CHAPTER THREE

1.1K 47 8
                                    


"One more time! From the top!" Sigaw ng choreo manager ng BTS.

Humihingal na napaupo silang lahat sa sahig nang marinig ang utos ng choreo manager nila. Naka ilang from the top na sila at tila hindi pa ito nakukuntento sa performance nila. Which is a good thing para sa kanila dahil gusto rin nilang mabigyan ng magandang performance ang Army's. They deserve more than that for loving and supporting our group.  (Pero we also want you guys to rest kung di nyo na kaya. Mas mahal kayo, right Army's? 😅😘)

Magpeperform kami sa MAMA 2018 sa Japan and we will going to perform IDOL. Talaga gusto naming mabigyan ng magandang performance ang mga fans.

"Everybody stand up! Again, from the top!" Agad kaming sumunod at tumayo. Saka kami pumunta na sa kanya-kanya naming pwesto.

Palihim kong sinulyapan si Taehyung. Medyo nag aalala ako sa kanya. Alam kong kulang sya ng pahinga dahil sa pag aantay sakin kagabi. Parang naramdaman ata neto na may nakatingin sa kanya at automatic itong lumingon sa akin. Nang magtama ang mga mata namin agad itong ngumiti ng napakalapad. Wearing his famous boxy smile that I really love.

"Okay ka lang?" I mouthed to him without a voice.

Bilang sagot ay nag thumbs up ito still wearing his beautiful smile. Tila nahihiyang napakamot ako sa batok ko at ngumiti na rin sa kanya. Nang biglang narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Jimin sa tabi ko..

"Ayan na naman ang malalandi." Mahina nya pang bulong. Pasimple ko syang siniko para tumahimik.

"Mamaya na kayo maglambingan." Dagdag pang mahinang tukso ni Hoseok hyung na kami lang rin ni Jimin ang nakakarinig.

"Okay, that's enough. Let's get it!" Biglang utos sa amin ni Namjoon hyung na agad naman naming sinunod. Agad kaming umayos sa mga pwesto namin.

"On three, two, one......."

You can call me artist (artist)
You can call me idol (idol)
Anim eotteon dareun mwora haedo
I don’t care

_______________________________

TAEHYUNG'S POV

Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa loob ng dance studio. Pinatawag ang choreo manager namin ni Pdnim. May ididiscuss ata sa magiging performance namin.

Napapangiti ako habang nakatingin sa cp ko. Actually, pinapanood ko ang mga videos na ginagawa ng mga fans namin ni Jungkook saying that we are real couple. They even combined our names with Taekook which is I find it so cute. Matagal mo nang alam na siniship kaming dalawa. I even read some of the fanfics about us. I really love the support from our fans pero di rin maiwasang may mga negative comments about us from homophobic pips. Sometimes nakakalungkot pero at the end of the day, why would I focus to those negative things eh ang dami rin namang nagmamahal sa amin at sumusuporta.

"Hoy V! Anong nginingiti ngiti mo dyang mag isa?! Anong pinapanuod mo? Porn yan no?" Maingay na sita sakin ng nag iisang Park Jimin.

"Tumahimik ka. Ang dumi talaga nyang utak mo." -Taehyung

Tumabi eto sakin at saka ako inakbayan. "Alam mo kaibigan, dalawang bagay lang yan kapag nakangiting mag isa ang isang tao habang nakatitig sa cellphone nya"- Jimin

"At ano naman yun, aber?" Nakapameywang kong tanong sa kanya.

"Una, yun nga nanunuod ng porn. At pangalawa, kung ang kung tinitingnan nya sa cellphone nya ay ang taong mahal nya. Patingin na."- Jimin

Agad kong ini-lock ang cellphone ko at itinago sa bulsa ko.

"Maligo ka nga ng alcohol Jimin at dumudumi na buong pagkatao mo!"- Taehyung.

"Sus, sa gwapo kong to? Tanong mo pa kay Suga hyung."- Jimin

"Oo nga naman. Sa sobrang gwapo mo di kana tumangkad." - Taehyung.

"Aba aba! Below the belt na yan Kim Taehyung!" Umaalmang saad ni Jimin.

Nanunuyang tawa lang ang naging tugon ko. Sa aming dalawa isa lang talaga ang motto namin, 'PIKON TALO'

"Sus, as if I know kung ano man yang tinitingnan mo sa cellphone mo alam kong may kinalaman yan kay Jungkook." Nakangusong wika na naman nito.

"Tumigil ka." Mariin kong saway.

"Edi sge ganito nalang, Porn o Jungkook?" Malakas na wika nito na nakakuha ng atensyon ng mga ibang members at back up dancers na nandoon.

Natapik ko nalang din ang sariling noo nang makitang pati si Jungkook ay napabaling sa amin ni Jimin. Alam kong sinadya ng hudas na to na lakasan ang boses nya para marinig ni Jungkook.

"Huh? Porn o Jungkook?" Kunot noong tanong ni Jungkook sa amin.

"Ano na namang kabalbalan ang pinag uusapan ninyong dalawa?!" Nakapameywang na sita na rin ni Jin Hyung.

"Tong dalawang to, kahit ano nalang pinagtitripan. Kung sino kamang Porn ka patawarin mo sila at pati buhay mo ay pinapakialaman." Dagdag pa ni Hoseok Hyung.

"Joke ba yan, J-hope?" Nandidiring sabad naman ni Suga Hyung.

"Seryoso sya." Natatawang dagdag ni Namjoon Hyung.

Bwesit talaga tong si Jimin! Tiningnan ko sya ng masama saka nakangiting binalingan ang lahat.

"A-ah wala wala. Sige na magsibalik na kayo sa mga buhay buhay nyo at wala kayong narinig ha?" - Taehyung.

"Uy, di kapa nakakapili sa dalawa." - Jimin

"Tumigil kana! Kukutongan na kita!" Inambahan ko na nang kutong si Jimin.

Nang bigla kong maramdaman na may umangat sa katawan ko sa pagkakaupo sa sahig. Pagbaling ko sa likod kung sino ang may salarin ay ang nakangiting mukha ni Jungkook ang bumungad sakin.

"K-kookie......" -Taehyung.

"Tara Taetae kain tayo." He replied while smiling. And here goes my heart again beating so fast and seems to burst out in my chest.

"P-pero......" - Taehyung.

"Oh, Kim Taehyung, nabulol ka bigla?" Panunukso na naman ng ugok na si Jimin.

Agad ko na namang akmang susugurin si Jimin pero mabilis ulit akong pinigilan ni Jungkook at niyakap ako ng mahigpit sa beywang mula sa likod. *Backhug is real mga ses hahahahaha*

"Mamaya mo na sya kutongan, Tae. Gutom na talaga ako. Kain tayo?" -Jungkook

Nagsitayuan ang balahibo ko nang maramdaman kong sobrang higpit ng pagkakayakap nya na tila ayaw na akong bitawan. Lalong lalo na nang maramdaman ko ang mainit nya hininga sa batok ko.

Nakita ko ang nanunuksong reaksyon ng mga kasamahan ko at iba pang tao na na sa dance studio. Alam ko na ang iniisip ng mga to.

"Tae?" Untag ulit sakin ni Jungkook nag aantay ng magiging sagot ko.

Kinalma ko ang sarili at bumuntong hininga ng malalim.

"S-sige Kookie. Tara na." Sagot ko at maingat na tinanggal ang kamay nyang nakayakap sa beywang ko. Hinila ko sya palabas ng dance studio hawak hawak pa rin ang kamay nya.

"At ayun po, marupok po ang lola nyo." Nanunuksong pahabol ni Jimin at agad na naghiyawan na parang mga timang ang iba. Tila kinikilig pang hinampas ni Jin hyung si Namjoon Hyung.

Habang naka smirk na naman si Suga Hyung.

"Tangina mo, Jimin. Humanda ka talaga pag balik ko." -Taehyung.

At saka ko sya tiningnan ulit ng masama bago tuluyang lumabas ng dance studio. Tahimik kaming naglalakad nang muntik nakong mapasubsob at madapa nang biglang magsalita si Jungkook sa likod ko.

"So Tae, Porn nga ba o Jungkook?" - Jungkook

"Jeon Jungkook!"



END OF CHAPTER THREE

-------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

😂😂😂 LELS!

TAKE A RISK AND FLY WITH MEWhere stories live. Discover now