H

15 0 0
                                    

Linggo. One week na lang bago magpasukan. Napagpasyahan namin ni Scar magchurch. Lubog litaw kasi kami don. Minsan kasi nakakalimutan naming linggo kaya di kami nakakapunta. Ganito naman talaga pag walang pasok. Nakakalimutan kung anong petsa at araw

Nagsuot ako ng simpleng blue dress na hanggang tuhod tapos white na converse. Nagconcealer din ako at liptint. Si Ara nagturo saking magganito dahil di daw ako puwedeng sumama sa kanya pag pangit ako. As if namang papangit ako. Never akong papangit. Maganda ako kahit wala akong ilagay sa mukha ko. Period

Pumasok si Scar sa kuwarto ko habang nagsusklay ako. Ang haba na talaga ng buhok ko kaso tinatamad akong magpagupit.

Nakasuot si Scar ng simpleng blue shirt, black pants, at itim na nike air. Tinitigan ko siyang mabuti habang palapit sa akin at napansing wala na ang benda niya sa ulo. WALA NA ANG BENDA NIYA SA ULO. Ok na siya? He looked cute by the way


"Ako lang to Joy" he giggled. Iniwas ko ang tingin ko after that

Nakita niyang nahihirapan akong suklayin ang buhok ko kaya inagaw niya sakin ang suklay

"Ako na nga!" tawa niya habang nag-aagawan kami ng suklay. Binigay ko na lang sa kanya dahil masyado siyang mapilit

"Ang haba na pala talaga ng buhok mo no? Balak mong magaudition bilang sadako?" biro niya sakin kaya sinuntok ko siya sa braso

After niyang suklayin ang buhok ko, I felt his lips on my head. Nagulat ako kaya bigla akong lumingon sa kanya

"Did you just kissed my head?"

"Hoy Vashti Joyah, wag ka masyadong magfeeling. Inamoy ko lang buhok mo" he defended habang umiiling

Medyo nabadtrip naman ako kaya tumayo na ako at naglakad ng mabilis

"Hoy Joy!!! Hintay!!" tumakbo siya para maabutan ako

Nang makarating kami sa church, di pa nagsisimula. Maaga kami ngayon kaya nag-usap muna kami ni Scar

"Seryoso, bakit mo ko binilhan ng ganito?" tanong niya habang hinahawakan na naman ang kuwintas na binigay ko

"Wala nga"

"Sure?" pangungulit niya. Parang may gusto siyang palabasin

"Sure"

"Pero dahil bigay mo to, bibigyan ko ng special meaning" he smiled. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko


"Magandang umaga po sating lahat. Tayo po ay tumayo at tinatawag ko ang worship team na siyang maglilead ng call to worship" sabi ng MC sa harap. Agad naman kaming tumayo at nagdasal habang kumakanta


Nakaconcentrate si Scar sa tabi kong nakikinig ng preach. Hindi naman ako mapakali kasi tagos na tagos sakin ang mga sinasabi ng pastor. Parang sinadyang ito ang sermon ngayon dahil nandito ako


"Happiness is achievable. And you can only achieve true happiness in the Lord. Kaya wag po nating subukang ifill ang kulang na buhay natin sa mga makamundong bagay. Hindi po tayo mapupuno ng alak , ng kasintahan, o ng pera" the pastor paused


Narinig ko namang bumulong ng "ouch" si Scar dahil natamaan din yata sa mga sinasabi ng pastor


"Pag may desire kang sumaya, sasaya ka. Pag sinubukan mong maglakad kaysa sa magstay kung nasan ka, marerealize mo na mas kaunti ang sakit na mararamdaman mo. Taking a step hurts less than standing still. At tandaan po natin na kahit ano pang kahinaan ang mayroon tayo, makakamit natin ang kasiyaan at mga hangarin natin sa buhay, as long ad we have the desire and as long as we trust God"


Cuts and HealingWhere stories live. Discover now