I

29 0 0
                                    

Maaari bang ang pag-alis ay maging singgraceful ng tulad ng paglubog ng araw tuwing takip-silim? Sobrang hirap kasi talaga pag biglaan. Wala man lang "hoy, tapusin na natin to. Friendship over ta tayo" ganon. Parang bula na lang talaga na mawawala bigla


"Vash, labas tayo" aya ni Ara sakin. Actually, tinatamad akong lumabas ngayon. Gusto ko ng magmukmok mag-isa


"Busy ako eh" I replied. Hindi na niya ako pinilit afterwards. Alam kong alam niyang gusto kong mapag-isa


Nagsinungaling ako at sinabing busy ako. Pero I am busy not in a way that they would understand. Busy ako sa pag-susulat. Busy ako sa pagpapatahan sa sarili ko. Busy ako sa pagpipigil sa isipan kong mag-isip ng walang kuwentang mga bagay. Busy akong ayusin ang sarili ko. Busy akong naghahanap ng dahilan kung bakit kami naging ganito. Ah basta. Busy ako



Minsan sumasama naman akong lumabas pero kadalasan talaga hindi. Sabi nila kailangan ko daw huminga pero mas nakakahinga ako dito sa ospital. Minsan sila na lang din talaga pumupunta dito pagkatapos ng klase namin. Movie marathon ganon. Kahit papano, nakakalimutan ko naman siya


May pa let go let go pa akong nalalaman pero di ko naman kayang ilet go. Hinihintay ko pa rin eh. Kasi deep inside alam kong yung Scar na kilala ko ay nandito pa din. Hindi ako matitiis non. Asa


Dalawang linggo bago ang finals, pumunta ako sa rooftop para magreview. Feeling ko kasi mas makakapagconcentrate ako dito. Iba kasi talaga ang hangin. Parang tinatangay niya lahat ng negative sa katawan ko


Nang mapagod ako sa pagrereview, tumayo muna ako at nag-unat. Umakyat ako sa railings at pinagmasdan ang view sa baba. Minsan talaga kailangan mong umakyat sa taas para marealize na maliit lang pala ang mga bagay bagay ano.


After a while, bumaba ako at ipinatong ang mga kamay sa railings. Ang layo na pala talaga ng narating ko simula noong una akong tumuntong dito. Nakakatuwa lang isipin


Ipinatong ko na din ang ulo ko sa railings. Wala lang. It just feels so relaxing. Nakakapagod magreview. Kailangan mo pala talagang magsipag pag may pangarap ka sa buhay. Noon kasi pumapasok lang ako na parang wala lang. Pasado lang ganon.


Nagulat na lang ako nang may pumatong na ulo sa likod ko. And I don't have to guess who this is kasi kilalang kilala ko ang amoy niya at paghinga. Kilalang kilala ko ang bigat ng ulo niya tuwing pinapatong niya ito noon sa balikat ko. At naistatwa na lang ako sa posisyon ko. What. Ano ang dapat kong gawin? Ano ang dapat kong maramdaman? Magagalit ba ako? Matutuwa ba? Bakit lagi niyang pinapagulo nararamdaman ko?


"I really want you to live without me. Pero kahit ngayon lang, gusto kong maging makasarili" he mumbled. Hindi ko alam kung ilang minito kaming nasa ganong posisyon bago niya tinanggal ang ulo niya sa likod ko.


"Wag kang haharap sakin" banta niya. Bakit kailangan kong sundin lahat ng sinasabi niya? For once, ayoko. Gusto kong sundin ang gusto kong gawin


Lumingon ako sa kanya na walang emosyon sa mukha. Hindi dahil wala akong maramdaman kundi dahil punong-puno ako ng nararamdaman na di ko na alam kung ano ang ipapakita ko sa kanya


"Bakit ka ganyan? Bago ka umalis ok naman tayo ah. Ganon ba kadaling kalimutan ang lahat para sayo? Ang laki ng epekto mo sa buhay ko pero bakit wala akong epekto sa buhay mo?" I snapped. Ang dami kong gustong tanungin sa kanya kasi hindi ako makakalaya hanggang di nasasagot lahat ng ito


He looked at me with that look again. Yung tingin na parang ako ang buhay niya. Yung tingin na parang ako ang pinakaimportanteng tao sa kanya.


Cuts and HealingWhere stories live. Discover now