A

13 1 0
                                    

Lumipas ang ilang araw ng matiwasay. Lagi akong binibisita ni Ta at ni Ara. I don't really know if Ara and I made up but this is better than indifference. I said sorry by the way

Hindi madaling magpatawad at makalimot but I have to admit na may naging kasalanan din ako sa nangyari sa amin. Kung mamamatay din naman ako, makikipagbati na ko sa nakaraan ko

Magdadalawang linggo na yata akong nandito sa ospital at di ko alam kung bakit di pa ako pinapauwi. I smell something fishy. Minsan tinatanong ko na din sa doktor kung may balak ba silang patirahin ako dito. Minsan iniisip ko din na baka pineperahan na nila ako kaya ayaw akong pauwiin


Lumipas na din ang birthday ko. Ayoko sanang magcelebrate kaso mapilit si Scar. Minsan lang daw ako mag19 kaya binilhan niya ako ng cake. Ininvite niya din si Ta, Ara at yung dalawang nurse na medyo close namin. Ewan ko sa kanya. Parang siya yung nagbirthday. Siya din umihip sa kandila ng cake ko. Well, wala naman akong iwiwish so ok lang


Anyway, I opened my twitter, pamatay ng oras. Pagkatapos kong magtwitter, pumunta akong tumblr. Pagkatapos kong magtumblr, pumunta akong pinterest. Pagkatapos kong magpinterest, pumunta akong youtube. Wow lang. Sobrang boring


I stumbled on a kpop group called Stray Kids. Wala lang, I was hooked to their song called My Pace. Tapos biglang pagbasa ko ng lyrics, sobrang ganda. I'm not really into this kind of stuff but this is an exemption. Di ko alam kung ilang oras akong nagbabad sa youtube dahil sa kanila. Pinakinggan ko lahat ng kanta nila tapos binasa ang mga lyrics. They are really something else

May mga times talaga na pag nakadiscover ka ng new music, feeling mo nakadiscover ka ng bagong mundo. And that's what I felt

"Ginagawa mo?"

Hindi ko namalayang nandito pala si Scar so I set my phone aside. Wow. Napakaimportante naman niya

"Wala"

"Tipid ka pa din magsalita. Di ka pa din nakaunli?" sabi niya habang tumatawa. Ang korni pa din niya. Nakakainis

"Share mo lang?" pambabara ko sa kanya kaya tumigil siya sa pagtawa

"KJ ka talaga kahit kailan" he pouted. Nagpapacute di naman cute

Tumigil kaming magasaran when I heard my phone beeped

From Ara: I'm coming there. Maghanda ka ng kutsilyo at magsaksakan tayo

To Ara: k

Di na siya nagreply sa text ko. Nagpatugtog ako dahil biglang ang tahimik namin ni Scar. Seryoso naman siyang nakinig sa music


"Alam mo sobrang tagal ko ng di nakakarinig ng kanta" sabi niya. Naawa ako bigla. Ilang months na kasi siya dito tapos di pa makahawak ng phone

"Anong gusto mong pakinggan?" I asked. I wanted to do something for him

"Falling like the stars" sagot niya. Agad ko namang hinananp ang kantang sinasabi niya. Kanta siya ni James Arthur.

"We're falling like the stars, falling in love" sabay niya sa kanta. Feel na feel niya

"Alam mo, ang dami ko pang gustong gawin" malungkot na sabi niya "di ko alam kung magagawa ko pa yung mga yon"

Naguluhan ako sa sinabi niya kasi ang alam ko ok naman siya? Sabi niya naoperahan na siya eh. So bakit siya nagsasabi ng ganito?

I reached for my notebook. I really want to do something for him kasi he's done so much for me kahit pa ilang araw pa lang kaming magkakilala

Cuts and HealingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon