U

33 0 0
                                    

Gutom. Gutom ang naramdaman ko noong naihatid ako ng kasama ko kanina na hindi ko man lang natanong ang pangalan. Mag-aalas dose na din kasi at hindi pa ako nagaalmusal. Gusto kong mamatay pero ayokong mamatay sa gutom

Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame. Ano ng gagawin ko? I don't have the will to live anymore.

Am I supposed to be greatful to have survived this? Lol

Tumingin ako sa pintuan noong marinig kong bumukas at nakita ko ang lalakeng kasama ko kanina na dala dala ang pagkain ko. Or should I say pagkain namin?

Napansin niya siguro ang pagtatanong sa mukha ko kaya bigla siyang nagsalita

"Uhh. Tinanong ko sa mga nurse kung san ang room mo. Here's your food by the way" pagaabot niya sa pagkain. Agad ko naman itong binuksan at inamoy. Wala lang. sanay lang akong amuyin ang pagkain bago kainin

"Pano mo ako tinanong sa mga nurse kung di mo alam ang pangalan ko?" Nalilitong tanong ko sa kanya. At bakit kailangan siya ang magdala ng pagkain ko? May iba ba siyang motibo?

Kumuha siya ng upuan at tumabi sa kama ko "easy. Tinanong ko lang kung saan ang room ng babaeng nagpakamatay pero di natuluyan" ngisi niya. Mukha siyang mahinhin na mayabang sa totoo lang. And ayoko sa sinabi niya. Nakakaoffend. Walang preno ang bunganga

"Ako lang ba ang nakaadmit dito na nagpakamatay?" I asked, raising my brow. Actually gusto ko siyang sungitan kaso wala ako sa mood at ayokong magpakita ng kahit konting pagkainis

Sumubo siya sa pagkain before talking. Bakit ba kasi siya nandito?

"Oddly, yes. Ikaw lang" sagot niya habang sumusubo

Kumain na din ako kasi di ko na alam ang sasabihin. Masakit pa din palapulsuhan ko kaya yung isang kamay ko ang ginamit ko para kumain. Tiningnan ko siya. Ang weird lang kasi di naman kami magkakilala tapos nagsasama kaming kumain. And to think of that, nagtanong ako

"Bakit ka pala nandito sa kuwarto ko? May kailangan ka?"

Nagkibit balikat siya "boring kasi sa kuwarto ko. Wala akong kasabay kumain. Tutal alam ko namang wala ka ding kasama, kaya napagdesisyunan ko na lang na dito na lang din ako sa kuwarto mo kakain" he answed. Wow. Very loner din. Pero ayoko ng kasama

"Not to offend you pero ayoko ng kasama" I said truthfully

Mukhang alam naman na niya yata yon dahil di na siya nagulat sa sinabi ko

"Ayaw mo ng kasama pero ako, gusto ko. No choice ka" he spoke, ignoring what I said

Mukhang wala talaga siyang balak lubayan ako hanggang makaalis ako sa lugar na to. Ano ba naman yan. Karma ko ba to?

I sighed and surrendered. Wala naman akong magagawa. Wala din naman akong balak ipagtabuyan siya. Sayang lang ang lakas at effort ko. Hahayaan ko na lang

Hindi na ulit kami nagsalita pagkatapos naming kumain. Siya na din ang nagligpit ng pinagkainan namin bago siya umalis. Ang awkward naming dalawa. Alam kong madami siyang gustong itanong pero pinili nalang manahimik at umalis kaya naiwan na naman akong mag-isa

Ok, so ang boring na naman. Alam ko namang boring akong tao pero kailangan ko lang talaga ng gagawin. Nakakamatay ang utak kapag mag-isa. Baka maisipan ko biglang magpalunod sa CR.

Lumabas ako saglit para magpahangin. Madaming tao sa paligid. May mga nakawheel chair at may mga tulad ko na nagtutulak ng lalagyan ng dextrose. Ako lang yata ang walang kasama dito. Wala namang sumita sakin kahit pa mag-isa ako. Mukha siguro akong ok. Mukha naman talaga akong ok dahil yung loob ko naman ang namamatay hindi sa labas


Cuts and HealingWhere stories live. Discover now