CHAPTER ONE

4.2K 82 4
                                    


"V!" Agad na napalingon si Taehyung nang marinig ang pangalang nakagawian nang tawagin sa kanya ng karamihan.

Nakita nyang nakangiting papalapit sa kanya si Jimin. Naupo ito sa tabi nya at agad syang inakbayan.

"San ka galing, Jimin-ssi?" Tanong nya nalang sa kaibigan habang ibinalik ang atensyon sa paglalaro sa cellphone nya.

"Diyan lang sa tabi-tabi. At ikaw wala ka planong lumabas? Bihira lang tayo bigyan ng isang araw na pahinga dapat ini-enjoy mo na." Jimin replied.

"Galang bata kana naman Park Jimin. And I'd rather stay here. Bukas dance rehearsal na naman tayo at recordings." Tinatamad kong sagot sabay buntong-hininga.

"Teka, teka, nag away na naman ba kayo ni Jk?" Biglang tanong ni Jimin habang nakataas pa ang isang kilay.

Agad kong iniwas ang tingin ko na tila walang narinig. Pero kitang kita ko na hindi ako tinigilan ni Jimin sa nanghuhusga nyang tingin.

"Parang kang timang. Wag kang mag isip ng kung anu-ano dyan. Di kami nag away." Saka ko sinabayan ng pekeng tawa.

Which is not true. Nagkasagutan na naman kami kahapon dahil nakita nyang tumawag sakin si Minjae. Wala naman akong nakikitang problema at nagkamustahan lang naman kaming dalawa. Other than that wala na. Di ko alam kung may regla ba sya or pinaglilihian nya ako which is impossible to happen. Nung tinanong mo naman kung anong problema sasagutin ka naman ng "Wala kang pakialam dahil wala kang pakiramdam!" Problema kaya ng bunny na yun.

"Try harder Kim Taehyung tsk." Sagot sakin ni Jimin sabay na tumayo. "You know what, kung ako sa inyo mag ka aminan na kayong dalawa. Di nga mag jowa kung magka selosan dinaig pa ang mag asawa. Ano ba yan?"

Gulat akong napatayo sabay syang binatokan.

"Aray ko naman, V!" Reklamo pa nito.

"Sige, lakasan mo pa. Pag sigawan mo na!" Inis kong sabi sa kanya.

"Anong nangyayari dito?" Sabay kaming napalingon sa bagong dating na si Jin at Namjoon.

Agad namang nagtago si Jimin sa likod ng dalawa at tila batang nagsusumbong.

"Si V oh nananakit. Di mo naman inaano." Sumbong pa nito.

"Sige magsumbong kapa unano!" Sagot ko naman sa kanya.

"Teka, wala pa ba sila Hoseok, Suga at Jk?" Biglang singit ni Namjoon.

"Ako pa lang nakauwi. Di na uuwi si Jk. Mag aasawa na lang daw sya ng Filipinang Army, tutal manhid naman daw yung totoong mahal nya." Halatang parinig na naman sakin ni Jimin.

"Kung kutongan nalang kaya kita para di kana lalo tumangkad?!" Tugon ko pa sa kanya

"Tumigil na kayong dalawa at baka pag umpugin ko pa kayo. Tulungan nyo kong ayusin tong mga pinamili namin." Utos sa amin ni Jin na wala kaming nagawa kundi ang sundin.

_____________________________
JUNGKOOK'S POV

Badtrip. Napaka badtrip. Selos na selos kana nga at lahat lahat titingnan kapa na parang walang nangyari. Bakit kasi kelangan nya pang makipag usap sa Minjae na yun. Bakit kelangang mangamusta eh wala naman syang sakit. Para sakin ang mga may sakit lang ang pwedeng kamustahin at lalong lalo na hindi pwedeng kamustahin si Taehyung nang kahit na sino.

Di ko alam kung nung gabing nag paulan ang Diyos ng kamanhidan eh gising na gising at may insomia si Taehyung. Nasalo ata nya lahat at napakamanhid nya. Alam kong kahit di sabihin ng ibang band members alam kong nahahalata na nila ang nararamdaman ko para sa kanya. Sya nalang ata ang walang ka muwang-muwang.

Sarap rin batukan minsan kung di mo lang talaga mahal.

"Earth to Jk." Narining kong wika ni Suga hyung na nakakuha ng atensyon ko.

Kasalukuyan kaming nasa paborito naming coffee shop habang ini-enjoy namin ang isang araw na pahinga. Kung di lang ako pikon kay Taehyung ngayun malamang nasa bahay lang din ako habang nakatitig sa kanya buong araw pero dahil galit galit ang drama ko bahala sya mag isa.

Agad akong napakamot sa ulo ko nung nakita kong nakangising nakatingin sakin si Hoseok hyung.

" Pasensya na, hyung." I said.

"Saang lupalop na naman kasi ng mundo yang isip mo? Nasa apartment no?" Nanunukso pa nitong wika.

Nakangiting naiiling nalang din ako.

"Alam mo Jk, bakit kasi di ka nalang umamin kay V?" Biglang seryosong tanong ni Suga hyung.

Napailing ulit ako. "Ayoko hyung. Natatakot ako sa pwede maging mangyari."

"Bakit ka matatakot sa pwedeng mangyari eh di pa nga naman nangyayari ang sinsasabi mong maaaring mangyari?" Hoseok said. Di ko alam kung seryoso sya o nanunukso lang din.

Pero mas pinili ko nalang ang yumuko. Basta si Taehyung na ang pinag uusapan nanghihina ako.

" Baka di nya ko tanggapin at ang nararamdaman ko." I replied sadly.

Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Suga hyung sa balikat ko para mapabaling sa kanya ang tingin ko.

"You know what Jk, sometimes you really need to take a risk or you might regret it in the end." Seryoso pa nitong wika habang nakatingin sa mga mata ko at napatango tango naman si Hoseok Hyung bilang pagsang ayon

Napaisip ako sa sinabi ni Suga Hyung nang bigla kong sinuot ang face mask mo at tumayo.

"Oh, san ka pupunta nyan?". Hoseok.

"Maghahanap ng gamot para sa mga manhid na tao at gamot para pampalakas na rin loob." Sagot ko at agad na umalis.at

"Take a risk or I might regret it in the end." Mahinang bulong ko sa sarili.

END OF CHAPTER ONE

------------------

AUTHOR'S NOTE

Just want to try to put into words the thoughts I have in mind for Taekook. 😅😂💜

Will I take a risk to continue? Yes or No?

TAKE A RISK AND FLY WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon