CHAPTER SIXTEEN (TAEONLOUS)

1K 38 3
                                    

TWO MONTHS LATER.........

TAEHYUNG'S POV

Napalingon ako nung biglang nagkagulo ang mga staff. Nasa dressing room kami ngayun habang naghahanda para sa magiging performance namin sa MNETCOUNTDOWN. Tinawag ko ang isang staff na nandun.

"Unnie, anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya

"Ah dumating na kasi yung bagong makeup artist and stylist ni Jk. Diba nagresign na last month si Unnie Seo? Last day na niya nung friday." Sagot niya.

"Bakit nagkakagulo yung mga staff?" Takang pahabol ko ng tanong.

"Maganda kasi V. Alam mo na patok sa kalalakihan." Sagot niya ulit.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa sagot niya. Maganda ang bagong makeup artist ni Kookie huh?

"Unniieeee...." Biglang tawag ko sa personal makeup artist and stylist ko.

"Yes V?" Sagot niya.

Nginisihan ko siya. "Pakikulayan ng buhok ko Unnie."

"Sige ba. Anong kulay ang gusto mo?"-Unnie

"Ocean Blue." Natatawa kong sagot sa kanya.

MOMENTS LATER......

Nakangiting pinagmamasdan ko ang buhok sa salamin habang binoblow dry ito ni Unnie

"Lalo kang gumwapo V! Marami na naman ang mahuhumaling sayo nito." Nakangiti niyang komento.

"Talaga ba Unnie?"-Taehyung

"Oo naman. Lalo na kapag nakita to ni Jk." -Unnie

I smiled upon hearing his name. After our trip from Malta my relationship with Jk right now is getting better. Di pa kami nagkabalikan and hindi niya naman ako pinipilit. He's allowing me to take my time and I'm so much happy for that. I just want to ready myself and make sure that we will not commit the same mistake.

The fans support is also overwhelming right now. They really want Jk and I to be a real couple. Kung alam lang nila na naging kami na, nagkahiwalay lang talaga.

"V, ayan na si Jk." -Unnie

Pumasok nga sa kwarto si Jk kasama ang isang magandang babae. Kung di ako nagkakamali ay ito ata ang bago niyang makeup artist and stylist. Nag uusap ang mga ito habang sabay na tumatawa. Saka sila dumiretso sa pwesto ni Jk at nagsimula na ang bagong niyang makeup artist and stylist na ayusan siya. Patuloy pa rin ang mga ito sa pagkukwentuhan habang halatang nakakatuwaan.

Close na agad sila? Anong nakakatawa?

Inantay kong lingunin ako ni Jk at mahalata niya ang bagong hair color pero wala. Deadma ang lola niyo. Busy parin sa pakikipagharutan ang hudas dun sa maganda niyang makeup artist and stylist.

"Bakit nagkakandahaba yang nguso mo V? Pwede nang sabitan ng hanger." Natatawang komento ni Jin hyung.

Tapos na itong mag ayos at pwede nang mambwisit. Di ko siya sinagot bagkus tinapunan ko nang matalim na tingin si Jk.

"OMG V! Your new hair color is so damn beautiful!" Biglang hiyaw ni Jimin na nakakuha ng atensyon ng lahat.

Agad na lumingon sa akin ang lahat. Waw. Thank you Jimin, nakuha ko rin ang atensyon ng malanding ungas dun sa dulo.

"Ang ganda V! Bagay na bagay sayo!"- Hoseok hyung

Ngumiti lang ako sa kanila. Tinatamad akong magsalita.

"Marami na naman ang magkakagulo sayo."-Namjoon hyung

"At marami na namang pagseselosan si Jeon Jungkook."-Suga hyung

TAKE A RISK AND FLY WITH MEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن