Alkia 29: Last Stage

5K 265 22
                                    

Nakarating na kami sa huling bahagi ng laro. I was able to resurrect Silver. The players were already in their right minds. We were able to persuade them to fight, but we still needed to pass through six dungeons before we reach the last one. I contacted other groups. Ang ilan sa kanila ay nasa Dragon Island na samantalang ang ilan ay papunta pa lang. Alam na rin ni Sky ang nangyari dahil nagpakita rin sa kanya si Kuya Darren.

A quest popped up in front of us. The King wanted us to rescue his daughter from the last dungeon. The story inside the game still continued even if we didn't want to play anymore. We accepted the quest. We equipped and enhanced ourselves. I changed into a red sexy dress and boots to increase my speed.

"Mauuna na kami, Sky," saad ko sa kanya. "Magkita na lang tayo sa pinakahuling dungeon. Sana buo pa rin ang mga grupo natin kapag nagkita tayo roon."

"If the odds are in our favor then that will happen. Let's do our best," wika niya. Mahigpit niya akong niyakap. "Don't die. Take care of yourself."

I nodded and hugged him back. "You too. Let's get out of this game together."

He kissed my forehead and looked at me intently. "Pero kung hindi man ako makalabas dito, sisiguraduhin kong makalalabas ka rito," he said with an assuring smile.

"Makalalabas tayong lahat dito. Don't talk like I'm not going to see you anymore," saad ko. Naiinis ako. I didn't want that kind of conversation.

Ngumiti si Sky. "Okay. After this mess, let's have a proper talk outside. Marami tayong dapat pag-usapan. Makalalabas tayong lahat dito nang buhay... You know what? Masaya akong nakasama kita sa loob ng larong ito. I want to say this outside the game, but I want you to know now that I'm in love with you."

Napaawang ang labi ko. Hindi ako handa sa sinabi niya kaya nataranta ako. I gave him a quick kiss on the lips, because I couldn't speak anymore. Kumalas na ako sa yakap niya at nagmadaling lumapit sa mga kagrupo ko.

Hindi ko alam kung kailan ulit magpaparamdam ang kapatid ko. Sana naman ay magtagumpay siya. Naniniwala ako sa kakayahan niya.

Handa na ang mga kasama ko. Unti-unti nang bumukas ang napakalaking bakal na pinto patungo sa mga dungeon. The last stage of the game was designed like a spiral. Sa pinakatuktok nito makikita ang pinakahuling dungeon. Kailangan namin itong akyatin. Mabilis kaming pumasok sa unang dungeon. Magkatabi kami nina Fire at Silver. Ice was assisting other players. Muli ay hinati ko ang grupo para sa opensa, depensa, at reserba.

Kulay asul ang liwanag na bumalot sa loob ng unang dungeon. Maraming matutulis na bato sa paligid. Maingat ang mga yapak namin at alerto kami sa maaaring mangyari.

"I need your cooperation. If you think that one of your teammates is in danger, then help. I don't want to lose you. We already got this far," mariing wika ko. Scorpion, Lux, and Calix nodded.

Sa gitna ng unang dungeon ay nakita namin ang isang napakalaking stone golem. Mabilis na pinalibutan namin ito. We were maintaining a safe distance from it. Tumalon ako sa mataas na bahagi ng batuhan. Kasingtaas ko na ang higanteng golem.

The first group started attacking. Hindi tumatagos sa katawang bato nito ang mga espada ng mga warriors pero bahagyang nababawasan ang HP nito. The bards started to strike it with music. The golem's body started to crack. Malakas na suntok ang pinakawalan nito kina Scythe at ng iba pang warriors. Tumilapon sila at mabilis na nabawasan ang kanilang mga HP. Fire and the other mages aided them.

The archers released their arrows and hit the golem's head. Nanatili kami ni Silver sa kinatatayuan. Nakareserba kami hanggang sa mag-cool down na ang unang grupo. The support started to help the offense group. Pinag-aralan ko ang golem. Dahil puro bato ito, nahirapan akong mag-isip nang maayos. Dahil mabigat ang katawan nito ay mabagal ang pagkilos nito. The golem ran after the bards.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon