Alkia 18: Pet Training City

4.3K 273 1
                                    


Naglalakad na kami ni Silver sa bayan. Napangiti ako nang mapansing naiinip na siya. "Let's go to the Pet Training City. It's a small city inside Alkia for pets. I know you're already itching to fight with me," nakangising saad ko. He grinned.

The Pet Training City was made of glass and stones. Malawak ang buong paligid at maraming silid upang pagsanayan. May isang maliit na arena para sa mga alaga. Different kinds of pets and monsters that can be tamed were there. May mga pets na ibinebenta ang mga NPC pero hindi naman ganoon kalakas o kaya'y napakamahal.

There, I could train Silver. Maraming glowing orbs na naglalaman ng mga skills na puwedeng matutunan ni Silver. But those must be bought. May kamahalan iyon. Bumili ako ng dalawa pero may dala akong mga glowing orbs mula sa Lost City. Kumuha na rin kami ng silid para makapagsanay. Pumasok kami sa kulay asul na silid na napalilibutan ng glass wall.

"What did you get for me?" Silver asked. Level 5 pa lang si Silver.

Ihinagis ko sa kanya ang isang itim na glowing orb. Sinalo niya ito. All of a sudden, the black orb started to shine brightly. Naging Level 10 siya at nadagdagan din ang health points niya. The black glowing orb disappeared.

"Now, we will start," nakangising saad ko. Ibinigay ko pa ang isang glowing orb sa kanya. "In fighting, you must first learn to defend yourself," saad ko. Ang unang skill na gusto kong matutunan niya ay kung paano gumawa ng shield. I was sure Silver could make either a fire or an ice shield. Pinalibutan siya ng magkahalong kulay pula at asul na liwanag.

"Shift," utos ko sa kanya.

He turned into an icy blue fox. Medyo lumaki na ang anyo niya dahil tumaas ang level niya. But he was still small for fighting. Itinutok ko sa kanya ang mga blazing arrows ko.

"Master that skill. You have to make sure that my arrows will not destroy your defense." I gulped. Tiyak na bago pa niya matutunan nang maayos ang skill na iyon, maraming palaso ang tatama sa kanya. I didn't want to hurt him, but it was the only way.

"Use your speed to dodge. Be intelligent. Strengthen your shield."

Nagdalawang-isip pa akong pakawalan ang palaso. Silver nodded. I released my arrows that were just right for him and his shield's levels.

May mga panang sumira sa depensa niya. Habang unti-unti niyang pinatitibay ang shield, unti-unti ko ring pinalalakas ang mga panang pinapatama sa kanya. We were running inside the room. Unti-unting tumaas ang experience level namin sa bawat oras na lumilipas.

"We'll train every day," sabi ko. "But now, we will go somewhere else. I have to meet the master crafter," saad ko.

He nodded and shifted to his human form. Nakasimangot siya dahil sa dami ng natamo niyang sugat.

"When I learn some offensive skills, I will return the favor," he chuckled.

"Sure," nakangising sagot ko.

Bumalik ako sa master crafter upang ibigay sa kanya ang mga materyales na kailangan para sa armas na ipagagawa ko.

***

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon