First Touch

10.2K 184 2
                                    

CHAPTER TWO

INILABAS ni Beryl ang baby sa lanai para ibilad sa pang-umagang araw. Na-curious siya nang marinig ang ingay na nanggaling sa pool. Tinawid niya ang malawak na garden papunta sa likod para silipin kung sino ang naliligo doon. 

Husto namang lumalangoy na ang kung sino mang nilalang na iyon pabalik sa gilid ng pool.  Pag-ahon nito ay tumambad sa paningin ni Beryl ang matipunong katawan ng isang lalaki.  Kumikinang sa sikat ng araw ang tumutulong tubig mula sa may kahabaang buhok nito. 

Parang na-magnet ang mga mata ng dalaga. Hindi na niya kayang magbawi ng tingin.  All her life ay si Ferdinand lang ang kabuuan ng salitang sexy-and-gorgeous-hunk para sa kanya.  Ngayon lang niya na-discover na may iba pang pinagpalang nilalang sa ibang panig ng mundo na nagtataglay ng mga ganoong katangian. 

Napalunok siya sa itinatakbo ng isip. Nakadama siya ng pagkapahiya sa sarili dahil sa ginagawang panunubok sa lalaki.

Oh, dear!  Is he the Irish actor, Colin Farrell, sent here straight from Hollywood? 

Pero nag-isip pa muna siya.  Okay, younger brother ni Colin!

Biglang umiyak ang baby na karga niya. Dahil sa bahagyang pagkatuliro, hindi niya agad naisip kung paano patatahanin ang bata.

Awtomatikong lumipad ang tingin ng lalaki sa pinagmulan ng ingay.  Huling-huli siya nitong nagtatago sa gilid ng malaking halaman habang nakatitig dito.

Kahit malayo siya ay tiyak niyang nakita nito ang pamumula ng mga pisngi niya sa pagkapahiya.  Mabilis siyang umatras at bumalik sa lanai para kunin ang feeding bottle ng sanggol. Ibinaba niya ito sa crib at inuga-uga.

“Stupid!” galit na sabi niya sa sarili.

“Huwag mong pagalitan ang inosenteng bata.  Wala siyang kasalanan.”

Nanigas siya sa pagkakayuko sa crib.  Hindi niya namalayan na sumunod pala ang lalaki sa kanya.

“And don’t mix duty with pleasure.” Nilampasan siya nito.

Ni hindi siya nakapiyok.  Itinakip niya ang palad sa mukha sa sobrang pagkapahiya.  Pakiramdam niya ay umuusok ang tainga niya sa sobrang init na nararamdaman.

Nang mag-angat siya ng mukha ay nagsalubong ang mga tingin nila.  Nasa puno na ito ng hagdan at nakalingon sa kanya.  Malamang ay tuwang-tuwa nitong pinapanood ang reaksyon niya at nakita siya nito nang katukin niya ng kamao ang noo niya. 

Ngumisi ito nang nakakaloko at iiling-iling na pumanhik sa hagdan.  Iniwan ang mga bakas ng tumulong tubig mula sa basang katawan nito na hindi man lamang nito pinagkaabalahang punasan at takpan ng tuwalya.

Who the hell was that?  Ang yabang ng loko. Akala mo naman totoo ng guwapo! ‘Di naman kaya masyado,‘no!

Nang hapong iyon ay muli niyang nakita ang lalaki sa lanai. Kausap nito ang asawa ni Jade.  Nang makita siya nito ay hindi na siya halos hiniwalayan ng tingin. 
Nag-init ang mukha niya sa ginagawa ng lalaki. Alam sigurado nito na naiilang siya sa mga titig nito.  Ewan lang kung alam din nito na halos madapa siya sa pangangatog ng mga tuhod niya.

Sa kusina ay kinikilig na ikinuwento sa kanya ni Sally kung sino ang lalaki.  She pretended that she was not interested, tumatango-tango lang sa bawat impormasyong sinasabi ng kasama.

“Isipin mo na lang, two years lang ang tanda ni Ma’am Jade sa anak ni Sir Daniel. Sayang, sana silang dalawa na lang, ano?  Pero sabagay, hindi sila bagay.  Ang ganda kaya ng gf ni Sir Tristan, walang sinabi si Ma’am Jade.”

“'Lakas ng boses mo.  Kapag narinig tayo niyan, sisante aabutin nating dalawa,” saway niya sa babae.

KINABUKASAN, wala ang mag-asawa buong maghapon. Nag-out of town ang mga ito. Maghapong nasa nursery si Beryl, nilalaro ang sanggol. Her job was easy, pero naiinip siya sa loob ng bahay na iyon. 

Forever Yours (edited version)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin