Sleepyhead

7.7K 172 10
                                    

CHAPTER SEVEN

KINABUKASAN, maaga pa nang umalis si Beryl. Minabuti niyang umuwi saglit sa probinsya para makasagap ng preskong hangin at ma-detox ang utak at puso niya. 

Para lang naman siyang ibinabad sa isang tangke ng formalin.  Kailangan pa bang i-showcase ang gutay-gutay niyang damdamin sa harap ng mga impaktos? 

Sinadya niyang magpagabi ng balik sa mansyon.

“Bakit ngayon ka lang?”  Bungad ni Jade nang makaalis na si Sally na nagbukas ng pinto para sa kanya.

“Pasensiya na po, Ate.  Pumasyal lang ako sandali sa atin.  Na-traffic po ako sa daan,” paliwanag niya dito.  Hindi niya inaasahang daratnan niya ito ngayon.

“Don’t call me ate!  Umaabuso ka na, Beryl.  Mula ngayon ay hindi ko gustong lumalabas ka ng mansyon.  Maliwanag ba?  At tigil-tigilan mo ang kalalandi mo kay Tristan.”

“Hindi ko po...”  Hindi nga ba?

“Huwag ka lang pahuhuli sa akin.”

Napahinga siya nang malalim nang talikuran siya nito.

Kinabukasan ay may humila sa kanya papasok sa loob ng music room.

“Tristan!” gulat na sabi niya pagsara nito ng pinto.  Bakit nandito ang lalaki?  Hindi ba ito pumunta sa opisina?

“Saan ka galing kahapon?  Sino ang kasama mo?”

“Wala kang pakialam...”

“Meron.  You are mine, Beryl.  Mine!”  Kinabig siya ng binata at walang sabi-sabing hinagkan siya nito nang mariin. 

Halos pangapusan siya ng hininga sa malupit na paraan nito ng paghalik.  Isinandal siya nito sa cabinet at nangatumba ang mga frames at iba pang collector’s item na naka-display doon.

Mayamaya pa ay parang naramdaman ni Tristan ang paninigas niya. He slowly released her.  Naghahabol ito ng hininga nang ikulong nito ang mukha niya sa mga palad nito.

Magko-collapse na talaga siya kung hindi pa siya pinakawalan ng binata.  She sucked air through her open mouth to fill her lungs with oxygen.  Nanatiling mariin ang pagkakapikit ng mga mata niya.

“Lord, I’m so sorry!” bulong nito sa kanya. Kinabig siya nito sa dibdib at hinaplos-haplos ang likod niya. “It’s just that I...” huminga ito nang malalim, “I was so worried about you.”

Niyuko siya nito at nakita nito ang namumuong luha sa mga mata niya.  Her lips were swollen and she was obviously brutally kissed.

“Don’t cry on me again, please, I can’t stand it.”

“Itigil na natin ito, Tristan.”

“No!  Look, hindi ko ginusto ang nangyari.  Hindi ko lang mabigla si Aleli.  At hindi ko alam kung ano ang isasagot sa Papa.  Mamaya ay magsasabi na ako sa kanya ng tungkol sa atin.”

“Huwag!”  It’s her turn to panic.  Hindi dapat malaman ni Jade ang tungkol sa relasyon nila.  Palalayasin siya nito.  At hindi niya pa kayang mapalayo kay Crystal, higit lalo na kay Tristan.  “Please, walang dapat makaalam ng tungkol sa atin.”

Kumunot ang noo ng binata dahil sa nakikitang reaksyon niya. Hindi nito kilala si Jade at wala itong ideya sa kung ano pang kalupitan ang kaya nitong gawin sa kanya.

“But why? I need to...”

“Please, Tristan, ipangako mong hindi mo sasabihin sa Papa mo.”

“Okay. But give me your damned cellphone number, para sa uuliting mawawala ka ay hindi ako mababaliw sa pag-aalala sa ’yo.”

“Hindi ko memoryado ang numero ko.”

Forever Yours (edited version)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant