First Time

8.2K 178 4
                                    

CHAPTER FIVE

“SAAN tayo pupunta?”  nagtatakang tanong ni Beryl
Malayo-layo na ang kanilang nabibiyahe at hindi na pamilyar ang kanyang nakikita sa daan.

“Makikita mo.”
Huminto ang sasakyan sa harap ng isang bahay sa loob ng isang kilalang village. Lumabas ang lalaki at inalalayan siya pababa.  

Tiningala niya ang malaking bahay. Wala itong bakod kundi ang matataas na well-trimmed plants na nakapalibot dito.  Ang mahabang pathway patungo sa porch ay nagmistulang tunnel dahil sa makapal na vine na nakapaikot dito. 
The garden was landscaped at may wooden swing at gazebo sa tabi ng maliit na man-made lake. Sa bandang gilid ng bahay ay may pool na katamtaman lang ang laki. 

Pagpasok nila sa front door ay binitiwan siya ni Tristan. Binuksan nito ang mga ilaw.
“Pasok ka.” 

Humakbang siya papasok.  Sinundan niya ang lalaki na umakyat sa hagdan.
“Kanino bahay ito?”

“Mine. Pasensya ka na at wala pang gamit.  I just bought it recently at hindi ko pa napapaayos ang interior.”

Hindi niya mapigilan ang paghanga sa pagkakagawa ng bahay. It has unique structures.  Maaliwalas at maliwanag ang paligid dahil sa malalaking glass windows na nakapalibot dito.  Ang buong itaas ay napapalibutan ng veranda, kung saan ay makikita ang napakagandang view ng paligid.

“Ano sa tingin mo?” nilingon siya ng binata.

“Perfect.”

“I’m glad you like it. May apat na silid dito sa itaas at dalawang guestroom doon sa ibaba.   This is the master bedroom.” Hinila siya nito palapit sa glass door. Binuksan nito iyon at lumabas sila sa veranda.

Hindi niya napigilan ang mapasinghap sa view sa likod ng bahay. It was overlooking a cliff at parang napakalapit na niya sa langit.  Sa malayo ay makikita ang buong siyudad sa ibaba.  Ninamnam niya ang malamig at preskong hangin. “Ang ganda!”

“Yeah. Gusto ko rin ang view na iyan kaya pinili ko ang bahay na ito.”

“Nasaan tayo?”

“Bahagi na ito ng Antipolo. I want to get away from the busy streets of Manila.  Gusto ko ng malawak na lugar na mag-eenjoy ang mga anak ko sa paglalaro.  I was an only child until Crystal came, kaya gusto ko magkaroon ng malaking pamilya.”

Niyakap siya ng binata mula sa likuran. Matagal sila sa ganoong ayos. Ninamnam nila ang simoy ng panghapong hangin.

“I like it here, tahimik.”  Iniharap siya nito at inabot ang kanyang mga labi.

Ginantihan niya ang mga halik nito at ikinapit sa batok nito ang kanyang mga kamay. 

“You’re a fast learner.  I don’t remember that you kissed that well last time.”

Nag-init ang mga pisngi ni Beryl.

“And you are getting prettier each day, kahit palaki nang palaki ang mga eyebags mo.  Don’t you sleep at all?”  Muli nitong inangkin ang mga labi niya. 

Mayamaya pa ay bumaba ang mga kamay ni Beryl sa dibdib ng binata. 

Pinakawalan ng binata ang mga labi niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at masuyo iyong hinagkan.

“Don’t do that,” red alert warning in his trembling voice.

She didn’t know what to say.  She wanted to feel his body, pero pinipigilan siya nito.  She unconsciously licked her lower lip habang nakatingala sa binata. “Gusto kitang hawakan,” she said hesitantly.

Forever Yours (edited version)Where stories live. Discover now