Revelations

9.2K 201 3
                                    

CHAPTER THIRTEEN

“COME IN, Tristan.” Niluwagan ni Beryl ang pagkakabukas ng pintuan.  “Have a seat.”

Nagtaka si Tristan sa pagiging kalmante ng dalaga matapos ng nangyari sa ospital. 

Umupo si Beryl sa mismong tapat ng inupuan niyang sofa.

“Why do you want to have me back, Tristan?  Alam mo namang matagal na kaming nagsasama ni Ferdinand.”

“It doesn’t matter to me.”

“Of course.” Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ni Beryl. “Your kind of deal with your random women. Hindi nga pala issue sa ’yo ang bagay na ‘yan.”

Sunud-sunod ang iling niya. “Not with you, Beryl.  Those women didn’t mean anything to me.  While you, just the thought of you in someone else’s arms drives me insane. I can’t bear it.”

Tinitigan siya ni Beryl.  And with pain in her eyes ay isinumbat nito ang nakaraan. “You believed that I had an affair with your father.  Kaya tinalikuran mo ako nang gabing iyon.”

“I was so stupid to believe that and I could never forgive myself. I left because I couldn’t stand the thought of you and my father together.  I felt so mad and jealous that my first impulse was to run away as fast as I could, before I do him harm.  He was my father, for God’s sake!
Kinabukasan ay nagbalik ako para pakinggan ang paliwanag mo.  I was ready to forgive you and to start anew, but you were gone.  Halos mabaliw ako sa paghahanap sa ‘yo.  I hated myself for not knowing anything about you.”

“Walang nangyari nang gabing iyon. Siguro ay napagkamalan lang ako ng Papa mo na ako si Jade. I was so sleepy. Hindi ko pa alam noon na buntis ako.”

Naalala niya ang gabi bago siya umalis papuntang Japan.  That was the first time na nakatulugan siya ni Beryl.  Hindi nito ginagawa iyon sa mga nakalipas even when she was exhausted from their endless lovemakings.

“Akala ko’y nananaginip lang ako na yakap-yakap mo ako.  Pero sigurado ako na walang nangyaring higit pa doon.”

“I know.  God, I know.”  Nilapitan niya ang dalaga, umupo sa tabi nito at hinawakan sa magkabilang balikat. “Because if he touched you, you would surely make noise, and he would have recognized you at once.”


NAG-BLUSH si Beryl sa ipinahihiwatig ng binata. Ganoon ba talaga siya kaingay? That was so embarrassing.

“I missed that blush, baby, and I missed you so much. Please, hayaan mong makabawi ako sa mga panahong nawala sa atin.  Aalagaan ko kayo ng anak natin,” madamdaming pakiusap nito. “Alam kong mahal mo si Ferdinand, but I will make you love me, too, more than you actually love him.”

“I love Ferdinand, pero hindi sa paraang alam mo.”

Nagtatanong ang mga mata ni Tristan.

“Ferdinand is my guardian and my first cousin,” she continued.

“What?” hindi makapaniwalang tanong ng binata.  Nagliwanag bigla ang mukha nito.

“And Jade is my sister.”

“Sister!” gulat na ulit ni Tristan.  “Really? Bakit ganoon ang trato niya sa ‘yo?”

Si Ferdinand na nakikinig pala sa dulo ng hagdan ang sumagot sa tanong na ‘yon.  Bumaba ito para harapin sila.

“That’s because we’re all not related by blood.”

“What do you mean?”  Nanlamig ang mga palad ni Beryl, “No. Please, don’t tell me,” nabasag ang tinig ng dalaga.

Tristan instantly wrapped his protective arms around her.

“I am not your cousin, Beryl, and Jade is not your sister. Inampon siya ng parents mo after ten years of marriage na hindi sila magkaanak.  Anak si Jade ng isang kasambahay ni Mama Agnes na nabuntis ng dating amo nito.  Pagkapanganak nito ay binayaran ito ng Mommy mo at pinaalis sa Bataan.

Ako naman ay anak sa pagkadalaga ng bestfriend ni Mama, si Mildred Fontillas.  Itinakwil siya ng mga magulang, and she died after giving birth to me.

May isip na ako nang ma-paralyzed ang matandang Fontillas due to stroke.  Ipinahanap nito si Mildred, and they found me. Hindi ako ibinigay ng Mama, pero pumayag itong pag-aralin ako ng matanda.
Jade heard all about it and eventually found out about her own identity.  Since then, she acted wierdly.  When you were born, lalo siyang lumala.  Pinagselosan niya ang atensyon na ibinibigay ng lahat sa ’yo.  She saw how much I adored you. She tried to catch my attention, pero sa ibang paraan, dahilan iyon para iwasan ko siya.

That night before the accident, she tried to seduce me. I was young, Beryl, and I almost gave in.  Pero naisip ko na parang kapatid ko na siya.  Sinabi ko na sasama ako sa recital mo, para lang magkaroon ako ng dahilan na iwanan siya.  She was so frustrated, at sa ’yo ibinaling ang galit. Kaya siya nagpaiwan nang gabing ‘yon.  I was only too thankful na hindi na siya napabilang pa sa traumatic experience na ‘yon.”

“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ‘to? All the while, I thought you were the only family I’ve got here.  All these years, Ferdinand, inoobliga mo ang sarili mo na alagaan ako gayong hindi naman pala tayo magkadugo.”

“My Mom treated us both like her own children, Beryl.  It’s not a matter of blood relationship.  Among us three, ikaw lang ang tunay na Arquiza, and yet ikaw pa ang napagkaitan ng magandang buhay.  I tried my best to save that old house, because it’s the only thing na maiiwan ng ama mo sa ’yo. 

Ang lupang iniwan ng Papa Julian sa akin ay nailipat ko na sa pangalan mo. It was legally yours when you turned eighteen.  Wala kang dapat tanawing utang na loob sa akin sa pagpapaaral at pagsuporta ko sa ’yo financially, because everything was all yours from the beginning.

I have loved you, Beryl, like my own sister.  It was so hard for me to leave you, but I had to do that. You were not a child anymore. I knew that someday, somebody will take my place para alagaan ka. So I had to start preparing for my own future. 

Ipinakuha ako ng bunsong kapatid ng ina ko sa Ireland, pinag-dalubhasa, at ipinamana sa akin ang ilang machine shops ng Fontillas na hawak ko ngayon.  Kasama na rin ang bahay at lupang ito.”

Forever Yours (edited version)Where stories live. Discover now