Necklace

8.4K 186 3
                                    

CHAPTER  FOUR

PAST TWO ng hapon kinabukasan ay nasa bahay na si Tristan.  Hindi rin lang siya makapag-concentrate sa trabaho kaya minabuti niyang umuwi na.
Nagtuloy siya sa lanai para tignan kung nandoon si Beryl at ang alaga nito. Nang walang makita ay pumanhik siya sa itaas.  Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng nursery. Nakita niya si Beryl na nakahiga sa kama, nakadapa ang natutulog na baby sa dibdib nito.  Ito man ay mahimbing na natutulog.

Maingat siyang lumapit, pinagmasdang mabuti ang mukha ng dalaga.  She looked so innocent.  

Parang naramdaman ng dalaga na may nakatitig dito.  Nagmulat ito ng mga mata.  Mabilis itong bumangon, nakalimutan ang sanggol sa dibdib nito.  Agad naman nitong naagapan ang likod ng bata bago pa iyon tuluyang humiwalay sa katawan nito.

“How I envy that baby.”

Namula ito.  Tuluyang bumangon at inilapag ang bata sa crib nito at tinapik-tapik.

“Hindi ko namalayang nakatulog din ako.”  Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Malamang ay naalala nito ang nangyari nang nagdaang gabi, dahil lalong tumindi ang pamumula ng pisngi nito.

“I like it when you’re blushing.”

“Excuse me,” tumalikod ito at pumasok sa connecting door papunta sa kuwarto nito.

“I bought something for you,” sunod niya sa dalaga.

Napalingon ito nang marinig ang boses niya.  “Ano’ng ginagawa mo dito?  Baka may makakita sa ’yo.”

Isinara niya muli ang connecting door at lumapit sa dalaga. Iniabot ang paper bag dito.

Kumunot ang noo ni Beryl. “Ano ‘to?”

“Pajamas.  Ayokong magsusuot ka ulit ng ganoon, lalo na kung hindi mo maiwasang lumabas ng kuwarto.”

“Naka-robe ako kapag lumalabas dito.”

“I can easily remove that robe, remember?”

She blushed again, “Please, lumabas ka na.”

Pero humakbang pa siya palapit dito.

Umatras ang dalaga.

“Hindi mo kailangang matakot sa akin, Beryl.  I don’t force myself to a woman, you should know that by now.”  Nakikita niyang naiilang ito at lalo pa siyang ginanahan na tuksuhin ang dalaga, “O natatakot ka na baka bumigay ka na sa susunod?”

Humakbang si Beryl papasok ng banyo para iwasan siya, pero nahawakan niya ito sa braso.

“Not so fast, baby. Ayaw mo bang sukatin ang mga pinamili ko?”

“Please, Sir. Gusto kong magpahinga sandali habang tulog ang bata.”  She stressed the word “sir” again to point out their situation.

“Sa pagkakatanda ko ay tinawag mo na akong Tristan kagabi.  Do I have to kiss you again para maalala mo?”

“Bakit kailangan mo pang ipaalala sa akin ang nangyari?  Hindi ako komportableng pag-usapan iyon.”

“I know a solution to that.”  Itinaas niya ang mukha ng dalaga at unti-unting inilapit ang mukha dito.  “You’ll get used to it kapag parati na nating ginagawa.  At bakit kailangang ipaalala sa iyo?  Because we’re not done yet.”

Bago pa ito muling makapagsalita ay lumapat na ang mga labi niya dito.  Sa una ay nagpumiglas ito, pero sa bawat panlalaban nito ay dumidiin ang halik niya.
Then she surrendered.  She let him explore all her sweetness.  Napakapit ito sa mga braso niya para siguro ay kumuha ng lakas.

His kisses became gentle, ninanamnam ang bawat sulok ng mga labi nito.  Tapos ay pinakawalan niya ito at huminga nang malalim. Pinunasan niya ng daliri ang mga labi nito, then kissed her again lightly.  “Get some more sleep.”  Binitawan niya ito at lumabas na ng connecting door.

Mula noon ay hindi na makatingin nang diretso si Beryl sa kanya.  Sa tuwing nariyan siya ay dinaig pa nito ang bangag na daga na hindi alam kung saang lungga susuling para lamang iwasan ang higanteng pusa.



“ISASAMA ko si Crystal.  Ipagdala mo siya ng bihisan,” walang gatol na seremonyas ni Tristan.

“Saan kayo pupunta? Saan n’yo dadalhin si Crystal? Alam ba ni Ma’am Jade?” alanganing tanong ni Beryl.

Maaga pa lang kasi ay lumayas na ng mansyon si Jade.  Naka-sports attire ito, malamang ay maglalaro ng tennis or something.  Mas nauna pa itong umalis sa asawa nito na papuntang opisina.

Nagtataka siya kung bakit si Tristan ay naririto pa. Araw ng Huwebes ngayon, dapat ay kasama ito ng ama sa opisina.

Tumaas ang mga kilay ng binata.  “Are you questioning me about my sister?”

“H-hindi naman po.  Nagtatanong lang, baka kasi tumawag si Ma’am, ano’ng isasagot ko kung sakali?”

“Let her talk to me.”

Kumunot ang noo niya.  “Eh, paano...”

“Bilis na, mataas na ang sikat ng araw.  Isasama ko ang kapatid ko sa park, diyan lang sa malapit. Para naman makakita ng ibang tao ang bata.”

Mabilis niyang binihisan ang alaga.  Sinuotan niya ito ng pink over-all na may tainga at buntot ng daga.  May mga bigote pa ang naturang costume.  Nang isuot niya ang hood nito ay bumagay ito sa bilugang mukha ng bata.  Pero hindi ito mukhang daga, kahawig na nito si Humpty Dumpty dahil sa kalusugan nito.

Parang naman nase-sense ng munting prinsesa na maglalakwatsa ito, hindi ito mapalagay sa mga kamay niya.  Naroong lumiyad ito at itulak siya palayo, parang nagmamadali na itong lumakad at tumakbo mag-isa.

“Oo na, saglit lang.  Kung maka-demand ka para kang kuya mo, eh.  ‘Wag mo lang mamanahin ang mga kalokohan n'on, ha? Paglaki mo, pangaralan mo siya.  Sabihin mo, huwag siyang salbahe.”

“Ano ba’ng tinuturo mo sa kapatid ko?  Gumagapang pa lang iyan ay tinuturuan mo nang sumagot at maging pasaway na kagaya mo?”

Napatuwid siya ng tayo.  “Nililibang ko lang po si Crystal.  Aligaga na masyado, eh.”

“Eh, pa’no kasi ang kupad mo.”
Kinuha nito ang bata mula sa kanya.  Tuwang-tuwa namang kumapit si Crystal sa binata. Lukso nga naman ng dugo.

Napailing si Tristan habang pinagmamasdan ang attire ng bata.  “Exactly what I imagined of you,” sabay sulyap nito sa kanya.  “Bad influence ang yaya mo, Crystal, huwag mong tularan.  Kung may sasabihin ka, sabihin mo nang harapan.”

“Tignan mo, ikaw ang nagtuturo sa bata,” sita niya dito.

“Kesa naman maging katulad mo na backfighter.  Ano bang kalokohan at kasalbahian ang ginawa ko sa ‘yo?”  Kumislap ang sangkaterbang kapilyuhan sa mga mata nito.

Nagtatanong pa?  Nagtatanong ang walanghiya?  Matapos siya nitong gahasain...mali, muntik nang gahasain. Kung hindi pa siya pumalag, na kulang naman talaga sa resistance.  Tapos binitawan nga siya nito, binitawan siya nito kung kailang... Napapikit siya doon. 

Hindi niya maintindihan ang sarili sa nararamdaman.  Mixed emotions.  Nanghihinayang ba siya, natutuwa, nakahinga nang maluwag, o nabitin nang husto?  Buwisit kasing lalaki ito, kung an-ano’ng ginigising sa katauhan niya.

Forever Yours (edited version)Where stories live. Discover now