CHAPTER SEVENTEEN (CONTINUATION OF TAEONLOUS)

1K 40 0
                                    

JUNGKOOK'S POV

Di ko mapigilan ang pagtawa sa hitsura ni Taehyung. Halos maihahalintulad na sa kamatis ang mukha niya sa sobrang pula. Kanina niya pa ako pinagmumura sa harap ng lahat kahit ilang beses na siyang sinaway ni Pdnim.

"Leche ka, Jeon Jungkook!!!!" Nanggagalaiti niya paring patuloy sa pagmumura sa akin.

"Baby naman. Kanina mo pako pinagmumura." Lambing ko pa rin sa kanya.

"Bwesit ka!!!!"-Taehyung

Napabuntong hininga ako. Malala to. Galit na galit si bossing.

"Mag usap tayo baby please."-Jungkook.

"Punyeta ka pa rin!"-Taehyung

"Ang dami namang mura yan!"-Jungkook

"Kulang pa yan!"-Taehyung

Tumayo ako at akmang lalapit sa kanya pero agad na naman niya akong pinigilan.

"Lintik. Diyan ka lang!"-Taehyung

"Kumalma ka nga, Tae." Nauubusan nako ng pasensya. Di talaga siya nakikinig sakin.

"Pinahiya mo ko sa pinsan mo!"-Taehyung

Naghagikhikan ang mga taong kanina pa nakikinig sa amin.

"Ayaw mo kasi akong pakinggan! Halika nga dito." Pikong sabi ko sa kanya at agad siyang nilapitan.

Pilit ko siyang pinatayo sa kinauupuan niya at wala siyang nagawa dahil mas malakas ako sa kanya.

"Bitawan mo nga ako!" Pag alma pa rin niya sakin.

"Hahalikan kita dito pag di ka tumigil, Kim Taehyung!" Mariin kong banta sa kanya na ikinatahimik niya. Alam niyang hindi ako nagbibiro.

"Sa wakas tumahimik din." Nakangising komento ni Jin hyung sa naiiling na si Taehyung.

"Sumakit ang tenga ko sa pagmumura ni Taetae."-Jimin

"Saan niya kaya natutunan yung mga murang yun? Masyadong marami."-Hoseok hyung

"Hugasan niyo mamaya ang bibig niya ng alcohol at pakuluan niyo para mawala ang mikrobyo." -Suga hyung

Hinawakan ko ang kamay niya at saka ko hinila papalayo sa lahat.

"T-teka, saan mo ko dadalhin?!"-Taehyung

"Kung saan kita pwedeng makausap ng maayos. Kakapikon kana."-Jungkook.

Dinala ko siya sa isang sulok. Napasandal siya sa pader at agad kong itinukod ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ng katawan niya. Para di na makagalaw at ang likot likot.

Hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata ko at nakayuko lang.

"So, nagseselos ka sa pinsan ko?" Malambing ko tanong sa kanya.

"H-hindi...." Nauutal na sagot niya habang nakayuko pa rin.

"Bakit ka nagkakaganyan?"-Jungkook

"Sinabi ko na. Naiinis ako dahil di mo pinansin ang bagong kulay ng buhok ko."-Taehyung

"Alam nating parehu na hindi ka nagsasabi ng totoo Kim Taehyung."-Jungkook

Napabuntong hininga ito saka nag angat ng tingin at direktang tumingin sa mga mata ko.

"Oo, nagseselos ako." Bigla niyang saad at ikinagulat ko. Di ko inaasahan na aamin siya agad.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha saka ko hinaplos ang pisngi niya.

"Bakit ka naman magseselos eh alam mo namang mahal na mahal kita?" Malambing kong tanong sa kanya.

"Di ako sanay na wala sa akin ang atensyon mo, Kookie."-Taehyung

TAKE A RISK AND FLY WITH MEWhere stories live. Discover now