A

10 0 0
                                    

"I can't wait to get out of here and do everything I wanna do" he said while looking down. Ano na nga ba ang mga nagawa na namin sa list niya? Naturuan ko na siyang maggitara, nakapagbasa na siya ng mga libro, nakakanta na kami sa videoke room, naprank na niya si ate Kharen, ewan ko, basta madami na

"Ano ba ang pinakagusto mong gawin?" I asked looking at him. Parang gumaguwapo siya sa paningin ko everyday though guwapo naman na talaga siya non kahit may benda pa sa ulo

He looked at me smiling. Yung nakakatunaw na ngiti ganon. Alam ba niya ang epekto ng ngiti niya sakin?

"Mabuhay" He answered

"Bakit, mamamatay ka ba?" I questioned. Ang dami na namang nabubuong tanong ng utak ko. He isn't actually dying right? Parang ang sakit isipin. I mean, hindi parang. Masakit talaga siyang isipin


Bumaba siya sa railings at tinabihan ako. Gusto kong hawakan ang mukha niya at titigang mabuti. I just can't get enough of his face. Medyo singkit na mga mata, matangos na ilong, manipis na labi, mahabang pilik mata. Makikita ko pa kaya tong mukhang to pag lumabas na ako dito?


"No. What I mean is, to actually live. I wanna go out there and live. Gusto kitang kasamang gawin lahat ng masaya sa mundo" He said.


He's been looking at me like that. Tinitingnan niya ako na parang ako ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya, and I really wish I am, kasi siya yung sa akin. Sabi niya noon wag ko siyang gagawing buhay. Pero parang ginagawa niya sakin yon ngayon. Nakikita ko yon sa mga mata niya. He can't hide it from me



Mabilis lumipas ang buwan, natapos na ang prelims namin at may mga nakakausap na akong mga kaklase. I know, I'm growing. May mga araw pa din namang napupunta ako sa kadiliman pero tinuturuan naman na ako ni Scar kung pano ko ilawan ang daan ko pabalik sa mundo



Magcecelebrate sana kami ngayon kasi tapos na ang prelims kaso di namin mahanap si Scar. Tinanong ko kanina kay ate Kharen pero di niya din daw alam. Ang ending, dalawa lang kami ni Ara'ng nagcelebrate sa rooftop


Kinuwento ko sa kanya na dito ko unang nakita si Scar at ang nangyari pagkatapos non. Tumawa lang siya kasi ang weird daw. Ang weird daw ng story namin

"I'm just glad that everything's going fine now. I'm glad you outgrown your past self" she said.

"Ako pa" I said proudly and we both laughed

Madalas kaming nagkakasama ni Ara. Minsan natutulog na siya dito sa ospital pag ginagabi siyang tumatambay dito. Nagdala na din kasi siya ng mga damit niya at ibang gamit. Buti pinapayagan siya ng mga magulang niya


"Wag ka ngang gumalaw!" sigaw niya sakin. Ninenerbyos kasi ako dahil siya yung gumugupit sakin. Baka kalbuhin ako

"Magaling ako don't worry. Ako ang naggugupit sa aso namin sa bahay" sabi pa niya

Nagdasal na lang ako na maganda ang kakahinatnan dahil kung hindi, siya ang kakalbuhin ko

"I told you I'm good" sabi niya habang nakaharap kaming dalawa sa salamin. Hanggang balikat na lang ang buhok ko. Bumata akong tingnan at umaliwalas din ang mukha ko. Nakahinga ako ng maluwang dahil bagay ko naman


Lumipas ang mga araw, hindi ko na masyadong nakikita si Scar. Tuwing umuuwi ako galing school at hinahanap siya, sinasabi ni ate Kharen na may check up daw siya. Binibisita naman niya ako minsan sa kuwarto ko pero kadalasan hindi. Parang ang dami na niyang ginagawa pero hinayaan ko na lang


Nagfocus muna ako sa pag-aaral dahil ang dami talagang pamajor na subjects. Minsan mas madami pa silang pinapagawa kaysa sa mga major namin. Like can they chill for a moment? Bakit kailangang sabay sabay magpagawa ng assignments diba? Well anyway, nageenjoy naman akong mag-aral. Di ko inexpect na mageenjoy ako


Cuts and HealingWhere stories live. Discover now