Alkia 16: South Gatekeeper

4.7K 288 4
                                    


Pumasok na kami sa loob ng dungeon matapos bumukas ang gintong gate nito. I could smell death in the air. The room was elegant and was covered with rose gold antiques and brilliant sculptures. May kadiliman pero nagliwanag sa ginto ang buong paligid.

Nagulat na lang kami sa isang malakas na puwersang biglang nagpatalsik sa 'ming lahat matapos sumara ang gintong gate. In one swift move of the dungeon boss's scythe, it already caused us damage. Tumama ang likod ko sa pader. Some of us hit the ground.

Mabilis ang mga galaw ng boss. The demon had four horns with a big, muscular body. And its red-eyed face was scary. Isang matibay na armor ang bumalot sa buong katawan at ulo ng malaking dungeon boss. Its gold scythe was too big for all of us to dodge.

Agad akong tumayo. Nanghihina pa ako. Hindi pa ako nakapag-replenish ng HP kaya sinimulan ko na itong ibalik hanggang sa mapuno. Pinag-aralan kong mabuti ang dungeon boss. It was like it was glowing with power. I checked its HP. Mataas ito. Alam ko nang hindi sapat ang dalawang parties upang talunin ito.

Nagsalita si Sky nang malakas. "Everyone, listen. Avoid too much damage. Follow my orders and don't be stubborn."

Kumunot ang noo ko. "How about my orders?" tanong ko.

"Of course, your orders, too. Just don't be reckless. Pag-aralan mo ang bawat galaw ng demon. That way, we can formulate a good plan." His gaze shifted to the dungeon boss. "He's ready to attack now. Dodge his attacks. Huwag tayong mag-aksaya ng mga replenisher kahit ito na ang last dungeon. Hindi pa natin alam kung ano ang naghihintay sa 'tin sa Lost City. Use your strength wisely. Don't rush." I could feel Sky's power and authority.

Tumango ang mga kasama namin at nagsimulang gumalaw pero hinawakan niya ang balikat ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"You trust me, right?" he asked and grinned.

I blushed. "Yes," mahinang sagot ko. "I trust you but... don't think that I like you," I said, but didn't mean it. Inirapan ko siya at mabilis na tumakbo. I needed to focus my attention on the dungeon boss.

Malayo ako sa dungeon boss. Pero tama lang ang distansya upang pakawalan ko ang mga palaso ko. Malaki ito kaya mababa ang posibilidad na makaiwas ito sa bawat atake namin. Pero madali naman nitong nasasalag ang mga iyon.

Pinalibutan namin ang boss. He was swaying his scythe in the air, hitting some of our members. Matatalim na hangin na tila boomerang ang lumabas sa patalim ng armas nito.

Nasa gilid ng dungeon boss si Phoenix at patuloy siyang umatake. Sumabog sa katawan ng dungeon boss ang mga apoy na pinakawalan niya. Heather and Scythe were starting to switch positions. Umatake sila sa malapitan gamit ang malalaking espada at palakol nila. The two assassins, Draco and Ice, were hitting the boss, too.

Malakas na tumama ang scythe ng dungeon boss kay Phoenix. Nasalag naman nito ang dual flying blades ni Ice na pinabalik lang kay Ice. To my relief, Heather switched positions with her and deflected the blades with his axe. Halos lahat ng mga atake namin ay nasasalag ng boss. Pinag-aralan ko ang bawat kilos nito.

Scythe switched positions with Sky. Sky gave the South Gatekeeper a lethal blow on the shoulder. Halos mapaurong kaming lahat sa malakas na puwersang bumalot sa lance ni Sky. Agad na lumayo si Sky sa dungeon boss. Malakas na umungol ito.

Napangiwi ako. The South Gatekeeper started slamming the scythe at us while we were distracted with that annoying sound. Malakas na tumama sa bawat isa sa 'min ang mga tira nito. Lumipad ang katawan ko at tumama sa pader. I fell on the floor, but I managed to stand up.

Nagtamo kami ng mga sugat sa kani-kaniyang katawan.

"Have you gathered enough information?" tanong sa 'kin ni Sky nang tumayo siya.

Alkia Kingdom RebornWhere stories live. Discover now