Tragedy

10.4K 214 5
                                    

“HINDI mo dapat ginawa iyon, Ferdinand.  Para sa ’yo ang mga lupang iniwan ng Tito Julian.  You’ve done more than enough for me.”

“It wasn’t enough, Beryl.  You could have had so much more, if only your Mom didn’t die that night.  Kung hindi ako umupo sa harapan, kayo sana ng Mommy mo ang nakaupo doon, and she wouldn’t have died trying to protect you.”

“Akalain mo bang sa ’yo ang pinakamahabang piece? At sa ’yo din ang pinakamalakas na palakpak.  Syempre, ano pa nga ba ang gagawin ko doon kundi sapilitang pumalakpak,” panunukso ni Ferdinand kay Beryl habang pauwi na ang mga ito.

“Mommy, nang-aasar na naman si Ferdinand.”

“Naniwala ka naman diyan, eh, ang galing-galing mo,” pag-aalo ng ina niya.

“Kanino ka pa ba naman magmamana kundi sa Mommy mo,” may pagmamalaking sabi ng ama niya.

“Sulit naman ang pagsama ko kahit kamuntik na akong makatulog sa piyesa mo, madami kasing pagkain,” nilingon pa siya ni Ferdinand mula sa passenger seat ng kotse, habang siya naman ay nakakalong sa ina sa backseat. 

Isang malakas na hampas sa batok ang iginanti niya dito. ‘Di pa nakuntento, dumukwang pa siya para sabunutan ang binatilyo.
Humalakhak si Ferdinand habang panay ang iwas sa mga kamay niya.

“Magsitigil nga kayong dalawa. Ikaw, Ferdinand, wala ka nang alam gawin kundi alaskahin si Beryl.”

“Eh, paano kasi pikon! Tignan n'yo, pulang-pula po ang bata sa inis!” Sinundan pa nito ng nakakalokong tawa.

‘Yon ang huling natatandaan ni Beryl.  Ang sumunod na namalayan niya noon ay ang malakas na sigaw ng Mommy niya at ang nakakabinging banggaan ng mga bakal, and then everything went black.

She was only ten years old nang mamatay ang Mommy niya sa car accident na ‘yon. Niyakap siya nito at dito tumusok ang nakausling bakal mula sa truck na nakabangga sa kanila. Bakal na dapat sana ay sa kanya tumama, pero sinangga iyon ng ina.  Bahagya lang iyong tumusok sa kanang balikat niya nang tumagos iyon sa katawan ng ina.

Magmula noon ay nalulong sa alak ang Daddy nila. Napabayaan na ang negosyo at pataniman ng palay at tubo.  A year after ay nagkaroon ito ng liver cirrhosis at iba pang kumplikasyon sa puso at bituka. Halos isang taon din ang pinagdaanan nitong hirap bago iginupo ng karamdaman.

Lahat ng mga ari-arian nila ay naibenta, ang natira lang ay ang malaking bahay na nakasangla din sa bangko.  Ibebenta na dapat ‘yon bago mailit ng bangko, pero tumanggi si Ferdinand na nang mga panahong iyon ay nagta-trabaho na bilang junior machine operator sa pabrika ng mga sardinas. He struggled to pay the monthly dues at nangakong tutubusin iyon sa bangko pagdating ng araw. 

Ang bahay na ‘yon sa Bataan ay minana pa ng kanyang ama sa lolo nito, ganoon din ang mga lupaing naibenta na. Hindi pumayag si Ferdinand na mailipat din ang bahay at lupa sa pag-aari ng iba.

Matapos ang ilang sandaling pagbabalik-tanaw ay muling bumalik sa kasalukuyan ang atensyon ni Beryl. Galit nitong binalingan si Ferdinand.

“You idiot! How could you blame yourself for what happened? Kamuntik ka na ring mamatay! You were comatosed for how many days, Ferdinand!”

“And I wished I never woke up,” mahinang bulong ng binata, his mind was also drifting somewhere in the past.

Kumawala si Beryl kay Tristan, nilapitan niya si Ferdinand at pinagsusuntok sa dibdib. “How dare you! Kayo na lang ng Tita ang naging karamay ko noon, and you wished that you were dead, too? How could you wish to leave me like that?”

Forever Yours (edited version)Where stories live. Discover now