Old Phone

8.3K 183 4
                                    

CHAPTER ELEVEN

PASADO alas nueve ng umaga nang makarating si Beryl sa talyer.  Dumiretso siya sa opisina ni Ferdinand.  Inayos niya ang mga papeles na nagkalat sa lamesa nito.  Binuksan niya ang desktop computer at nag-dial ng local number sa telepono para maghingi ng kape sa sekretarya.

Sa makalawa ay pay day na, kaya dapat niyang tapusin ang payroll ngayong araw para maipasok niya sa bangko kinabukasan.

Paglipas ng limang minuto ay pumasok ang isang may katabaang babae na siyang tumatayong sekretarya at katiwala na rin kapag wala silang pareho ni Ferdinand sa talyer.  Ipinatong nito ang kape sa harap niya at may iniabot na folder.

“Ma’am, dumating po 'tong email kanina mula sa Asuncion Motors.  List daw po ito ng bagong dating na trade-in vehicles.”

Para siyang natuka ng ahas nang marinig ang pangalan ng kompanya.

“May pitong truck po na nagpa-scale kagabi at tatlong van naman ang nagpa-talyer.  May hinila din po ang tow-truck sa may bukana ng Castillejos, hanggang ngayon po ay ginagawa pa.”

Nanatili siyang walang reaksyon, nakatitig lamang sa puting folder sa harap niya.

“Ma’am?” bahagyang inilapit ng babae ang mukha nito sa kanya.

“Ha?

“Okay lang po ba kayo?  Baka po pagod pa kayo dahil sa okasyon noong nakaraang araw?”

Sa pagkakaalala sa okasyon ay muli siyang kumilos at hinarap ang computer.

“Okay na ako, Betty.  Salamat sa coffee.  After lunch ay darating si Ferdinand, ako na ang magbibigay ng folder na iyan.”

Paglabas ng babae, dinukot niya ang USB flash drive na bigay ng photographer mula sa handbag.  Binuksan niya ang Facebook account at nagsimulang i-upload ang mga larawan ng anak. 

Red Arquiza.  Iyon ang tawag sa kanya ng mga malalapit nilang kaibigan at ilang kamag-anak na pawang nasa malalayong lugar.  Iyon ang nickname na ibinigay ni Ferdinand noong siya’y sanggol pa, dahil sa kanyang rosy cheeks.

Kahapon ay second birthday ni Amethyst Arquiza.  Ginanap iyon sa clubhouse ng subdivision nila.  Maraming bisitang dumating, at ipinagpasalamat niya na hindi kasama si Tristan sa mga naisip na imbitahan ni Ferdinand. 

Muli niyang tinitigan ang mga pictures ng bata. Sa pagdaan ng mga araw ay palaki nang palaki ang pagkakahawig ni Amy sa ama nito.  Parang kailan lang...

Naputol ang pagse-senti niya nang may kumatok sa pinto at kasunod noon ay ang pagsungaw muli ng sekretarya.

“Ma’am, may kliyente po na naghahanap kay Sir Ferdinand.”

“Papasukin mo.”  Dumiretso siya ng upo at humigop sa tasa ng kape.

“Good morning, Beryl.” 

Kamuntik na niyang maibuga ang mainit na kape.  Nanginig ang kamay niya at tumapon ang laman ng tasa bago pa niya ito maipatong muli sa platito.

“So, I still have that effect on you,” nanunudyo ang mga mata nito nang salubungin niya ng tingin.

“What are you doing here?”  pinilit niyang kalmahin ang sarili at patatagin ang boses sa kabila ng pagsisirko ng sikmura niya at pagre-red alert ng mga nerve endings niya.

“Relax.  I’m here to see Ferdinand.  But since ikaw lang ang nandito, kabastusan naman siguro kung hindi mo ako haharapin nang maayos.”

“Nasa Iba branch siya ngayon.  Kung ano man ang sadya mo sa kanya ay puwede mo naman sigurong itawag, or hintayin mo na lang siya sa opisina mo, papupuntahin ko siya doon.”

“Never mind.  Hihintayin ko na lang siya dito.”  Umupo ito sa upuan na nasa harap ng office table niya. 

“Look, I will be very busy today, so if you don’t mind...”

“Hindi ka pa rin nagbabago, Beryl.  You have your ways in dismissing people.  Hindi mo na nga ako amo ngayon, pero business partner ako ni Ferdinand.  So I think I deserve a little warm welcome here.”

Napabuga siya ng hangin.  Lagi na lamang siya iniipit nito sa alanganin.  Kung noon ay natatakot siya na malaman ni Jade ang tungkol sa kanila, ngayon naman ay kay Ferdinand siya kinakabahan.

“How about coffee for me?”  Ngumiti pa ito nang matamis. 

Inangat niya ang telepono para magpasangkap ng kape.

“Make it two.  Mukhang wala ka pang nainom diyan sa natapon mong kape,” nakakaloko ang ngiti nito nang tignan ang halos wala ng laman na tasa.

Pagpasok ng sekretarya ay nagulat pa ito sa kalat niya sa ibabaw ng mesa dahil hindi siya ang tipong clumsy sa kahit anong bagay... liban na lamang siguro sa larangan ng pag-ibig.

“How long have you been living with him?” walang gatol na tanong ni Tristan nang maisara ng sekretarya ang pinto.

“Iyan ba ang ipinunta mo dito?” mataray na sagot niya.

“Well, unless you know anything about machines and other parts, wala akong ibang alam na puwede nating pag-usapan.”

“Wala kang pakialam sa personal kong buhay.”

“I am making it my business.”

“Ang...”

Hindi siya nito pinatapos.  “We are not done yet.  Wala akong natatandaang tinapos ko ang relasyon natin.”

“Wala tayong relasyon.  Walang halaga ang namagitan sa atin noon kaya huwag mo nang ungkatin pa, para sa ikatatahimik nating lahat,” pakiusap niya rito.

Muli niyang nakita ang pagguhit ng pait at galit sa mga mata nito tulad noong gabi ng party.  Pero mabilis din iyong nawala.

“Would you rather prefer na sa akin manggaling o ikaw na ang magtatapat kay Ferdinand?” parang wala itong narinig sa sinabi niya.

She almost cried in frustration.  Nang muli niyang tignan ang lalaki ay napansin niyang hindi na sa kanya nakatuon ang pansin nito.

Sinundan niya ang tinutumbok ng mga mata nito.  Sa likod niya, sa flat monitor ng desktop computer niya ay biglang lumitaw ang larawan ni Amy na nakayakap kay Ferdinand dahil nasagi niya ng siko ang mouse.

“Lucky man,” mahinang bulong nito.  Nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito bago muling nagsalita.  “But you belong to me, Beryl, and I always get what is mine.” Iyon ang huling tirada nito bago ito nag-martsa palabas ng office na iyon.

Beryl was left confused and tensed.  Bakit ginagawa ni Tristan ito ngayon?  Hindi ba tinalikuran na siya nito noon?  Gusto ba siyang parusahan ng lalaki dahil sa nangyari sa ama nito?  Pero wala siyang kasalanan doon.   

Ano ang gagawin ni Ferdinand sa sandaling malaman nito na si Tristan ang lalaking tumalikod at nangwasak sa pagkatao niya noon?  Kailangang magkaroon siya ng lakas ng loob na magtapat kay Ferdinand bago pa nito malaman iyon mula kay Tristan. Tiyak na magkakaroon ng giyera sa Castillejos ‘pag nagkataon.



MULA nang mawala ang ama ni Tristan ay hindi na siya umuwi sa mansyon.  Kumuha siya ng panibagong condo unit at ibinigay na niya kay Aleli ang dati nilang tagpuan. 

May kailangan siyang dokumento na ilang araw na niyang hinahanap.  Nagbaka-sakali siyang makikita iyon sa kagamitan ng ama sa malaking bahay.

“Sally, ang Ma’am Jade mo?”

“Kahapon pa po siya umalis, Sir.  Hindi po namin alam kung saan siya nagpunta.”

“Si Crystal?”

“Tulog na po.”

As usual, nasa galaan na naman si Jade, at wala siyang idea kung kailan ito uuwi.  Sinilip muna niya ang kapatid bago siya nagtuloy sa master bedroom. 

Hinalungkat niya ang dating chest of drawers ng kanyang ama.  Lumipat siya sa office nito na katabi lang ng kuwarto. Binuksan niya ang drawer ng office table na nasa bandang gilid.  Nang kalkalin niya ito ay may nahawakan siyang cellphone mula sa gilid ng mga folders. 

Kunot-noong ineksamin niya ito. Ang cellphone unit ng kanyang ama noon.  Ini-on niya ito, pero sa tagal ng panahon ay drained na ang battery nito.

Pagbalik niya sa condo, dala na niya ang kailangang papeles, pati ang lumang cellphone.  Napasulyap siyang muli sa unit.  Dala ng kuryusidad ay tinanggal niya ang battery nito at ipinalit ang battery ng isang cellphone niya.

There were many stored messages.  Isa na doon ang conversation ng ama at ng madrasta noong mismong araw na madatnan niya ang mga ito sa loob ng nursery. He scrolled up.

11 November, 2017 8:13 PM
I’m on the way home, hon.  Nand’yan na ba si Tristan?

11 November, 2017 8:22 PM
Wla p.  D2 nb sya s Pinas?

11 November, 2017 8:29 PM
Kanina pa dumating ang eroplanong sinakyan niya.

11 November, 2017 9:05 PM
Bka nsa condo.  Beryl s sick, aq nagba2ntay k Crystal ngaun. Ingat.

11 November, 2017 11:20 PM
Honey, I’m home.  Wer are u?
 
Kinalkal din ni Tristan ang memorya niya.  Sa pagkakatanda niya ay malapit na maghatinggabi nang maisip niyang umuwi ng mansyon noon.

May sakit ba si Beryl noon?  Nang huling mag-usap sila ng dalaga bago siya sumakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas ay wala itong nabanggit na may dinaramdam ito, maliban na lang sa pagiging antukin nito.  Kung may sakit nga ito, bakit ito nasa loob ng nursery sa ganoong oras ng gabi?  Kung makikipagtagpo ito sa ama niya, maaari namang sa mismong kuwarto na lang nito, wala pa siguradong makakakita.  Bakit sa nursery pa na karugtong lang ng kuwarto ng mag-asawa?  Bakit ba hindi niya agad naisip iyon?

Para siyang binundol ng ten-wheeler truck nang magliwanag sa isip ang isang hinala.  Jade knew that he was coming home that night.  Had she set it all up?  Pero bakit?

Napudpod na ang daliri niya sa kada-dial ng numero ni Jade, hindi niya ito makontak.  Malamang ay nasa loob ito ng kuweba at kasalukuyang naglilimlim.

Forever Yours (edited version)Where stories live. Discover now