Alkia 30: Final Boss

5.8K 263 17
                                    

Nanghinayang ako sa mga nawala naming kasamahan. Tiyak na nasa Resurrection Hall na sila. Hindi ko alam kung makababalik pa silang lahat sa huling stage ng laro. Wala nang oras. Tiyak na panghihinaan na sila ng loob.

Nanghihinang umupo ako sa harap ng huling dungeon. Nakatitig lang ako sa kawalan. Hindi pa nagpaparamdam ulit si Kuya Darren. Hindi ko alam kung may pag-asa ba talagang makalabas kami roon. May nahanap na kaya siyang paraan?

Tumabi sa 'kin si Fire. He tended to my wounds.

"I'm sorry. Ito lang ang magagawa ko para sa 'yo. Sorry sa lahat ng mga ginawa ko sa laro," mahinang sabi ni Fire.

Naghintay kami sa pagdating ng ibang grupo. Gusto ko nang makita si Sky. Mabuti na lang, naroon si Fire sa tabi ko. Mahina akong tumawa dahil sa sinabi niya.

"You don't have to say sorry. You've been controlled," mahinang saad ko.

He smiled. "This is the last dungeon. Sana matapos na natin ang labang ito. Sana makalabas na tayo," sabi niya.

I smiled a bit. "We will. We must," saad ko.

Matapos gamutin ni Fire ang sugat ko, bumalik na siya kina Ice.

Tumayo na ako samantalang nanatili naman si Silver sa kinauupuan niya. Lumapit ako kina Sky at sa iba pang leaders.

"This is the last dungeon. Mukhang puwede na tayong pumasok sa loob. Sabihin na lang ninyo kung handa na kayo," saad ko. Sa totoo lang, kinakabahan ako pero hindi ko ipinahalata. Ang ilan sa kanila ay nagpapagaling pa. Hindi ko alam kung sapat pa ang dala nilang items.

"May balita ka ba sa kapatid mo?" Sky whispered in my ear. Umiling ako. Bumuntonghininga si Sky. "Mukhang nahihirapan siya. Sana may maisip siyang paraan bago mahuli ang lahat," he said with worry.

"He needs time," saad ko. He nodded with understanding. Nang handa na ang mga kasama namin ay pumasok na kami sa dungeon. May malaking chimera na naghihintay sa 'min sa gitna ng malawak na dungeon.

The chimera had the heads of a lion, dragon, and serpent. Napakalaki ng mga pakpak, mga ulo, at katawan nito. Napakahaba ng buntot. May dalawang malalaking kamay ng dragon na may mahahaba at matatalim na kuko. Nakita ko ang prinsesang nakakulong sa isang malaking kulungang nakabitin sa itaas. She was a very beautiful, blond princess. Umiiyak siya pero tila nagkaroon siya ng pag-asa nang makita ang pagdating namin. She shouted for help, but the chimera roared loudly. Halos mapaurong kami sa malakas na puwersang nagmula rito. Natahimik ang prinsesa.

"Do not waste your energy. Be sure that you will hit the chimera accurately," saad ni Sky sa 'ming lahat. "Use every item you have to defeat the chimera. Do not die," he added.

I held my bow firmly. Pakiramdam ko, namamasa ang kamay ko dahil sa kaba. Iyon na ang huling dungeon, ang pagkakataon naming makalabas sa laro. Hindi dapat masayang. Sumenyas si Sky sa lahat.

"I trust your judgment, Zeus. We will wait for your order once you formulate a strategy," he said.

"I need your help, too. Let's formulate the strategy together. Hatiin natin ang grupo. Ang isang grupo ay susunod sa 'kin. Ang isa naman ay susunod sa 'yo. I will leave the support on Zero's command," saad ko. Sumang-ayon naman si Zero sa balak ko.

"Your group will attack first, Sky. And my group will wait until your cool down," saad ko.

"Pero kapag may napansin kang mali sa grupo ko, you're free to give orders. The spectator has a different and better perspective than the attackers. You will be the eye of this battle," saad niya.

Tumango ako. "Then, I will need your eyes, too," makahulugang saad ko. He smiled a bit with understanding.

Gumalaw na kaming lahat. Sky's group started to attack the chimera. Draco moved fast. Mabilis siyang nakarating sa harap ng chimera at tumalon sa ere. Nakipagpalit siya ng posisyon kay Heather. Heather critically hit the dragon's head with his axe. Agad namang pinaulanan ni Zeal ng mga palaso ang malaking ulo ng ahas.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon