CHAPTER TWO

1.3K 49 4
                                    

TAEHYUNG'S POV

Naiiling na napatingin ulit ako sa relo ko. Mag aalas diyes na nang gabi. Di ko na mabilang kung pang ilang beses ko nang ginawa to. Pano ba naman nakauwi na si Suga hyung at Hoseok hyung pero wala kahit anino ni Jungkook. Nung tinanong ko kung nasaan sya tanging "tsk tsk tsk" lang ang narinig ko kay Suga Hyung.

"Nasaan kana ba kasi, Jk." Napapabuntong hininga kong bulong.

"Oh, Taehyung, di kapa ba magpapahinga? Maaga pa ang call time natin bukas." Napalingon ako kay Jin hyung na bagong labas sa kwarto nya at tila bagong paligo.

Tanging iling lang ang naging tugon ko sa kanya.

"Wala pa ba si Jk? Alam mo, magpahinga kana at uuwi din yun." Malumanay pa nitong saad.

Isang iling pa mula sakin, "Late na rin kasi hyung. Gusto ko rin sana syang makausap. Di ko alam kung bakit galit sya sakin."

"Manhid ka nga." Narinig kong mahinang bulong ni Jin hyung. "O,sya. Ikaw na ang bahala but please V don't stay up too late. Maaga pa ang call time natin bukas. Drink a lot of water." Yun lang at pumasok na rin sya sa kwarto nila ni Namjoon Hyung.

Nang mapag isa napatingin ulit ako sa relo ko. Hay, anong oras na wala parin sya. Antok na antok nako at tama si Jin hyung dapat nagpapahinga nako ngayon pero di ko talaga maatim na ipagpabukas pa tong tampuhan namin ni Jk. Sumasakit ang bangs ko.

Humihikab na napahiga ako sa mahaba naming sofa. Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na rin ako.

__________________________

JUNGKOOK'S POV

11:49PM

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng dorm house namin dahil alam kong tulog na ang lahat. Di ko alam na mapapasarap ang usapan namin ng bestfriend kong si Yugyeom. Actually, napapasarap talaga ang usapan lalo na kapag si Taehyung ang topic. Nanghingi ako ng advice sa kanya kung ano ba ang dapat kong gawin para makita ni at maramdaman ni Taehyung na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya.

Natigilan ako nang makita ang lalaking magtatlong taon ko na ring minamahal. Kasalukuyan syang nakatalungko sa mahaba naming sofa at mahimbing na natutulog. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa harap nya.

Sa sobrang tahimik ng paligid, naririnig ko na ata ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko at dahil yun sa napakagandang lalaki sa harap ko. Napaka amo ng mukha nya habang natutulog at kahit tulog umaapaw pa rin ang ganda nya. An ethreal beauty that everyone will wish to have.

"Jungkook.........."

Tila hinaplos ang puso ko nang marinig ko ang mahinang bulong nya sa pagtulog. Bakit nya ko tinatawag? I felt it weird though that he's calling ny name in his deep slumber. Heto na naman at gusto na namang umasa ng puso ko. Di ko mapigilang mapangiti nang bigla pa itong nag pout.

Inangat ko ang isang kamay at malumanay na hinaplos ang mukha nya. Hinawi ko ang ilang mga buhok na nakatakip na sa mata nya. Napatingin ako sa mga mapupula nyang labi at pinaka titigan iyon. And this urge feeling again that wanting to kiss him so bad. But I know I can't and atleast not for now.. Ngunit agad akong napaatras at tuluyang napaupo sa sahig nang biglang magmulat ang mga mata neto.

"Kookie, andito kana pala." Inaantok pang wika niya sabay bangon at umayos ng upo.

"A-ah O-oo." Nauutal ko na namang tugon. The heck Jk, palagi nalang ba?

"Bakit ngayon ka lang? Late na." Taehyung said while gesturing Jk to sit beside him.

"A-ah k-kasi n-napasarap lang ang usapan namin Yugyeom." Napatampal nalang ako sa sariling noo dahil sa pagkakabulol bulol. Sa harap lang ako ni Taehyung nagkakaganito. Umupo na rin ako sa tabi nya.

TAKE A RISK AND FLY WITH MEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora