Alkia 3: Alkia Kingdom

13.1K 612 83
                                    


Siv asked Prius to handle some projects. He could no longer handle them due to his schedule. He also introduced Prius to us. We continued with our normal work routine the whole day until no one else was left but Prius and I.

Sinabi ni Prius na papasukin na niya ang opisina ni Mr. Gray nang gabing 'yon kaya kinabahan ako. Nagtago ako sa madilim na bahagi ng pasilyo as a lookout. He picked the lock effortlessly and entered the room.

Mabilis na tumibok ang puso ko. Halos isang oras ang lumipas nang lumabas si Prius at nagmadaling hinila ako palabas sa building.

"You found something?" tanong ko.

Umiling si Prius. "It might be stored in his laptop," he answered. "I found a few references though. I took some photos and already sent them to Darren. I need a way to check his laptop," he whispered. "I think we need more people to help us."

Napaisip ako. "Hindi ako sigurado pero mukhang si Siv lang ang madalas nakakausap ni Mr. Gray. Or are you going to use someone outside the company? Like steal his laptop?" tanong ko. We're already on our way home.

Kumunot ang noo niya. "Si Siv ang madalas niyang nakakausap?"

"Pinagdududahan mo siya?" tanong ko.

"Kung may alam siya sa nangyayari, mas madali nating makukuha ang impormasyong kailangan natin," he answered. "I'll also ask Viel to do something about this."

Simula noong araw na 'yon, binantayan na ni Prius ang galaw ni Siv hanggang sa makakuha siya ng impormasyon. Ipinaalam niya agad ito kay Kuya Darren. At dahil si Viel lang ang maaaring magamit namin upang kausapin si Mr. Gray, agad siyang pumunta sa Game Crest upang makuha ang design ng virtual world na kailangan namin.

Nang dumating si Viel upang kausapin si Mr. Gray, nagkaroon ng pagkakataon si Prius na palitan ang laptop ni Mr. Gray sa opisina. Namuo ang pawis sa noo ko habang pinapanood siya. He was able to copy the contents and immediately sent them to my brother. Natigilan kami nang biglang pumasok ang isa sa mga kaopisina namin, si Axel.

Humugot kami nang malalim na buntonghininga. He was part of the gang so were safe.

"Done?" he asked.

Tumango kami. Agad na ibinalik ni Prius ang laptop ni Mr. Gray.

"I'll enter the virtual gate tonight. Kayo na ang bahala. If Darren can enter the system, it will be easier to get out. Si Mari, nauna na sa 'kin," sabi ni Axel.

Prius tapped his shoulder. "Pasensya na, p're. We'll solve this as quickly as possible. Ilalabas namin kayo agad."

Nag-ring ang cellphone ko. Faye was calling so I immediately answered. She was sobbing. "What happened?"

"Nawawala si Frey," she said. "He was sucked in by the light."

Bumundol ang kaba sa puso ko. "Nasaan ka? 'Wag kang gagalaw. Pupuntahan kita."

Prius and Axel turned to me. Sumama sila sa 'kin. Wala kaming pakialam kung oras man ng trabaho. Hindi ko nabigyan ng babala sina Faye. Kasalanan ko.

Nang dumating kami sa bahay nina Faye, nakita ko ang virtual gate sa labas ng bahay nila. Hilam sa luha ang mukha ni Faye. Agad ko siyang nilapitan at inalo. She hugged me tight. Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa virtual gate.

"He's sent to a virtual game, Alkia Kingdom. Don't worry, we'll save him," sabi ni Prius.

"Hahanapin ko siya kapag pumasok na ako sa virtual game. Do you have any idea what character he'll use? Or names?" ani Axel.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon