CHAPTER FIFTEEN (BOM VOYAGE IN MALTA PART THREE)

1K 49 5
                                    

CAMPING DAY

TAEHYUNG'S POV

Kasalukuyan kaming naghahanda para sa pag alis papunta sa magiging camping site namin. Nagkakarga na sila ng mga gamit sa mga naka assign sa aming sasakyan.

"Sinong magdadrive?" Tanong ko sa kanila nung makitang patapos na sila sa pagkakarga.

"Ako nalang ulit." Boluntaryo ni Jungkook.

Inirapan ko siya. "Wag na. Ikaw nalang palagi ang nagdadrive magpahinga kana muna." I said.

Kumislap ang mga mata nito at ngumiti nang napakalapad na parang sobrang tuwa ito sa sinabi ko.

"Concern ka ba Taehyung?" Biglang singit ni Suga hyung sa amin.

"Hindi no. Concern agad? Nagbibigay lang ng opinyon."-Taehyung

"Parang concern ka eh."-Suga hyung

"Hindi nga kasi."-Taehyung.

"Ah hindi ba? Sige Jungkook ikaw na mag drive di naman pala to concern sayo."-Suga hyung

Agad namang tumango si Jungkook. "Yes hyung."

Akmang pupunta na si Jungkook sa driver seat nang agad kong pigilan ito sa braso. "Oo na oo na. Concern na kung concern basta wag muna siya ang mag drive ngayun!" Inis kong wika.

Kitang kita ko kung paano napangisi si Suga hyung sa akin na agad ko naman siyang inirapan.

"Ayun naman pala. Concern naman pala talaga eh."-Suga hyung

"Sige na ako na magdadrive." Natatawang boluntaryo ni Hoseok hyung.

Nakangiting tumango naman si Jungkook saka nakangiting tumingin sakin.

"Wag kang ngiti nang ngiti dyan parang kang timang." -Taehyung

He just shrugged his shoulders and mouthed an I LOVE YOU sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at naging abnormal na naman ang puso ko.

Pumasok na ako sa sasakyan at pumuwesto sa backseat. Maya maya pa pumasok narin si Hoseok hyung sa driver seat at si Suga hyung sa tabi niya. Huling pumasok ng sasakyan si Jungkook na pumuwesto sa tabi ko.

"Tabi tayo ah?" Nakangiting bati niya sa akin pag ka upo niya.

Inismiran ko siya. "May magagawa pa ba ako at andyan kana."

"Seatbelt nyong dalawa." Biglang utos ni Suga hyung na agad naman naming sinunod.

Nagsimula na kaming bumiyahe. Nung una tahimik lang kaming apat hanggang sa nagsimula nang magkadiskusyon si Suga hyung at Hoseok hyung sa direksyon na susundin namin papunta sa campsite.

"Tell me how am I supposed to live without you. Now that I've been loving you so long. Tell how am I supposed to live without you. How am I supposed to carry on. When all that I've been livin' for is gone." Biglang kanta ni Jungkook na ikinagulat ko. Sige siya na may magandang boses. -_-

Nakangiting nilingon niya ako. "I love you, Kim Taehyung."

Nahigit ko ang hininga sa biglang deklara niya. Kahit sila Hoseok hyung at Suga hyung ay napalingon sa kanya. Napamaang ako at wala akong naisagot sa kanya.

"Hanep magligawan ah. Tanghaling tapat?" Panunuya ni Suga hyung habang di maiwasan ni Hoseok hyung ang mapatawa.

"Anytime of the day hyung. Kung pwede nga gawin ko nang 24/7 eh." Sagot naman ni Jungkook dito.

"May pag asa ka naman ba?" -Suga hyung

"Sa tingin mo hyung? Meron ba?"-Jungkook

"Meron yan. Mahal na mahal ka niyan eh."- Suga hyung

TAKE A RISK AND FLY WITH MEWhere stories live. Discover now