CHAPTER ELEVEN (TAEKOOK NO MORE)

1K 46 7
                                    


TAEHYUNG'S POV

Mag iisang oras na ata akong sinisermunan ni Pdnim at ni Namjoon hyung pero kahit isa sa mga sinasabi nila ay walang rumerehistro sa utak ko. Ni ang sumagot sa kanila ay di ko magawa.

"For the last time Kim Taehyung, bakit mo ginawa yun kay Jackson Wang and for the love of God sumagot ka sa mga tanong namin at nang matapos na to."-Pdnim

"Tae please. Makipag usap ka sa amin ng maayos."-Namjoon hyung

Napabuntong hininga ako. "Nakita kong binastos nya si Kookie."

"At dahil dun sinuntok mo siya?"-Pdnim

Tumango tango ako bilang sagot.

"Ilang suntok ang nagawa mo?"-Pdnim

"Di ko na nabilang."-Taehyung

"Kamusta ang mukha niya?"-Pdnim

"Ayun basag." Kibit balikat kong sagot.

"Masaya ka sa ginawa mo?"-Pdnim

"Gusto ko ngang magpaparty eh."-Taehyung

Di ko alam pero tila manhid ako ngayun. Wala akong pakialam sa kahit na sino at galit ako sa mundo.

"Naisip mong idols kayo parehu at magiging malaking eskandalo to? Paano paglumabas na ang dahilan ng kung bakit mo ginawa yun?" Singit ni Namjoon hyung

"Wala akong pakialam."-Taehyung

"Taehyung." Tila napipikong wika ni Namjoon hyung

"Look, wala talaga akong pakialam kung mamatay man ang gagong yun o kung mawalan man ako ng career ngayun. What do you expect? Ang hayaan ko siyang bastusin si Kookie sa harap ko? Dapat nga nilumpo ko yun eh. Inutil naman pala." -Taehyung

"Sa tingin mo magugustuhan ni Jungkook ang ginawa mo?"-Pdnim

I winced by just hearing his name comes from other people mouth. "W-wala din akong pakialam sa kanya."

Halos sabay na bumuntong hininga ang dalawa sa harap ko.

"I heard what happened between the two of you, don't you think na dapat nyong pag usapan ulit to? Break up is not the solution, you know."-Pdnim

"Desisyon nya yun. Respetuhin natin."-Taehyung

"Baka nabibigla lang kayong dalawa. I'll try to talk to him."-Namjoon hyung

"There's no need for you to that, hyung. Ayoko na rin sa ngayun. Masyadong kumplikado. Para na rin mabawasan na kayo ng sakit sa ulo."-Taehyung

"I'm sorry Tae." -Namjoon hyung

"It's okay, hyung. Lilipas din to." I said with finality and smiled at them bitterly

______________________________________

JUNGKOOK'S POV

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nung maghiwalay kami ni Taehyung at masasabi kong nagbago siya. Hindi na siya ang dating Taehyung na palangiti, maalaga, malambing at palabiro. Parang biglang naging ibang tao siya sa harap namin. Kung dati napakadaldal niya ngayun ang dalang niya nalang magsalita at kadalasan ay mabibilang mo lang sa mga daliri mo ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Pero minsan nakikita ko pa rin ang dating siya sa harap ng mga hyungs pero never sa harap ko. Mas lalo siyang nagiging ibang tao pag nasa malapit ako. Tila nagtatayo siya ng pader sa pagitan naming dalawa.

Dahil sa nangyari sa aming dalawa pagkatapos nung gabing maghiwalay kami ay napagdesisyunan naming isa sa amin ang dapat lumipat ng kwarto at siya ang nag boluntaryong gawin yun. Lumipat sya sa kwarto nila Suga hyung at Jimin habang si Hoseok hyung ang lumipat sa dati naming kwarto.

TAKE A RISK AND FLY WITH MEWhere stories live. Discover now