na sagot niya sa dalaga.
 
Of all women na nagdaan sa buhay niya, kay Aleli lang siya hindi nag-alala na magbunga ang pagtatalik, maybe because of their mutual agreement sa umpisa pa lang.  Baka nga ang pagkakaroon nila ng anak ang maging dahilan para tuluyan na silang lumagay sa tahimik. 

Until there was Beryl. With her, it felt like home, like she was a missing part of him that finally made him complete.  When she disappeared, everything in his life was torn apart.

“Easy, you’re being so touchy.  Gusto ko nang magselos sa babaeng iyan.  Ni minsan ay hindi kita nakitaan ng ganyan sa relasyon natin.”

“You know the real score between us, nilinaw ko na sa ‘yo ‘yan ng ilang beses,” malamig na sagot niya sa dalaga.

“She was your father’s...”

“I don’t give a damn!”

NAPASULYAP si Beryl sa direksyon ni Tristan.  Nakatalikod ito sa kanila.  A stunning woman kept him company, the beautiful Aleli. Parang may kumurot nang pino sa puso niya nang makita muli ang dalawa.  Aren’t they married up to  now? 

Nang tumayo ang dalawa at lumabas ng malaking bulwagan ay parang siya tinalupan ng buhay at ibinilad sa ilalim ng araw.

💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

Do you have any idea how painful it is to see someone you love in the hands of another woman?

It's like having thousand little needles stuck in your fragile, weary heart all at the same time 😫😥😪💔💔💔💔

Forever Yours (edited version)Where stories live. Discover now