CHAPTER FOURTEEN (BON VOYAGE IN MALTA PART TWO)

1.1K 46 5
                                    


TAEHYUNG'S POV

Wala sa mood akong bumangon kinaumagahan. Halos di ako nakatulog sa kaiisip ng ginawa at mga sinabi ni Jungkook. Ano kaya ang nangyari at bigla siyang nagkaganun? Bakit biglang gusto niya akong makuha ulit? Walang ganang lumabas ako sa kwarto namin ni Hosek hyung at dumiretso sa kusina. Nakita kong andun na ang lahat maliban sa akin. Tinapunan ko ng tingin si Jungkook na tila abala sa kusina. Ni hindi nga nito namalayan ang pagdating ko.

"Taehyuuuungggiiiieeee!! Bakit namamaga na naman yang mata mo? Umiyak ka?" Nag aalalang tanong sakin ni Jimin saka ako niyakap ng mahigpit.

Di ako sumagot at nakita kong natigilan si Jungkook saka lumingon sa kinatatayuan ko. Mababakas ang pag aalala sa mukha nito.

"Anong nangyari Tae bakit magang maga yang mata mo? Hoseok?"-Namjoon hyung.

"Ah.. kasiiii....." Hindi alam ni Hoseok hyung kung ano ang sasabihin.

"Pinaiyak ako ni Jungkook." Simple kong sagot na parang wala lang sa akin saka umalis sa pagkakayakap ni Jimin at tumabi kay Suga hyung.

"Anong nangyari?" Kunot-noong tanong ni Namjoon hyung pero tinatamad nakong sumagot.

"Jk, anyare?" Nagtatakang tanong na rin ni Jimin.

"Tsss. Hayaan nyo nga silang dalawa na ayusin ang sariling problema nila. Kaya di na yan nagmamature kasi masyado niyo silang binibaby." Asik sa kanila ni Suga hyung na ikinapasalamat ko. Tinatamad talaga akong mag explain at lalo na tinatamad akong magsalita. Nakakapagod kaya ang ngumawa nang ngumawa buong gabi.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Namjoon hyung. "Sige sige halina kayo at mag almusal na. Marami pa tayong gagawin ngayung araw."

Tumayo ako at umupo na sa mesa. Napasinghap ako ng maamoy ang pamilyar na pabango na paborito kong langhapin noon.

Kunot noong nilingon ko si Jungkook na halatang patay malisya.

"Ginagawa mo diyan?" Sita ko sa kanya.

"Nakaupo at kakain ng almusal."-Jungkook.

"Oo alam ko wag kang pilosopo. Ang tanong ko kung bakit ka nakatabi sakin?"-Taehyung.

Ngumiti ito (showing his bunny smile) at kininditan ako. Tangina neto alam talaga kung ano ang kahinaan ko.

"Gusto kitang makatabi."-Jungkook.

"Talaga ba? Pwes ako hindi. Kaya umalis ka dyan kung ayaw mong masamain sakin."-Taehyung.

"Ayoko. Dito lang ako sa tabi mo. Tagal kong nawala sa tabi mo kaya't susulitin ko na. I love you, baby."-Jungkook

"Ooohhhhh." Halos sabay sabay na reaksyong ng mga hyungs.

Napamaang ako sa sinabi niya. Pinitik ko ang noo niya sa sobrang gigil.
"Nag aadik kaba Jeon Jungkook?!" -Taehyung.

"Di pa naman pero willing akong magpaka adik basta para sayo." He said sweetly and winked at me.

"Waaaaaahhh."  - Ang aming mga dakilang audience.

"Potek ang landi. Nakakasuka."-Suga hyung

Natapal ko ang noo nang wala sa oras. "Alis na, Jungkook."-Taehyung.

"Dito lang ako, baby."-Jungkook.

"Wag mo kong ma baby baby hindi ako sanggol!"-Taehyung.

"Sus. Gustung gusto mo ngang tinatawag kita ng baby noon."-Jungkook.

"Noon yun. Hindi na ngayon." Maangas kong bara sa kanya.

Nagulat ako nang bigla itong lumapit sakin nang sobrang lapit as in sobrang lapit. (Kayo na bahala mag imagine lutang ang author niyo.) Saka sya bumulong sa tenga ko.

TAKE A RISK AND FLY WITH METempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang