Alkia 22: Blue Dragon

4.4K 244 5
                                    


I used the hood of my cloak to cover my face from the flying sand. Napakatahimik ng kapaligiran maliban sa ingay ng hangin. Naglakad na kami patungo sa dulo ng isla. Naningkit ang mga mata ko at napapikit dahil sa buhangin. Nakiramdam kami sa paligid.

"Mapupuntahan kaya natin ang hagdan nang walang kahirap-hirap?" tanong ko kay Sky. Silver was riding Sky's back. Bahagyang tinatakpan ni Silver ang mga mata ni Sky. Itinatago naman ni Silver ang mukha niya sa likod ni Sky.

"I'm sure there's something waiting for us here. Huwag tayong maging kampante. Tiyak na may isang malaking sorpresang naghihintay sa 'tin dito," he answered. I nodded. He was right.

Nasa kalagitnaan na kami ng isla. Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na hindi dapat ako maging kampante. Nagmasid ako sa paligid at sa himpapawid. Napalingon na lang ako sa likod dahil sa malakas na pagsigaw ng ilang kasama namin. Bumulusok sila pailalim sa buhangin. Hindi kaagad ako nakagalaw nang may bigla na lang humila sa 'kin pailalim sa buhanginan.

Pati si Sky ay nahila rin pailalim. Pakiramdam ko, napakalalim na ng kinaroroonan namin. I was holding my breath. I didn't plan to breathe in the sand. Ilang minuto pa ay wala na ang buhangin. Nasa loob na ako ng isang madilim, malawak at mainit na lagusan. At nasa harap ako ng isang asul na dragon. Hindi ito ganoon kalaki pero nakalabas ang mga pangil at ngipin nito. Naglalaway pa. He was very hungry and very excited to eat me. Agad kong itinutok dito ang pana ko.

Isang maliwanag na rainbow-colored arrow ang nabuo sa harapan ko. Bahagya itong nasilaw sa liwanag at nag-ingay. Saka ko napansin ang paligid. Hindi lang nag-iisa ang dragon kundi marami. Naroon din ang ilan sa mga kasama kong nakahanda na ring umatake sa mga dragong nasa harapan nila.

Bahagya akong umurong palayo sa dragon pero dahan-dahan itong lumapit sa 'kin. Pasimple kong pinagmasdan ang paligid habang dahan-dahang lumalayo. Ang masangsang na amoy ng mainit na paligid ang pumupuno sa ilong ko.

Napasandal ako sa isang matigas at magaspang na bagay. Napalunok ako. Isang dragon ang nasandalan ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng katawan at pag-angat ng buntot nito. Agad akong gumulong sa lupa bago pa ako mahampas ng buntot nito. Hindi pa man ako nakatatayo ay sumugod na ang unang dragon. Agad kong pinatamaan ng palaso ang dibdib nito. Hindi man nabutas ang dibdib nito ay bahagya namang nabawasan ang HP nito. Dalawa na ang kaharap kong dragon. Malawak ang lugar pero sa kasamaang-palad ay nasa gilid ako. The dragons easily cornered me. Agad na tumakbo sa direksyon ko ang isa at ihinampas sa katawan ko ang mga matutulis na kuko nito pero agad akong nakaiwas. Kasunod nito ang rumaragasang mahabang buntot nito. Hindi ko ito naiwasan kaya malakas na humampas ito sa likod ko. Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko. Hindi ko rin napansin ang isa pang dragong umatake sa 'kin. Tumama ang buntot nito sa tagiliran ko kaya malakas na bumagsak ang katawan ko sa lupa.

I gritted my teeth and gathered all my strength to stand up. Mahigpit kong hinawakan ang pana ko at tinutok sa dragon na malapit sa 'kin. Dahan-dahan silang lumapit. Tila naaaliw pa at nakikipaglaro.

Buong lakas kong pinakawalan ang nagliliwanag na palaso ko. Mabilis na lumipad ang dragon para umiwas patungo sa kinatatayuan ko. Agad akong tumakbo palayo mula sa kanilang dalawa. I couldn't defeat them on my own. Siguro kung isa lang ang kalaban ko ay maaari pa. Habang tumatakbo ay halinhinan kong pinatatamaan ng mga pana ang dalawang dragon.

Marami na akong galos sa katawan. Ang matutulis na kuko at ngipin at malalakas na buntot ng mga ito ay bahagya ko lang naiiwasan.

Napasigaw ako nang malakas ng kagatin ng isang dragon ang balikat ko. Pakiramdam ko sumagad ito hanggang buto. Buong lakas na itinumba ako ng dragon. Nakadapa ako habang patuloy ito sa pagkagat. Napaungol na lang nang malakas ang dragon nang may biglang umatake rito.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon