CHAPTER NINE (SEPARATION)

975 39 3
                                    

Pagdating nilang lahat ay ang seryosong mukha ni Pdnim ang bumungad sa kanila. Agad silang naghanap ng mauupuan.

Magkatabi paring naupo si Taehyung at Jungkook habang magkahawak ang kamay. Mababakas ang pag aalala sa mga mukha nila lalo na't alam nilang tungkol sa kanila ang urgent meeting na to.

"Pdnim, pinatawag nyo po kami bigla?" Pambubungad ng leader na si Rap Monster.

Tumango tango lang ito habang direktang nakatingin sa mga bunsong magkasintahan.

Tumikhim pa muna ito bago nagsalita. "V and Jk, alam nyong wala akong problema sa relasyon nyong dalawa. Alam nyong mahal ko kayo at sinusuportahan. Ngayun, bilang tumatayong ama nyo gusto kong manghingi nga pabor sa inyong dalawa."

Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Jungkook sa kamay ni Taehyung.

"If you're asking us to break up Pdnim just please drop the idea. That will never happen." Matapang na wika ni Jungkook dito habang direkta ding tumingin sa mga mata nito.

"Young man, wala akong sinasabing ganyan. Hear me out first." -Pdnim

"Sorry about that. You can continue Pdnim." Nakangiting wika ni Taehyung.

"May nakarating na balita sakin na Dispatch is after you right now. They're trying to tail you to get information and to exposed both of you. I'm still trying to negotiate things with them. But for the very last time V and Jk, again I'm not against your relationship. All I'm asking is both of you tone down and behave well in front on cameras. Avoid too much skinship and please learn what personal space is! Taekook is always trending, it's not that I don't want that but your getting too much attention from the fans! And I don't want to wait for the worse to happen."- Pdnim

Tumango tango lang lahat pero si Jungkook ay naikuyom nalang ang mga kamao.

"Bakit ba kasi di nalang namin sabihin ang totoo?"- Jungkook.

"Gusto ko rin yan Jk but the thing is how the South Korea community will react about it?"-Pdnim.

"I don't give a damn!"- Jungkook.

" Well, I do Jk. Mahal ko kayong dalawa and I just want to protect the both of you."-Pdnim

Masuyong pinisil ni Tae ang kamay ng kasintahan at nginitian ito.

"Ano po ang dapat naming gawin, Pdnim?"- Taehyung

"I will give the responsibility to Rap Monster. I know you really love each other to the point that you forgot that you're in front of cameras. Rap monster is in charge of separating the both of you while other members please do help your leader."-Pdnim

Nagkatinginan ang mga hyungs at sabay na tumango tango.

"I hope both of you will not take this against me. Again, I just want to protect you and I just want to protect the group." -Pdnim

Tumayo si Taehyung at hinila na rin patayo si Jungkook. Niyakap ni Taehyung si Pdnim at ganun na rin ang ginawa ni Jungkook. Nagsipag sunuran ang ibang pang miyembro at sabay sabay nilang niyakap ang taong tinuring na nilang pangalawang ama.

____________________________________

JUNGKOOK'S POV

MONTHS LATER.....

Pasimple kong ninakawan ng tingin si Taehyung na nasa kabilang dulo nakaupo. Nakangiti itong sumasagot sa interviewer. Tinotoo nga ni Pdnim ang napag usapan sa urgent meeting. Separation is real. Though I always find a way to be close to Taetae and I know he's also doing the same thing pero maagap kaming napaghihiwalay ng mga hyungs, lalong lalo na si Namjoon hyung. Minsan nakakapikon at nakakainis pero alam kong para din sa amin tong lahat. Minsan gusto ko nalang talikuran ang lahat ng tao. Kasikatan at career dahil gusto mo nang ipagsigawan na si Kim Taehyung ang lalaking minamahal mo. Pero di lang ako nasa grupo. May mga madadamay kapag nagpadalos dalos ako sa desisyon ko. Di ako pwedeng maging makasarili.

TAKE A RISK AND FLY WITH MEWhere stories live. Discover now