Alkia 11: Kiss of Death

6.4K 385 18
                                    


We'd been organizing our guilds and helping our team members. Nakahahabol na sila at nasasanay na rin sila sa loob ng laro. Mukhang may pag-asa na kaming makalabas kung patuloy kaming magtutulungan.

I'd been playing almost nonstop. Kahit wala sa listahan ng quest, ginagawa ko na rin. Naungusan ko na rin sa ranggo si Zero at malapit ko na ring maabutan si Sky. Sky's level is 192 while I'm on Level 190.

Level 70 na ako sa Shoot-To-Kill Tower. I was then inside one of its huge rooms. Tatlo na rin ang napapatumba ko. Hindi ko pa nakikita ang iba kong kalaban.

I held a sniper's gun in my right hand. Nakatago ako sa isang mataas na twin tower building at pinag-aaralan ang buong paligid. We were inside a city. May mga sasakyan sa paligid. They were just props, but we could possibly use those. They were functioning. Para ka lang naglalaro sa arcade ng car racing. Naririnig ko ang palitan ng mga bala ng kung sinuman. The game was upgraded. Malalaman ko na kung ilan pa ang natitirang kalaban dahil sa isang screen sa itaas ng kisame. Four ang nakita roon.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan ng rooftop. Nakita ko si Aphrodite. Agad niyang itinutok sa 'kin ang baril niya. One hundred bullets ang limit ng aming baril. Nakita ko sa baril niya ang number 49. I still had 60. Nililipad ng hangin ang mahabang itim niyang buhok. Nagsimula siyang magpaulan ng bala sa direksyon ko. I ran fast.

Nasa open space kami. She could easily target me. Tiningnan ko ang katabing building. I planned on jumping over there. Dalawang metro lang ang layo ng twin tower na iyon sa isa't isa. Sumalida ako upang makatalon nang mas malayo at mas mataas. I jumped with all my might. I was going to hit the glass windows. I used my hands to cover my front. Nabasag ang glass windows at nakapasok ako sa loob ng isang tahimik na opisina.

Nang tumingala ako kay Aphrodite, napansin kong balak niyang sumunod sa 'kin. Wrong move for her. Agad akong tumakbo sa isang tabi at pinaulanan ng bala ang pagbagsak niya sa sahig ng opisina. Naglaho na siya.

Nagtungo ako sa elevator at bumaba sa ground floor. I used a car to find my next target. I looked at the ceiling. Tatlo na lang kaming natitira. Marahan lang ang pagtakbo ko. I was watching every area. I saw someone standing on a building's rooftop.

Nakatalikod siya kaya hindi ko makilala. Hindi ko rin mabasa nang maayos ang username niya. Itinigil ko ang sasakyan sa building at agad na sumakay sa elevator. Kumunot ang noo ko. Bukas ang pinto ng rooftop.

Pero hindi ko siya makita sa kahit saan. Naglakad ako patungo sa rooftop.

"Game over," wika ng lalaking nakatayo pala sa itaas ng pintuang nilabasan ko.

Leche! Hindi ko alam na may upper floor pa roon sa pintuang nilabasan ko. Agad akong tumalon nang magpaulan siya ng bala. Nagpagulong-gulong ako sa sahig at agad din akong nagpaulan ng bala sa kinaroroonan niya. Pareho kaming nagulat nang makilala ang isa't isa.

Iniwasan ni Sky ang mga bala ko. I gathered my composure immediately. Wala akong balak magpatalo dahil lang siya ang kalaban ko. Tumayo agad ako at mahigpit na hinawakan ang baril ko.

Itinutok niya sa 'kin ang baril. Halata ang pagdadalawangisip niya pero nagpaulan siya ng bala. Hindi ako tinamaan kahit hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. Kumunot ang noo ko. Was he playing with me? He sighed and then stopped from firing. Hindi ko na sinayang ang oras ko. I ran to the edge of the rooftop and stood there. Nakaharap ako sa kanya. Hindi ko muna nalaman kung kakausapin ko ba siya o hindi.

"Why are you hesitating?" I smirked, provoking him. Hay! I really couldn't start a proper conversation with him! What's wrong with me? Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Hindi ko akalaing doon pa kami magtutuos.

Alkia Kingdom RebornWhere stories live. Discover now