Prologue

48 0 0
                                    

I closed my eyes, trying to remember something unforgettable that happened to me. Gusto ko lang tandaan ang mga pangyayaring humugis sa kung sino ako ngayon. Gusto kong idistract ang sarili ko sa kaba upang harapin ang umaga


My life's at its fullest right now. I'm happy and contented. Wala na akong hihilingin pa



I'm trying to sleep but I can't. Siguro kasi natulog ako kaninang hapon. Bukas na kasi lalabas ang result ng bar exam kaya natulog ako kanina. Alam ko din namang di ako makakatulog ngayong gabi kaya prinepare ko na ang sarili ko



I smiled with my eyes closed. A flashback just came. Nirewind ng utak ko ang isa sa mga alaalang ayaw kong kalimutan




"Anong gagawin mo kapag biglang gusto ko ng mamatay?" tanong niya habang nakakapit sa railings. I know that something's bothering him but I chose not to say anything


Umakyat din ako at tumabi sa kanya. Ang presko lang ng hangin. Ang sarap damhin


"Eh di magpapakamatay ako" simpleng sagot ko sa kanya na siyang ikinagulat niya. Di ko alam kung bakit pa siya nagugulat sa mga ganong banat ko

Pareho kaming nakatingin sa baba ngayon. Parang kailan lang noong unang beses ko siyang nakita rito at inalok magpakamatay. I laughed at that thought

"Ay, wag ganon" tawa niya

Hindi ko alam kung bakit di kami takot sa puwesto namin. Isang pagkakamali lang, patay na kami agad. Siguro dahil nameet na namin and "almost death" situation at di na kami takot don


"What? Sabi mo noon hindi akong puwedeng magpakamatay hanggang buhay ka pa? So pag patay ka na, wala ng pipigil sakin" sagot ko sa kanya. Naaalala ko yung sinabi niyang yon sakin. Medyo inis pa ako non kasi hindi pa naman kami close para sabihin niya yung mga ganong bagay. But look at us now


"Would you hate hospitals if I die here?" tanong niya ulit. Hindi ko alam kung anong meron at nagpapakaemo siya ngayon


"No? I don't know. Depends" I shrugged


I can never hate this place. I met him here

"Hey. Whatever happens, wag na wag mo akong gagawing buhay ha?"


It was normal for us to talk about death. Kahit pa salungat kami ng gustong gawin. One wants to live, one wants to die


"Korni mo" sagot ko na lang and we both laughed


I've never been greatful in life but as I look at him, it makes me think that maybe, my life is worth living. I've never felt so happy my entire life. Ngayon lang, ngayong nakilala ko siya. Kaya napapaisip ako lagi, na maybe, my decision to take my life wasn't a bad decision after all because my "almost death" brought me to him, my source of life


I smiled again. Iminulat ko ang mga mata ko. A tear fell from my eyes. A mixture of happiness and pain


Hindi ko pinagsisisihang tinangka ko noong kunin ang sarili kong buhay. Baliw na siguro ako pero I've learned a lot of lessons because of what I did. Nakakilala din ako ng mga taong naging parte ng buhay ko. Kung mayroon man akong pinagsisisihan, yon ay ang mga salitang hindi ko nasabi


I sighed heavily. Tumayo ako sa kama at napagpasyahang pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Magnenetflix na lang ako

"Oh anak, gising ka pa" Ta spoke


Kumuha siya ng tubig sa ref at isinalin sa baso


"Papasa ka wag kang mag-alala" sabi niya


Kinakabahan ako. Pano kapag hindi? I want to make him proud. Pangarap niya yon para sa akin


"Alam kong proud siya sayo ngayon pa lang" Ta spoke again, parang nababasa ang nasa utak ko


I smiled at her and hugged her


"Thank you for everything tita. Wala ako dito kung wala ka" I said tearfully


She tapped my back and comforted me. I'm greatful for all the people that are part of my life


I went to my room after the hug. Nanood na ako ng netflix at ewan ko kung bakit Your Lie In April ang napili kong panoorin. Lahat tuloy ng iyak kong pinigilan ko kanina ay lumabas



"I miss you. I can't wait to meet you again" I whispered, hoping it will reach him. Kumusta na kaya siya ngayon? I hope I would know


Hindi ko alam kung anong oras na ako natulog pero paggising ko sa umaga, nagalarm ang phone ko


"Oh, it's his birthday today. I'll go see him" I mumbled as I get out of my bed excitedly. Hindi na ako makapaghintay para ikuwento sa kanya ang lahat


"I'll make you proud today. Makakapasa ako"


Lumabas ako sa bahay, welcoming the new day and new life that's about to start


And no matter where I'll go, I'll always remember where I came from. At lagi kong tatandaan na kahit anong sakit ang mararamdaman ko, I will never give up on my life. He taught me that. At pag nasugatan ako, tatandaan ko na kailangan kong tiisin ang sakit upang maghilom ako

Cuts and HealingOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz