Precious Stones

19K 443 114
                                    

MATAPOS ang mainit na sandali ay bumangon si Tristan at hinalikan si Beryl sa noo. Tumayo ito, uncaring of his nudity, while she was watching him with awe.

Pinulot nito ang pantalon sa sahig at may dinukot sa bulsa. Bumalik ito sa higaan at tinunghayan siya. Binuksan nito ang palad sa mismong harap ng mukha niya.  In his hand was a small velvet box.

Beryl stared at the box.  “What is that?”

“Binili ko ito sa Japan noon.  I was about to propose to you that night.  Open it,” utos nito.

Inabot ni Beryl ang kahon at binuksan. Lumitaw ang isang white gold engagement ring. Kumikislap ang bawat edge ng diamond at ang maliliit pang brilyantitos na nakapaikot dito.

Kinuha ito ni Tristan at isinuot sa daliri niya. “Will you marry me?”

Beryl blinked two times bago nakapagsalita, a solitary tear rolled down her cheek. “Yes.”

Kinabig siya ni Tristan payakap. “I love you.”

“I love you more,” she replied softly. 

“I thought I won’t hear that from you.” Bahagya siya nitong inilayo at tinitigan. “You made me so happy.”

  💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓   

CHAPTER FOURTEEN

“CRYSTAL, I want you to meet Amethyst,” inilapit ni Tristan ang anak sa kapatid niya, “baby namin siya ni Ate Beryl mo. From now on, may kalaro ka na."

Nagliwanag ang mga mata ni Crystal, mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Amy.

“My priceless stones.” Nasisiyahang pinanood ni Tristan ang tatlong babae na naghahabulan sa bakuran.

  Nagulat silang lahat ng umalingawngaw ang galit na tinig ni Jade.

“Ano’ng ginagawa dito ng babaeng iyan?” nanlilisik ang mga mata nito na nakafocus kay Beryl.

“Rose, ipasok mo muna ang mga bata,” utos ni Tristan sa yaya ni Crystal.  Inakbayan niya si Beryl at inakay paupo sa lanai.

“Kukunin naming flower girl si Crystal, and Amy will be our little bride.  Ferdinand will be my bestman at maid of honor ang fiancee niya.  You are invited, Jade.”

“Si Ferdinand?” ulit nito.

“Yes, Ferdinand is finally getting married.  Noon pa sana, kung nakuha ko lang agad si Beryl sa pangangalaga niya.  Kung hindi ka gumawa ng eksena, sana rin noon pa kami ikinasal ni Beryl, at buhay pa sana ang Papa ngayon.”

“Ano’ng sinasabi mo?”

“Anyway, dito kami titira.”

“Akala ko ba sa Antipolo?” tanong ni Beryl.

“Hindi pa tapos ang interior ng bahay sa Antipolo, remember?”

“Up to now?” nagtatakang tanong ni Beryl.

“Ni hindi ko gustong silipin man lang ang bahay na ‘yon sa loob ng tatlong taon, for fear of emptiness I’ll feel inside.” Masuyo siyang nginitian ng binata. “I told you before, hinihintay ko ang mag-aayos sa bahay na ‘yon, ang aking magiging maybahay.  Desisyon mo na lang ang hinihintay ng designer.”

“You can’t stay here, Tristan!” galit na singit ni Jade.  “Go to your condo.”

“What have you got against us staying here? This is a big house,” baling nito muli kay Jade.

“Hindi ako papayag na tumira sa pamamahay ko ang babaeng ‘yan.”  Tumaas-baba ang dibdib ni Jade sa galit.

“I beg your pardon? This is Margarita Asuncion’s mansion.  And being her sole heir, nasa akin ang lahat ng karapatan na palayasin ka ano mang oras na gustuhin ko.  Si Crystal lang ang tanging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nandiyan ka pa sa kinatatayuan mo, Jade.  Kaya kung ako sa iyo ay sisikapin ko na maging mabuting ina sa kanya.

And let me warn you, huwag kang magkakamaling kantiin ang mag-ina ko, kung ayaw mong pulutin ka sa kangkungan.

Nagkamali ka ng lalaking dinikitan, Jade.  Hindi dapat ang Papa. Nang mamatay siya ay automatic na nailipat sa akin ang shares ng Mama.  That made me the major stockholder.  At barya na lang ang kinikita ng kapirasong share ng Papa sa kompanya.  Ngayon, kung puputulin ko ang allowance ni Crystal, kukulangin pa ang baryang ‘yon sa mga luho mo.  Anyway, bata ka pa naman, better luck next time.”

Parang naipitan ng litid si Jade, nanigas ito sa kinatatayuan.



PAGBALIK ng mag-asawa mula sa dalawang linggong honeymoon tour around Asia ay tumuloy na sila sa bahay sa Antipolo.

“Welcome to our little palace!”

Tuwang-tuwa si Amy sa bagong tahanan nito, lalo na sa bagong tayong playground. 

Si Beryl naman ay hindi makapaniwala sa kinalabasan ng bahay.  It was fully furnished now, base sa napili niyang theme, typical western style na bumagay sa structure ng bahay. It was definitely a perfect haven. 

Inakyat niya ang kuwarto at lumabas sa veranda.  Lumanghap siya ng sariwang hangin.  How she missed this house and the spectacular view around it.  And most of all, ang mga alaalang nakapaloob dito.

“Do you like it?”

“I love it!  And I love you so much, babe,” her eyes were moist with unshed tears.


KINAGABIHAN ay napabalikwas ng bangon ang mag-asawa dahil sa malalakas na katok sa pinto ng master bedroom.  Mabilis na nagsuot ng robe ang mag-asawa.

“Mommy!” patuloy and kabog ng bata sa pinto.

“What’s wrong, baby?” kinuha ni Beryl ang bata mula sa yaya nito.

“Tabi tayo, Mommy!”

Napakamot ng ulo si Tristan, “sweetheart, hindi ka na dapat tumatabi kay Mommy. You’re a big girl now.”

“No! Mommy ko ‘to,” yumakap nang mahigpit ang bata kay Beryl. 

She looked like a China doll with long, brown curls.  Ang mga pisngi nito ay namumula.  Kaya nga binansagan ito ni Ferdinand ng Red Junior.  Ayon sa lalaki, mas makulit si Amy keysa kay Beryl noong araw. 

Nagkatinginan silang mag-asawa. Wala silang nagawa kundi itabi ang bata.

Kinabukasan ay maagang nagpababa si Amy, excited pa rin ito sa mga bagong laruan nito.

“Thank God!” niyakap ni Tristan ang asawa. “Kailan kaya kita ulit masosolo?”

“Eight months from now ay dalawa na ang mang-iistorbo sa atin.”

Napabalikwas ng bangon si Tristan at tinitigan ang asawa.  She was glowing. Kakaiba ang aura ng mukha nito.  Nanlaki ang mga mata niya, tumawa, at niyakap ang manipis na tiyan ng asawa. “Hello, my son.”

“Paano ka nakasisiguro na lalaki ‘yan?”

“I just know.”  Pagkatapos ay napangiti ito at umiling-iling.

“What?”

“I thought I was sterile.”

“Dahil hindi kayo nagkaanak ni Aleli?  And you’re sorry about that?” Itinulak siya ni Beryl palayo.

“Hey!” nag-aalalang niyakap niya ito nang magsimula itong umiyak.

“Hanggang kailan magiging bahagi ng buhay mo ang babaeng ‘yon?”

Napatapik siya sa noo.  “Stop crying, please.”  Tinitigan niya ang asawa. “The day I saw you in the parking lot with Ferdinand and Amy, I promised myself that I will take you back, no matter what it costs me.  And now that I have you, nothing else in this world matters.  I love you so damn much that I can’t and I won’t ever lose you again. You are mine, Beryl, and I’m forever yours.”

Nanatiling tahimik si Beryl, sige pa rin ang patak ng luha. 

Tumingala siya sa kisame.  “Why do I have this feeling that I am under quarantine for the rest of my life?” He sighed exaggeratedly. “Help me, I have a very jealous wife and a possessive daughter.” 

Niyuko niya ang tiyan ng asawa, “you should be more like Dad, baby, since ako ang napaglilihian ng Mommy.  If you turn out to be a gemstone again, magwe-welga na talaga ako.”

Natawa si Beryl doon at kinabig siya.

“Troy.”

“What?” kunot-noong tanong nito.

“I will name him Troy.” He gazed upon her lovely face and kissed her passionately.

“The next will be Arthur, then Lancelot, then Pearl, and Ruby...”

“Ano ka?  Ba’t ang dami?”

“Magtatayo tayo ng basketball team at cheerleading squad.  Umpisahan na natin ngayon.  Baka puwede pang gawing triplets and nandyan sa loob.”

“Suwerte mo!  Ang hirap manganak...”

“Stop complaining, noisy rat!”

Minsan pa ay pinatunayan ni Tristan kung gaano niya kamahal si Beryl, his beloved precious stone.


            ==WAKAS==

Thanks for reading Tristan and Beryl's story, guyz! I hope u liked it.  Sana lahat ng lovestory in real life ay meron ding happy ending. 😊 Just wishful thinking!

Anywayz, keep safe, everyone! Remember, it won't rain forever, the sun will soon shine again. Just keep the faith. 😘😘😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forever Yours (edited version)Where stories live. Discover now