CHAPTER FIVE

982 42 1
                                    

MAMA 2018 (JAPAN)

TAEHYUNG'S POV

Kinakabahang inayos ko ang suit na suot at saka tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ngayun ang magiging performance nila sa MAMA 2018. Kasalukuyan na rin silang naghahanda lahat. Medyo wala sa kondisyon ang boses nya dahil sa sipon kaya lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko.

Napaigtad ako nang may maramdamang may yumakap mula sa likod ko. Ang nakangiting mukha ni Jk ang bumungad sakin nang lingunin ko ito.

"K-kookiieeee baka may makakita.... " Naiilang kong sita sa kanya.

"Hayaan mo sila sanay na rin naman ang mga yan sa atin." He replied.

Di nako sumagot at sinandal ko na rin ang katawan ko sa kanya. Kelangan ko ng lakas ngayun at isa si Jungkook sa magbibigay sa akin nun. Napabuntong-hininga ako.

"Okay ka lang, Tae?" Nag aalalang tanong nito.

"Kinakabahan lang konti. Wala sa kondisyon ang boses ko." -Taehyung.

Inikot nya ko paharap sa kanya habang ang mga kamay nya ay nasa beywang ko pa rin.

" Wala kang dapat ka ikakaba. You'll be great as usual. You're Kim Taehyung A.K.A. V." Nakangiting wika nya sakin sabay haplos sa pisngi ko.

Nahawa na rin ako sa pagkakangiti nya. His so famous bunny smile.

"Masyado ka naman atang bilib sakin Jeon Jungkook." - Taehyung

"Sus, you don't have the slightest idea Kim Taehyung." - Jungkook.

Awtomatikong napataas ang isang kilay ko sa narinig.

"Oo nga pala, sa pagkaka describe mo pa lang sakin sa radio interview natin last week. That radio interview is not to describe me huh?  -Taehyung

Lalo syang napangiti nang marinig ang buhay na buhay na pagkakatawa ni Jungkook dahil sa sinabi nya.

"Alam mo naman, nagpapalakas in case tumapang kana bigla at magkaroon ng lakas ng loob." - Jungkook.

Agad na namula ang mga pisngi ko sa sinabi nya. Landi rin talaga ng ugok na to.

"Atat na atat kana rin ata kaibigan, di mo nga alam kung ano yung ibig kong sabihin eh."- Taehyung.

"Oo, atat na atat na. Dahil ayoko nang maging kaibigan lang." Seryosong saad ni Jungkook na nakapag panganga sakin.

Di ko alam kung ano ang magiging sagot.ko sa kanya.

"Pagod nakong maging kaibigan lang at kahit di ko alam kung ano ang ibig mong sabihin alam kong may kinalaman pa rin yun sakin." Seryoso at sinserong pahayag nito na lalong nakapag patameme sakin.

Wala akong masabi kung hindi ang tumingin lang sa mga mata nya.

"Mag-aantay ako Taehyung. Pangako mag aantay ako." Saka nya ko hinalikan sa noo at binitawan. Isang ngiti ang iniwan nya sakin bago naglakad papalayo.

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

"Lintek na...." Naisambit ko nalang

______________________________________

ARTIST OF THE YEAR 2018

Naging success ang performance nila. Halos mayanig ang buong venue sa lakas ng sigawan ng mga fans. Pati ang mga kapwa nila idols ay kitang kita ang paghanga sa kanila. Paid off ang pagod at puyat nila sa paghahanda.

Kasalukuyan na silang nakaupo sa reserve seats para sa grupo nila at iaanunsyo na ang Artist of Year Award 2018. Ang pinaka highlight ng MAMA 2018. Lahat sila ay tahimik habang isa isang ina-anunsiyo ang mga nominees.

TAKE A RISK AND FLY WITH MEWhere stories live. Discover now