CHAPTER TEN (SEPARATION GOES WRONG)

928 37 6
                                    

TAEHYUNG'S POV

Buong araw akong iyak ng iyak sa kwarto. After namin makarating sa bahay nang gabing yun ay hindi na ako pinapansin ni Jungkook at naligo lang ito saka umalis ulit nang di man nagpaalam kahit isa sa amin kung saan sya pupunta. Kahit si Namjoon hyung at Seokjin hyung ay di alam kung saan sya pupunta.

At ngayun, pangalawang araw nang hindi sya umuuwi. Tinotoo nya ang sinabi nyang gusto muna nyang huminga at ang ibig nyang sabihin doon ay ang malayo sa akin. Kahit sino sa amin ay walang nakakaalam kung nasaan sya. Nagkataon pang meron kaming week long rest.

Alam kong nasaktan ko sya pero di ko lang talaga alam ang gagawin ko ng gabing yun. Takot akong baka i-exposed kami ni Minho at magkaproblema na naman ang buong grupo. Kung alam lang ni Kookie kung gaano ko ka gusto ipagsigawan sa lahat ang tungkol sa amin pero iniisip ko lang din ang mga hyungs namin at si Pdnim. Ayoko nang bigyan pa sila ng problema dahil sa relasyon namin ni Jungkook.

I don't want to be a burden to them. I can't forget the pain on Kookie's face that night. Mas lalo akong napaiyak nang maalala ang sakit sa mukha nya nang gabing yun. Nasaktan ko na naman ang Kookie ko. Bakit ba palagi ko nalang siyang nasasaktan? Wala na ata akong ginawang tama sa relasyon namin. Hindi pa ba ang sapat na mahal namin ang isa't isa at nagkakasakitan parin kaming dalawa? Miss na miss ko na siya. Ang amoy nya, ang ngiti nya, ang yakap nya at mga halik. Namimiss ko na ang buong siya.

Nakatulogan ko ang pag iyak. Nagising ako nang may mahinang tumatapik sa braso ko.

"B-baby?" I said half awake expecting to see Jungkook's handsome face but to may dismay, Jimin's worried face is in front of me.

"Taetae, hindi pa rin umuuwi si Jk at pinagising ka sakin ni Jin hyung dahil hindi kapa rin daw kumakain mula kahapon." Jimin said while trying to help to get up.

Tumulo na naman ang mga luha sa mga mata ko.

"Wala pa ring balita kung nasaan sya, Jiminiieee?"-Taehyung

Umiling si Jimin. "Wala pa rin, Tae. Sinubukan na naming tawagan ang parents nya pati ang mga kakilala nating mga kaibigan nya pero wala din silang balita kay Jk."

Napahagulhol na naman ako. "Kasalanan ko ang lahat ng to."- Taehyung

Inalo naman agad ako ni Jimin at masuyong hinahagod ang likod ko.

"Wala kami sa tamang posisyon para sabihin kung sino ang tama o mali, Taetae. Dahil isa kami sa mga rason kung bakit kailangan nyong itago ang pagmamahalan nyo. And with all honesty, we really feel bad about it."-Jimin

"Sana umuwi na siya Jiminiieeee, miss na miss ko na sya."-Taehyung

"Uuwi din yun Tae. Nagpapalamig lang yun ng ulo. Narinig namin ang usapan nyo at sa kanya mismo galing na wala siyang balak makipag hiwalay sayo. Wag kang mag alala mas malaki ang pagmamahal sayo ni Jk kesa sa galit nya."-Jimin

Humihikbing tumango tango ako.

"So, tara na? Kain kana. Kung ayaw mong iwan kang tuluyan ni Jk pag nauwian ka niyang ganyan ka pangit." Panunukso pa nito.

Pabirong hinampas ko sya sa braso. "Loko ka. Wag ganyan."

Tumawa lang ito saka ako inalalayang tumayo.

"Biro lang na pwedeng magkatotoo pag nauwian ka nang jowa mong ganyan ang itsura mo. Half zombie."-Jimin

Natatawang tumayo na rin ako at lumabas kasama si Jimin. Bumungad sakin ang mga nag aalalang mukha ng mga hyungs.

"Taetae, okay ka lang?" Agad na lumapit si Jin hyung sakin at niyakap ako. Di ko mapigilang mapaiyak na naman sa yakap niya.

Jin hyung is like our mother in the group. He's always taking care of us and giving us support in everything.

TAKE A RISK AND FLY WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon