CHAPTER EIGHTEEN (WHEN BABY TAETAE IS SICK)

1.1K 40 2
                                    

JUNGKOOK'S POV

Dumating ako sa dorm at naabutan ko itong tila wala pang tao. Patay ang mga ilaw at wala kahit na anong palatandaang dumating na si Taehyung. Akala ko ba andito na siya?

Binuksan ko ang ilaw sa kusina at saka naglakad papuntang sala at doon nakita ang natutulog na Kim Taehyung habang nakabaluktot sa sofa. Halatang nilalamig ito.

Sinalat ko ang noo niya at inaapoy nga siya ng lagnat. Hinaplos ko ang buhok niya saka siya bahagyang ginising.

"Baby....."-Jungkook

Umungol lang ito pero hindi nagmulat ng mata.

"Baby...." Masuyo kong tawag sa kanya.

Nanghihinang iminulat nito ang mga mata at bahagyang nagulat pa ng makita ako.

"K-kookiieee...." Sagot niya pa sa paos na boses saka nanghihinang bumangon at umupo na agad ko naman siyang inalalayan.

Tumabi ako sa kanya habang inakbayan ko siya at saka sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Bakit dito ka natutulog? Dapat doon kana dumiretso sa kwarto nyo malamig dito baby."-Jungkook

"Nahihilo kasi ako kanina Kookie."-Taehyung

"Uminom kana ba ng gamot? Kumain kana ba?"-Jungkook

Umiling iling ito saka napabuntong hininga. "Nahihilo talaga ako kaya pagdating na pagdating ay natulog na agad ako dito."-Taehyung

"Pahinga ka muna sa kwarto habang pinaghahanda kita ng makakain para makainom kana ng gamot.." -Jungkook

Tumango tango ito saka tumayo ngunit para mapaupo ulit habang hawak hawak ang ulo.

Nag aalalang inakbayan ko ulit siya. "Nahihilo ka?"-Jungkook

Tumango lang ulit ito. Hay, kawawa naman ang baby ko.

Tumayo ako saka siya binuhat. I carried him in a bridal style. Halatang nagulat ito sa ginawa ko at akmang aalma.

"Kookie, ibaba mo ko maglalakad nalang ako."-Taehyung

"Di ka nga makatayo baby eh."-Jungkook

"Eh, mabigat ako. Ibaba mo na ako."-Taehyung

"Sus, ang gaan mo nga baby."-Jungkook

Di na siya nagsalita at ikinawit niya ang dalawang kamay sa leeg ko saka humilig sa dibdib ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto namin. Nasa hagdanan pa lang kami nang bigla ko ulit siyang nilingon.

"Baby, dun na kita dadalhin sa dating kwarto natin ha?" I said while looking at him intently hoping for him to say yes.

Bakas ang pag aalinlangan sa mga mata niya.

"B-bakit? Paano si Hoseok hyung? Doon nalang ako sa kwarto namin."-Taehyung

Umiling ako. "Di pwede. Pano kita maaalagaan ng maayos kung dun ka matutulog? At okay lang naman kay Hoseok hyung kung magpalit muna kayo ng kwarto ngayung gabi."-Jungkook

"Paano kung mahawaan kita?"-Taehyung

Kinibit ko lang ang balikat ko.

"Okay lang. Para ako naman ang alagaan mo pagkatapos."-Jungkook

Napapalatak na lang siya sa naging sagot ko at saka napabuntong hininga.

"Pambihirang pag iisip yan Jeon Jungkook." Komento pa niya.

"Wag mo na kasi akong alalahanin dahil kahit ano pa yan basta may kinalaman sayo handang handa akong ibigay at gawin."-Jungkook.

"Sus, nagpapalakas ka lang eh. O, sya dun na tayo sa kwarto mo."-Taehyung

TAKE A RISK AND FLY WITH MEWhere stories live. Discover now