S

27 1 0
                                    

Stunned pa din ako sa sinabi niya sakin habang naglalakad. Siguro sa iba ang babaw lang nito pero kasi iba ang impact ng mga salitang yon sakin. It felt real and raw. And for the first time since I don't know when, I felt something inside me. Hindi na ako manhid. Icocongrats ko na ba sarili ko?

I was excited to open my door pero nabago ang konting naramdaman ko pagbukas ko ng pintuan. Bumungad sakin ang isang taong ayaw ko ng makita. Isang taong nagpapaalala sakin na wala akong kuwenta. Na kaiwan iwan akong tao. Isang tao na isa sa mga dahilan kung bakit ako naging ganito

Ang lakas lang talaga ng loob niyang magpakita pa sakin. Naawa ba?

"Bakit ka nandito?" tanong ko habang deretsong naglakad patungo sa kama ko. Hindi niya ako matignan sa mata. I know she felt guilty. Ganon naman tayo eh. Nagiguilty lang tayo pag may masama ng nangyari.

Wala akong balak makipagplastikan. Wala kong time para humarap sa mga taong bahagi na lang ng nakaraan ko

I can't deal with people who made me this way

Maya maya pa, naglakad na siya para umalis na wala man lang sinasabi. Parang pumunta lang dito para tingnan kung buhay pa ko.

At dahil hindi ko natiis ang kiuriosidad ko, bigla na lang akong nagtanong sa kanya bago makalabas

"Bakit mo ako iniwan?" I asked. Lumingon siya sakin na may galit sa mata. Anong karapatan niyang magalit sakin eh siya naman ang nangiwan? Siya yung nanakit

She took a deep breath bago magsalita "Iniwan kita para makapagreflect pero anong ginawa mo?" I felt the intensity of her emotions. I looked at her with my stone cold face

Sino ba siya para kuwestyunin ang ginawa ko kung sila din naman ang dahilan kung bakit ko ginawa to?

"Alam mo ang pinagdadaanan ko noon but you chose to leave me alone. Anong klase kang kaibigan? I was drowning tapos nakatayo ka lang malapit sakin. Instead of helping me sasabihin mo ngayong kailangan kong matutong lumangoy mag-isa?" I said sternly. Kung galit siya, mas galit ako


Kailangan mo ba talagang sabihin sa taong nalulunod na kailangan niyang matutong lumangoy kung kaya mo naman siyang tulungan? Anong silbi mong naging kaibigan kung di mo tutulungan ang kibigan mong nangangailangan?

"You really didn't know what you did wrong? Ano? Ikaw lang yung biktima ganon ba? Akala mo ba ikaw lang ang nagsuffer? I was suffering with you!!! Pero what? You chose to push me away!! I was willing to help you but you won't let me!! Lumangoy ka palayo!!" umiiyak na siya ngayon. I guess she bottled up her feelings for a long time. Pero wala akong pakialam. Iniwan pa din niya ako when I needed someone the most


"Alam ko naman eh. Alam ko namang di ko mababago sitwasyon mo. At kahit di ka man maniwala, I really chose to stay. Pero kinulong mo ang sarili mo. Hindi ka nagpapasok ng tao. You acted like I wasn't existing. Alam mong understanding akong tao. Pero may hangganan din ako. Napagod din ako" humagulgul na siya sa harap ko.

I really wanted to know her side before. Pero bakit ngayon pa? Bakit ngayong sirang-sira na ako at gusto ko ng mamatay?

I felt guilty. Naalala ko yung mga panahong nasa tabi ko siya pero di ko pinansin. Naalala ko noong sinabi niyang if kailangan ko ng kausap makikinig siya pero never akong nagsalita. I blamed them pero dapat pala sinisi ko din ang sarili ko. Deep inside me I know, kahit itanggi ko pa ng paulit-ulit, na I made "me" this way. Kailangan ko lang sigurong manisi ng iba to excuse myself from everything kasi di na kinaya ng sarili ko ang lahat

"I'm sorry" bulong niya na narinig ko bago siya tuluyang umalis

Humiga lang ako sa kama thinking about what happened. Kailangan ko bang maguilty? Ano pa bang point na ayusin ang lahat? May nagawa ba ang sorry niya? May naayos ba sakin?

Cuts and HealingWhere stories live. Discover now