Alkia 28: Controlled

4.4K 262 47
                                    


Hindi ko alam kung lalabanan ko ba siya o hindi. He wasn't in his right mind.

"Come back to your senses, Frey," I said with soft desperation. "Don't give in to them."

Ihinanda ko ang sarili dahil sa unti-unting paglapit niya. He was ready to attack anytime. Mapapansin sa staff niya ang apat na red diamonds. Isa na lang ang kulang upang mabuo ito.

"I'll help you find another crystal. But this one is for Silver," sabi ko. "Nag-aalala na si Ice para sa 'yo. Nag-aalala na rin ako."

I hated the organization for controlling his emotions. Nangilid ang mga luha ko.

Fire released fireballs. Agad akong tumalon sa isang sanga ng puno. May pag-asa pa. Hindi ko dapat sukuan si Frey. Iniwasan ko ang bawat tira niya habang nag-iisip ng paraan upang pigilan siya. I couldn't attack him.

Then, two new characters materialized in front of me. A summoner named Miracle and a blade dancer named Galaxy.

"Hello, Dei," bati ni Miracle sa 'kin. His voice sounded familiar.

"Kuya Daren!" bulalas ko.

Tumango si Miracle. "I'll take care of Fire. Mamaya ko na ipaliliwanag ang lahat sa 'yo. Galaxy, ikaw na ang bahala sa program ng system. Override the system so they won't be able to control the players anymore," utos niya. Sino si Galaxy?

"Got it," sagot nito at tila pamilyar din sa 'kin ang boses ng babaeng iyon. How could she program something while she was inside the game?

Hinarap na ni Miracle si Fire. He summoned undead creatures and suppressed Fire completely. Fire was stunned by Miracle's spirit skill attacks. Some spirits chained him so he couldn't move.

Almost an hour had passed when Galaxy spoke. "Done."

Suddenly, Fire stopped resisting. Napaupo siya sa lupa at hiningal.

"You all right?" tanong ni Miracle kay Fire. Fire was a bit confused.

"Yeah. Just a bit lightheaded," he answered.

"Just rest and regroup with your guild. Malapit na kayong makalabas dito."

"Okay na siya?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes. I deployed a new set of codes. Hindi na mapapasok ng organization ang isip ng mga taong nasa loob ng larong ito," sagot ni Galaxy.

"I'm sorry for being rude. But who are you?" tanong ko.

"I'm Denise, I'm you, from a parallel word," she answered with a smile. "Madali kong napapasok ang system dahil may ideya na ako kung paano ito ginawa. I sent a warning before to you."

Napanganga na lang ako.

"At first I didn't believe her, but I'm glad she's able to connect with us and help," segunda ni Miracle.

"Dalawang Denise ang nasa mundong ito?" gulat na tanong ko.

Mahinang tumawa si Galaxy. "No. I'm still playing from a parallel universe. May kopya lang ako ng laro at ang gamit naming katawan ni Miracle ay mula sa isang programmed body. Parang NPC. We programmed a character so we can play outside the game. Sa palagay namin, naglalaro rin si Siv gamit ang katawan ng isang NPC pero nasa labas din siya ng laro. Hindi pa lang namin siya mahanap. We need your help. Mukhang matagal na ninyong nakasasalamuha si Siv pero hindi lang ninyo alam."

"We need to find him," Miracle said. "Pero sa ngayon, hindi na ninyo kailangang problemahin ang mga players. Pumunta na kayo sa huling bahagi ng laro. We'll do something to save you all. We need to log out now and do our work. We need to prepare for the final boss."

"Bye, bye," sabi ni Galaxy at kumaway pa sa 'min. Sabay silang naglaho.

Nagkatinginan kami ni Fire. Nakasasalamuha namin si Siv?

"We must go back now, Fire," sabi ko.

Tumango siya. He stood up. Mukhang wala na rin ang pagkalito sa mukha niya. "Sorry about my illogical acts."

"No worries. Pero maghanap muna tayo ng red diamonds bago tayo bumalik," sabi ko.

***

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon