T

24 0 0
                                    

Maganda ang gising ko. Ito na siguro ang pinakamagandang gising ko ngayong taon. Hindi naman sa masaya ako, parang gumaan lang dinaramdam ko. What a character development

At dahil maganda ang mood ko ngayon, agad akong bumangon at naligo. Sobrang nahihirapan pa din ako dahil sa sugat ko pero pinilit ko na lang. Alangan namang di ako maligo

Pagkatapos kong maligo, umupo ako sa kama at tumingin sa labas. Medyo maulap at mukhang uulan. Summer na summer tapos uulan. Panahon nga naman. It's unpredictable

At dahil wala akong magawa habang hinihintay ang pagkaing ihahatid, diniligan ko ang halaman sa tabi ng aking kama. I wonder kung sino kaya ang susunod sa kuwartong to? Baka kasi di diligan 'tong halaman tapos mamatay. Sayang, baka gusto pa nitong mabuhay pero wala ng bubuhay sa kanya. Well, anyway, nasobrahan ko yata sa tubig. Di ko naman kasi alam kung madami ba dapat ang ididilig o konti lang. I'm not fond of plants. I not fong of anything to be exact. But well, except for writing. Bored lang kasi ako talaga ngayon kaya ko ginagawa to. Alagaan ko na lang hanggang sa umalis ako dito para may magawa

Saktong pagkatapos kong magdilig, pumasok si Scar na dala ang pagkain namin. Mukhang kaliligo niya lang din. Basa pa kasi ang buhok niya tulad ko

"Wait, pano ka nakaligo?" Nalilitong tanong ko

"Wisik wisik lang yan. Wag kang magpapaloko" biro niya sakin

Ngumiti siya habang lumalapit sa kinaroroonan ko. Ngumiti din ako na siyang ikinagulat niya na ikinagulat ko din kaya binawi ko agad. Nahiya lang ako ng konti. Di siya sanay na nakikita akong ngumingiti at di din naman ako sanay na ngumiti


"Good morning" ngiti niya ulit sakin. Di ko alam kung deserve ko bang ngitian

Lumapit siya sakin at inabot ang pagkain. Maganda naman talaga umaga ko pero di ko siya sinagot. Wala eh, attitude ako

Inabot ko ang cellphone ko na dinala ni Ta kahapon at nagscroll sa twitter. Inuninstall ko lahat ng social media accounts ko puwera 'to. Alam kong tinadtad na naman ako sa messenger ng mga taong kunwari'y concern. I know people. Alam kung di totoo ang mga concern nila kasi kung totoo, noong mga oanahong nag-iisa ako eh dapat nandon sila. But no one was there. Out of sight silang lahat



"Anong mbti mo?" I asked him. Curious lang ako. Isa sa mga pinakagusto kong gawin ang pag-aralan ang mga personalidad ng mga tao

Tumingin siya sakin na para bang nagtatanong. Oh, yeah right. Konti lang pala ang interesado sa mga ganitong bagay. Ang shallow kasi ng mga tao. Puro mga walang kuwentang bagay ang mga pinagkakaabalahan

"Magpersonality test ka na lang tapos sabihin mo sakin results." pagaabot ko sa kanya ng phone ko. Actually, gusto ko siyang pag-aralan. Hindi ko kasi mabasa kung pinaplastik niya lang ako o kung gusto talaga niyang mapalapit sakin. Na hindi ko alam kung anong mabebenepisyo niya kasi di rin naman ako magtatagal sa mundo

Dahil puno pa ang bibig niya sa pagkain, hindi siya nakapagsalita. Instead, iniharang niya ang kamay niya sa phone

Hinintay ko munang malunok niya lahat ng nasa bibig para malaman kung bakit hinarang niya ang phone ko

"I can't use phone. Baka makaapekto dito." sabi niya habang itinuturo ang ulo "but if you insist, ok lang naman siguro. Minsanan lang naman." dagdag niya

Agad kong inilayo sa kanya ang phone. Baka biglang may mangyari o ano. Gusto ko lang mamatay pero ayokong makasuhan ng murder

"Oh. Ba't ayaw mong ibigay sakin? Curious ako sa sinasabi mo" he spoke, mukhang gusto talagang agawin ang phone ko

Cuts and HealingWhere stories live. Discover now