The Lover

7.9K 163 4
                                    

CHAPTER SIX

“TRISTAN, I invited Aleli for dinner this Saturday. Plano kasi naming mag-open up ng boutique at beauty products. We might add a first class spa and a derm clinic, too.”  Out of the blue ay ipinasok ni Jade sa usapan ang nobya ng binata.

“That’s good,” tipid na sagot ni Tristan.

“I’m sure na magkakasundo kami ng girlfriend mong iyon, Tristan.  She loves fashion so much.  You should allow her to join the fashion world, sayang naman ang ganda niya.  She is too glamorous to be a plain housewife.”

“No one is stopping her, Jade.  We are individuals.  We can both do what we want.” makahulugang sabi ng binata.

Pakiramdam ni Beryl ay ipinamumukha ni Jade sa kanya ang dapat niyang kalagyan.  To remind her that Tristan was already committed, and to insult her with that indirect comparison. 

Sino ba ang hindi manliliit kung ikukumpara sa Aleli na iyon?  Siya na bukod sa napaka-ordinaryong tao ay ginawa pang yaya, at ngayon ay naninilbihan sa tahanang ito, at si Tristan ay isa sa kanyang mga amo. 

Halos isampal na ni Jade sa pagmumukha niya ang katotohanang ginagawa lang siyang libangan ni Tristan, laruan...  At kapag nagsawa na ito sa kanya ay basta na lang siya titigilan. 

Ano na nga ang sagot ni Tristan? We can do what we want.  He was being allowed to womanize and play around, as long as si Aleli lang ang seseryosohin nito at nag-iisa sa puso nito. 

Sinulyapan ni Jade si Beryl.  May nalalaman na ba ito tungkol sa namamagitan sa kanila ni Tristan?  Ilang beses na silang lumalabas ng binata tuwing day-off niya at nagkakataong nasa out of town naman ang mag-asawa.  Si Crystal ay iniiwan lamang niya kay Sally.  Nagsusumbong ba si Sally sa kanilang amo?  Hindi naman siguro.  Sadyang malakas lamang ang pang-amoy ni Jade pagdating sa kanya.

Mas mamatamisin pa niyang saktan siya ni Jade physically katulad noong bata siya, kesa tanggapin ang ganitong insulto sa pagkatao niya.

“Wala pa ba kayong balak magpakasal ni Aleli, hijo?” singit ng ama ng tahanan.

“Papa, isn’t it too early for that?   Itinataboy mo na ba ‘ko?” may bahid ng iritasyon ang tinig ng binata.

“As a matter of fact, hijo, nagtataka nga ako kung bakit bigla kang nagbalik dito sa mansyon.  Are there so many ghosts of past girlfriends in your condo now?  Isn’t it high time for you to stick to one woman?”

“I don’t bring random women in my condo,” depensa ng binata sa sarili.

“Baka may pinagkakaabalahan ang anak mo dito, hon.”   May malisyang sabi ni Jade.  Sinadya nitong sulyapan muna si Beryl bago nito tinignan si Tristan. 

Sinalubong ni Tristan ang naghahamong tingin ng madrasta.

“Kanino pa ba naman magmamana ang anak mo?”  baling ni Jade sa asawa.

“Hon, ako na naman ang nakita mo,” iiling-iling na sabi ng lalaki. Sa edad nitong forty-nine ay matikas pa rin ang lalaki.

Sinulyapan siya ni Tristan.  Nasa mukha nito ang matinding pagkailang.

Nang matapos kumain ang pamilya, humakbang na si Beryl palabas ng kusina, pero tinawag siya ni Jade.

“Beryl, tumulong ka sa pagligpit dito sa kusina dahil may ipinagagawa ako kay Sally.”


KATULAD ng inaasahan, bisita si Aleli nang dumating ang Sabado.  She arrived with Tristan.  Sinadya ni Jade na itaon ito sa araw ng day off ni Sally para obligado si Beryl na pagsilbihan ang mga ito.

“This one is good, sweetie.  Try it.”  Sinubuan ni Aleli ng kapirasong steak si Tristan at pinunasan pa ng napkin ang gilid ng labi nito.

Walang kibong nagpatuloy lang sa pagkain ang binata.

“Hija, kailan darating ang parents mo?” tanong ni Daniel sa dalaga.

“Naku, Tito, nag-eenjoy ang mga iyon sa States.  Naaaliw sa mga apo.  My sister Alice just gave birth, at girl pa rin. Kaya nga gusto ng Papa na ang first baby namin ni Tristan ay boy, para naman daw may magmana sa pagiging basketball player niya noong araw.” Malambing na ikinawit nito ang braso sa binata.

“I was just asking Tristan the other night kung kailan ang balak ninyong magpakasal.”

Kumislap ang mga mata ng dalaga.  Nilingon nito ang nobyo.

“She's still young, Papa.  Let her grow,” sinalubong nito ang tingin ng nobya.  “When the right time comes, we will tell you,” pagtatapos ng binata sa usapan.

Hindi na rin dinugtungan ni Aleli ang statement ng binata.  Sa tingin pa lang ay nagkaintindihan na ang dalawa.  Maybe she knew Tristan so well since childhood, enough to recognize the dismissal in his tone.

Pagkatapos ng hapunan, lumipat ang mga ito sa sala.  Tinawag ni Jade si Beryl na abala pa sa pagliligpit ng pinagkainan.  Nagpakuha ito ng wine.

Inilapag ni Beryl ang mga kopita sa center table.  Sinubukan niyang buksan ang isang bote ng red wine, pero hindi niya ito mabuksan.

“Napaghahalataan kang probinsyana.  Hindi mo mabubuksan iyan kahit anong pihit pa ang gawin mo,” puna ni Jade sa ginagawa niya.

“Allow me.”  Nilapitan siya ni Tristan at kinuha ang bote sa kamay niya.  Nagpunta ito sa mini bar at kinuha ang cork screw. 

Si Beryl ay bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa.  Hustong matapos siya nang tawagin siyang muli ni Jade.

Alam niyang magagalit si Jade kapag hindi siya lumapit dito.  Pero hindi siya tiyak kung kakayanin pa niya.  She wanted to break down and cry right at this moment.  Nagpunta siya sa water dispenser at inisang lagok ang laman ng baso, pilit kinalma ang sarili.  She knew it, hindi siya tatantanan ni Jade hanggang hindi siya nito nakikitang nagdurusa. 

Bitbit ang isa pang bucket na puno ng yelo, nakayuko siyang bumalik sa sala.  Pero bago pa siya nakaabot sa center table ay bumagsak ang hawak niya sa sahig, spilling the ice cubes everywhere.  Tinignan niya ang bagay na dahilan ng pagkadulas niya at kamuntik nang magpabagsak din sa kanya kundi lang siya nakakapit agad sa higanteng vase sa tabi niya.  The floor was wet with melted ice.  Who could have done that kundi si Jade na nakaupo sa mismong tabi nito. 

Mabilis na tumayo ang mag-ama at dinaluhan siya.

“Are you okay?” si Tristan na nakabakas sa mukha ang matinding pag-aalala.

“Tanga ka talaga.” Nakatayo na din si Jade at nakapamaywang sa harapan niya.

“Stop it, Jade!” saway ni Tristan dito.

“Mabuti na lang at yelo lang ang ikinalat mo sa sahig.  Alisin mo na ang mga ‘yan bago pa magkalat ang basa.”

“She’s tired, hon. Let her rest,” si Daniel ang sumagot.

“Tired?  Ano ba ang nakakapagod sa pagbabantay ng bata?”

“Hindi mo alam, because you don’t take care of your own child,” sagot ni Tristan.

“Enough, Tristan,” saway ni Daniel sa anak. “Sige na, Beryl, si Lagring na ang bahala diyan. Magpahinga ka na.”  Tinawag nito ang labandera na siya na ring cook sa mansyon.

“Hire another housemaid, Papa, para may reliever ang nagde-day off.  This isn’t Beryl’s job anymore.  She is supposed to take care of Crystal only, not all of us.”

“Honey, call the agency tomorrow,” baling ni Daniel kay Jade na nakataas ang dalawang kilay.

“Ihahatid na kita sa kuwarto mo,” sabi ng binata na hindi pa rin binibitawan ang braso ni Beryl.

“Okay lang ako,” bulong niya dito at pilit na kumawala.

“You’re not okay.  You’re trembling.”

“Ako na ang maghahatid sa kanya, Tristan.  Mabuti pa ay iuwi mo na si Aleli.”

Walang nagawa si Tristan nang alalayan na ng ama si Beryl paakyat ng hagdan.  Nang lingunin ito ni Beryl,  nakita niyang nakasunod ito ng tingin sa kanila hanggang makaliko sila sa pasilyo.

Forever Yours (edited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon