E

22 0 0
                                    

At eto na nga, ang pinakahihintay ni Scar na pasukan. Parang siya yung mag-aaral at di ako. Grabe ang pagkaexcite niya. 5 am pa lang kanina ginising na niya ako eh 7:30 am pa ang pasok ko. Nahampas ko tuloy siya kanina ng unan

"Balak mo yatang maging alarm clock ko ano?" naiiritang tanong ko sa kanya. Ang pangit tuloy ng gising ko

"Ready ka na?" he asked excitedly, disregarding what I said. Talo pa niya sina Ta at Ara na nandito din ngayon sa kuwarto ko


"Alam mo ikaw, gusto mo yatang maging member of the family" mataray na tugon sa kanya ni Ara. Inirapan lang siya ni Scar.

"Basta ka, maging Engineer ka. Pangarap ko yan sayo" He spoke with a living tone "ikaw dapat ang magpatayo ng bahay ko" dagdag pa niya

"Yeah. I will" I answered him with a smile, hiding my nervousness

Nakarami pa siya ng salita bago kami tuluyang nakaalis

7:03 am nang makaalis kami ni Ara sa ospital. Naiwan don si Ta para ayusin ang mga gamin ko at maglinis sa kuwarto ko. Sumakay kami ng jeep and after 15 minutes, nakarating na kami sa campus. 7:20 pa lang pero ang dami ng tao


"See you at lunch" paalam sakin ni Ara bago kami maghiwalay

Tiningnan ko ang mapa ng buong campus na nakapaskil kaya di ako naligaw at di nalate sa klase. Nang makarating ako sa room, madami ng tao. Nag-uusap usap na din sila at nagkakaibiganan na. Wala naman akong balak makipag-usap at makihalubilo. Umupo ako sa likod at sa pinakadulong parte. Wala lang, dito ang gusto kong puwesto


Dumating ang instructor namin saktong 7:30 am. Nang buksan ko ang notebook ko, I saw a note saying "Just be yourself. You are wonderful". Alam ko na agad na galing kay Scar yon kaya napangiti ako. Medyo nawala na din ang nerbyos ko dahil sa nabasa kong yon


Diniscuss lang ng instructor ang mga tatahakin naming topics tapos umalis na. Konti lang naman ang major subjects namin ngayon dahil first year first sem pa lang naman so di pa ako masyadong pressured. Medyo kinakabahan lang ako baka bigla akong magkamental breakdown at di ituloy mag-aral. But I'm sure, Scar won't let me do that. And nagkakaroon na din naman ako ng tiwala sa sarili. Parang kaya ko ng ihandle

Deretso ang subjects ko till 12:30 pm tinext ako ni Ara na sabay kaming maglulunch so here we are, nakaupo sa cafeteria ng school. Timatamad daw kasi siyang lumabas at kumain sa fastfood


Sandwich at fruit shake lang ang inirder ko dahil medyo busog pa ako. Naoadami ako ng kinain kaninang umaga

"Ok ka naman?" she asked

"So far, so good" I answered

I wonder kung ano na kayang ginagawa ni Scar? Sabay kasi kaming kumakain. Di ko naman matext kasi bawal naman sa kanya ang gadgets. Siguro magbabasa na lang yon ng libro or makikipagchismisan kay ate Kharen. Tutal friendly naman siya, hindi naman siguro siya mabobore?

"Siya na naman iniisip mo no?" Ara spoke. Pagtingin ko sa kanya, nakasmirk siya

Hindi ko din naman alam kung bakit bigla bigla na lang siyang pumapasok sa isip ko. Siguro nga masyado na akong nasanay sa presensya niya kaya hinahanap ko na pag wala siya

"Gusto mo na?" tanong niya ulit

"Wag kang magmura" I answered, hoping that it will stop her from asking more

"Wag mong idepende sa kanya ang buhay mo ok?" she dictated. Alam ko ksing alam ni Ara ang mangyayari na naman sakin pag biglang nawala si Scar. At natatakot din ako don

Cuts and HealingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon