C

49 0 0
                                    

Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko uminom ako kagabi ng ilang litrong alak dahil sa sobrang sakit. Badtrip

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napansing wala ako sa lugar na huli kong naaalala. Tiningnan ko ang nakakabit na dextrose sakin at pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung ilang araw ba ako tulog o kung sinong nagtakbo sakin sa ospital pero one thing's for sure: buhay pa ako and I have to continue living in hell. To cut it short, palpak ang ginawa ko

Huminga ako ng malalim at umupo. Napapitlag na lang ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Nakipagbugbugan ba ako kagabi? Ang pagkakaalam ko, palapulsuhan ko lang naman nasugatan. Pero bakit damay buo kong katawan? Karma ko ba to sa ginawa ko? Ano to, all for one one for all?

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Napakatahimik at napakalinis. Puro puti ang nakikita ko. Sino bang nag-desisyong dapat puti ang kulay ng ospital? Para kunyari nasa langit? Lol. Living here feels like living in hell. At sino namang magbabayad ng bills ko dito? Last time I checked wala akong magulang.

Babangon na sana ako nang dumating ang doktor na nakangiti. Maputi siya na medyo singkit. Siguro mga 40 years old na siya. Nakipag-usap siya saglit sa kasama niyang nurse at binasa yung parang folder. Nanatili lamang akong nakaupo. Umiwas ako ng tingin noong bigla siyang tumingin sakin

"Iha, ok na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng doktor

Tumango lang ako bilang sagot kahit na sobrang sakit talaga ng ulo at katawan ko. Ayoko lang mahassle magsalita tutal common lang naman tong maramdaman after ng ginawa ko

Di pa siya umalis kahit na nasagot ko na yung tanong niya. Nakita kong sinenyasan niyang umalis muna ang nurse na kasama niya bago siya tuluyang lumapit sakin. Spell privacy

Tumitig siya sakin na parang nag-iisip kung magsasalita ba siya o hindi. Pagkalipas ng ilang segundo, huminga siya ng malalim bago magsalita

"You know iha, there are lots of things out there na di mo pa naeexplore. You can go out and choose to be happy. Dying won't make anything better. Believe me." Sabi niya in a serious tone na may concern. Napatanong na lang ako sa isip ko kung close ba kami para sabihin niya sakin ang mga 'to

Mukha naman siyang mabait pero di lang ako kumportableng pinagsasabihan ng ganito. Wala naman kasing kahit isang taong concern sakin. Pinabayaan ako ng lahat

Hindi ko talaga alam. Kasi sa totoo lang, pinilit ko namang maging masaya? Sino bang hindi gugustuhing sumaya? Pinilit ko naman eh. Kaso parang lagi akong nilalayuan ng kasiyahan. Parang di ko deserve. Parang ayaw ng universe na maging masaya ako. Feeling ko tuloy may kasalanan ako sa nakaraan kong buhay kaya nangyari lahat ng kamalasan sa buhay ko

Hindi ko siya sinagot. Hindi rin naman niya maiintindihan kung anong nararamdaman ko

"I hope you choose to live iha. I'm counting on you" ngiti niya sakin bago siya tulungang lumabas sa kuwarto ko

Bumuntong hininga ako. Ang galing talagang makialam ng mga tao sa mga bagay bagay. Wala naman silang alam. Alam ko din namang wala talaga silang pakialam. Ang pagkakaalam ko din, he's a doctor not a psychiatrist.

Wala namang mawawala at magluluksa sakin pag namatay ako. Wala naman na akong babalikan kahit pa mabuhay ako so what's the purpose of living? Anong point? Palibhasa may mga rason silang mabuhay kaya napakadali nilang sabihin na masayang mabuhay

Tumayo ako at hinila ang lalagyan ng dextrose ko tsaka lumabas ng kuwarto ko. Naglakadlakad ako hanggang sa makakita ako ng hagdanan na di ko alam kung san papunta. Umakyat na lamang ako na medyo nahihilo dahil pa din sa sakit ng ulo.

Cuts and HealingWhere stories live. Discover now