Alkia 8: Master Crafter

6.9K 405 9
                                    

Ginawa ko na ang huling quest ko sa araw na 'yon. I had to kill ten giant crawlers. Nasa dalampasigan ako at nakita ang mga naglalakihang talangka.

They had big, round black eyes. Matutulis ang ibang bahagi ng shells nila at maging ang kanilang mga galamay na kasingtalas ng isang espada. May malalaki silang pangsipit na tila may matatalim na lagari.

Mahigpit na hinawakan ko ang pana ko. Pagkatapos noon ay pupunta na ako sa isang crafter. I wanted to upgrade my weapon. I wanted to hear his suggestions and the requirements. Pagkatapos ay kakausapin ko sina Fire para matulungan nila ako kay Phoenix.

Pitong skills pa lang ang naperpekto ko: blazing eagle arrow, arrow strike, meteor rain, arrow blast, angel shot, hit assault, at twin blazing arrow. Ang iba naman ay pinagaaralan ko pa. I had to learn more and improve my skills fast. Kahit pangalawang araw pa lang namin sa laro ay hindi ako dapat magpabaya.

I targeted the nearest Level 180 giant crawler with my arrow strike. Tumama ito sa matigas na shell nito sa ulo. Galit na tumingin ito sa akin.

I didn't have an armor so I needed to be careful. Tumakbo ito patungo sa akin. Bumaon ang mga matutulis at matatalas na galamay nito sa buhangin. Gamit ang mga panipit nito ay sumugod ito sa 'kin. Tumalon ako palayo. I hit the monster with my blazing eagle arrow shaped like a deadly eagle.

It hit the head of the giant crawler. Nagwala ito sa sakit. Bahagyang nabawasan ang HP nito. Sabay-sabay na sumugod ang mga matutulis na galamay nito sa 'kin. Nahirapan akong gumalaw sa sunod-sunod nitong pagatake. Tinira ko siya nang sunud-sunod na arrow blast.

Ang mga hampas ng galamay nito ay bumaon sa buhangin. Nagulat pa ako nang gamitin nito ang buhangin upang saglit akong bulagin. Dahil doon, hindi ko namalayan ang sunod na atake nito.

Humampas ang matalas nitong galamay sa dibdib ko. Tumilapon ako. Napamura ako dahil sa dugong lumabas mula sa malalim kong sugat sa dibdib. Sobrang sakit pero pinilit kong gumalaw dahil tumakbong muli ang talangka patungo sa akin. My HP went down to half.

I jumped above its head and struck it with an angel shot to stun it for fifteen seconds. Pansamantala ring nabulag ito. Tapos, tinira ko ito nang sunud-sunod na hit assault. Malakas ang enerhiyang bumalot dito na maaaring bumutas sa katawan ng kalaban. Tatlong beses ko lang itong nagamit dahil sa cool down time na sampung segundo. Malapit nang mawala ang bisa ng angel shot ko. Agad akong lumayo sa giant crawler. Malapit nang maubos ang HP nito, isang tira na lang. Galit na tumakbo ito sa direksyon ko.

Sampung segundo ang cool down. Mabilis ang galaw ko upang umilag sa mga atake nito. I counted down in my mind. When the cool down was over, I hit the giant crawler in the head with my twin blazing arrow, and it disappeared.

I still had nine giant crawlers to defeat. Nang matalo ko ang huling giant crawler ay may isang item na lumabas sa harap ko, a red gemstone. I smiled. I grabbed it and put in my item bag.

Bumalik ako sa bayan. Hindi naging madali ang mga quests ko. I really needed to upgrade my weapons and skills. I contacted Fire because he had the information that I needed.

"Zeus," he answered.

"Saan matatagpuan ang sikat na master crafter?" tanong ko.

"Nasa tuktok ng isang burol ang bahay niya. Bago ka makalapit ay may ilang katanungang kailangang sagutin. Marami nang sumubok pero wala pa akong nababalitaang nagtagumpay. At kung magtagumpay ka na makausap siya, marami siyang hihingiing kapalit ng serbisyo niya," paliwanag ni Fire.

Mukhang hindi madali, pero ang master crafter na iyon ang pinakamagaling sa lahat. Napakapino ng paggawa nito sa mga sandata.

"Salamat." Pinutol ko na ang linya. I checked my inbox. He sent the master crafter's location. May kalayuan ito. Tumawid pa ako sa ilog at naglakad sa loob ng maliit na kagubatan sa loob ng bayan. Napansin ko ang isang maliit na bahay sa tuktok ng isang burol.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon