N

15 0 0
                                    

Wala na. Magpapastor na yata si Scar. After kasi naming magchurch noon, lagi na siyang may dalang Bible tuwing pumupunta sa room ko. Nagdadasal na din kami palagi. Binabasahan niya ako ng mga verses na akala mo sobrang tagal na niyang nagchuchurch


"Naniniwala ka naman sigurong may Diyos?" tanong niya sakin bigla


"Ewan" I shrugged. Nagcellphone na ako pagkatapos niyang magexplain ng isang verse


"Ano ba yan. Tingnan mo ang mga bundok, mga dagat, mga bituin...." madami pa siyang sinabi na hindi ko naintintihan "hindi yan magagawa ng tao. Diyos lang ang kayang gumawa ng mga yan. Kaya ikaw, pag nagdoubt ka na may Diyos, timgin ka lang sa paligid mo ok?" he explained


Oo nga naman ano. May point naman siya don. Siguro nahihirapan lang kasi akong maniwala na may Diyos dahil sa mga nangyari sakin


Dumating si Ara na may dalang gitara. Sinabi ko kasing dalhin niya yung gitara ko. Regalo pa sakin to ng nanay ko noong 15th birthday ko

"San mo gagamitin to? Kaya mo na bang maggitara?" tanong ni Ara sakin habang iniaabot ang gitara


"Tuturuan ko yan" turo ko kay Scar


"Hindi ba mapupunit yang sugat mo babae?" iritang tanong ni Ara pero halatang concern


"I can manage" sabi ko na lang


Sinubukan kong maggitara pero masakit pa rin talaga tong palapulsunan ko kaya inabot ko na lang kay Scar

"Ang tagal namang maghilom neto" reklamo ko habang tinititigan ang benda ko. Nanggigil nga yata talaga ako sa blade noon at talagang diniinan ano. Ang lalim kasi talaga ng sugat


"Oh, eh ganyan talaga. Ginusto mo yan eh" asar ni Scar na nakahawak na ngayon sa gitara


"You have to endure the pain for you to heal" dagdag niya habang nakangiti


Sobrang hirap turuan ng lalakeng to. Hindi niya magets kung san niya ilalagay daliri niya. Take note, D pa lang ang naituturo ko at inabot kami ng ilang minuto.

At dahil hindi na ako nakatiis, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Parang nagbebend ako ng bakal sa sobrang tigas ng mga daliri niya. Grabe


"Dito kasi yan ano ba." sabi ko habang inililipat ang daliri niya sa tamang lalagyan



"Humihinga ka pa ba?" tanong ni Ara sa gilid habang nagcecellphone


Kung kanina, daliri niya lang yung matigas, ngayon, buong katawan na niya. Ewan ko ba dito. Parang di naman siya seryosong pag-aralang maggitara


"S-sorry" nahihiyang sambit niya. Di ko alam kung anong nangyari sa kanya. Ngayon ko lang siyang narinig mabulol


"Bukas na nga lang!" sigaw pa niya. Siya pa talaga nagsabi non ano. Parang siya yung nagtuturo


"Bili tayo ng pagkain. Bored ako" sambit niya Ara habang tumatayo na. Sumunod naman kami sa kanya. Wala eh, pare-pareho kaming bored.


Bumili kami ng pizza, burger, fries at chips. Grabe, napakaunhealthy. Nilibre kami ni Scar kaya tuwang-tuwa si Ara. Napakalakas magyayang bumili pero wala naman palang dalang pera


Sa kuwarto ni Scar kami tumambay at kumain. Napagalitan pa kami sa mga nurse dahil ang ingay ni Scar. Oo, siya lang



Balak sana naming magmovie marathon kaso di naman puwede sa kanya kaya nagkanya-kanya na lang kami ng ginawa. Si Ara, nagbasa ng libro. Ako, nanood sa youtube at si Scar naman, nagdrawing.


Cuts and HealingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon