Imagine

8.6K 210 14
                                    

CHAPTER  THREE

SA MANSYON naglagi si Tristan.  Dahilan niya sa ama, pinapaayos niya ang condo unit.

Sa tuwing oras ng hapunan ay nakikita niya si Beryl kasama ng dalawa pang kasambahay. Lagi niyang napapansin ang mapuputi at makikinis na binti ng dalaga, her slim but shapely body, especially her firm and round butt na nakakaaliw pagmasdan habang nakatalikod itong naglalakad. Hindi nagawang itago ng uniform ang mga assets na taglay nito.

Gusto niyang matawa sa sariling reaksyon.  Kailan pa siya naging parang binatilyo na nagpapantasya sa isang nagdadalaga?  Looking at her now in her ponytail, mukha lang itong sixteen na walang kamuwang-muwang sa mundo. She was not really that beautiful compared sa mga babaeng natitipuhan niya, but she was definitely oozing with sex appeal.  And he was always amazed to see her blush sa tuwing magtatama ang paningin nila.

Minsang palabas siya para makipagkita sa tropa, nakita niya sa side mirror ang naglalakad na dalaga. Bigla ang pagtapak niya sa preno at iniatras ang sasakyan sa tapat nito. Nagbukas siya ng bintana.

“Sakay na,” alok niya sa dalaga.

Halatang nagulat si Beryl at mabilis na umatras palayo.

“Saan ba ang punta mo?”

“Ho?  Diyan lang sa St. Jude Parish Church.”

“Saan iyon?”

“Sa Lexus street lang po.”

“Sakay na, idadaan na kita doon.”

“Naku, Sir, huwag na po.  Malapit lang naman iyon.  Salamat na lang po.”  Nagpatuloy na ang dalaga sa paglalakad.

Pinausad niya ang sasakyan. Sinabayan niya ang mabilis na mga hakbang ng dalaga.

“Sige, kung ayaw mong sumakay, ihahatid na lang kita nang ganito.”

Lumingon ang dalaga. “Hindi naman po ako maliligaw dito sa loob ng subdivision.”

“Ihahatid pa rin kita.   Kaya mabuti pang sumakay ka na, o pagpapawisan ka lang sa paglalakad, hindi rin naman kita iiwan.”

Huminto ang dalaga.  Hinarap siya at akmang sasagot pa, pero muling itinikom ang bibig.  Sa napipilitang paraan ay sumakay din ito. 

“You’re welcome.”  Malapad ang ngiting ibinigay niya dito.  Dumukwang siya para abutin ang seatbelt. Sinadya niyang ilapit ang katawan dito.  Kamuntik pa siyang matawa sa reaksyon ng dalaga nang dumikit ang braso niya sa balikat nito.  Kulang na lang ay dumausdos ito sa ilalim ng upuan para iiwas ang sarili sa kanya. 

Pagdating sa harap ng chapel ay mabilis na bumaba ang dalaga.  “Salamat po, Sir.”  Tumalikod na ito at pumasok sa simbahan.  Matapos nitong magdasal ay umupo na ito sa mahabang bench.  Nagulat ito nang makita siya na prenteng-prente sa pagkakaupo sa tabi nito.

“Ano’ng ginagawa n’yo dito?”

“Nandito na rin lang ako, magbabawas na rin ako ng kasalanan.”

Itinakip ng dalaga ang isang palad sa bibig at itinuon na ang pansin sa harapan. 

Kailan ba siya huling nagsimba?  Noong kasal nina Jade at ng kanyang ama.  Kung hindi pa sa sexy at chinitang yaya ay hindi siya makapapasok ulit sa loob ng simbahan.

Matapos ang misa ay muli niya itong tinanong. “Saan ang tuloy mo niyan?”

“Dadaan lang po ako saglit sa supermarket, tapos babalik na ako sa mansyon.”

“Ihahatid na kita.”

“Huwag na po, Sir.  Nakakahiya na sa inyo.”

“Sakay na.”

Forever Yours (edited version)Where stories live. Discover now