18 ~ Anguish

187K 7.8K 2.2K
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

THE only thing that keep her sane is the thought that one day she will be with Kielton again. Pinanghahawakan niya ng husto ang pangako ng kasintahan na hahanapin siya nito sa oras na mawala siya.

Ilang linggo na nga ba siyang naghihintay sa wala? Ilang gabi na nga ba siyang umiiyak dahil walang magawa kundi ang manatili sa lugar na 'yon? Ilang beses na nga ba siyang nagmakaawa sa daddy niya sa tuwing tumatawag ito na pabalikin na siya sa Maynila?

All her tears felt so useless. Ang nararamdaman niya ay hindi binibigyang halaga ng mga ito. Her heart filled with hatred.

"Ma'am, kung gusto mo raw sumama sa Bayan, maghanda ka na." Oliver informed her.

Ito lang ang nag-iisang gwardiya sa malaking bahay na 'yon ng kanyang lolo. Sa tingin niya ay matanda lang ito sa kanya ng ilang taon. Matikas ang pangangatawan at palaging seryoso ang itsura.

"Where's lolo?"

"Nasa garahe na."

"Okay, susunod ako."

Mabilis na iniligpit niya ang mga kagamitan na ginagamit sa pagpipinta sa harap ng malaking bahay. Kung hindi niya 'yon gagawin, walang gagawa niyon para sa kanya. Walang kasambahay ang lolo niya, tuwing Sabado lang nagpupunta ang mga naglilinis.

Kianna changed her clothes quickly. She choose to wear the denim short shorts and paired it with cotton white blouse. Wearing her flip flops and dark sunglasses, she's ready to go.

Pinagbuksan siya ni Oliver ng pinto ng itim na SUV bago ito nagpunta sa driver side. Her grandfather is in front passenger seat.

"If you need something, tell it to Oliver so he will assist you."

"I need more paints and brushes, lolo." She muttered.

"Oliver, accompany my granddaughter."

"Yes, Sir."

Pangalawang beses niya palang makakapunta ulit sa Bayan. Nagpupunta lang doon ang lolo niya kapag naubusan na sila ng stock ng pagkain. Kaya naman sinadya niyang kumain nang kumain para maubos kaagad ang stocks nila at makapunta sa Bayan.

Even though she eat a lot, she's making sure that she's still healthy by exercising and doing her daily yoga.

"And lolo, I want more Atis." She requested.

Tinignan lang siya ng abuelo mula sa rearview mirror sa harap bago tumango.

Mapagpasensya ito sa kanya at ito lang tangi ang nakakaintindi sa nararamdaman niya. Kaya lang ay ipinapaintindi rin nito kung bakit siya itinapon ng daddy niya sa rest house. It's because of her safety.

Gusto niyang intindihin ang rason ng daddy niya pero masyado siyang nasasaktan kaya mas naniniwala na mali ang ginawa ng ama sa kanya.

And the fact that she don't have a cellphone made her situation even worse. How can she communicate with Kielton? Paano niya malalaman kung kumusta na ang kaso nito? Wala siyag mapagkuwanan ng balita galing sa Maynila dahil walang TV sa rest house ng lolo niya!

Ang tanging naroon lang ay radyo ngunit wala naman siyang narinig tungkol sa balita sa nangyari sa ColdHeart. Nang unang magpunta sila sa Bayan, bumili siya ng dyaryo, wala rin do'n.

She doesn't have her own money to buy cellphone. Her grandfather doesn't have one, too. He's not interested though. Si Oliver naman ay hindi niya nakitaan kahit minsan na humawak ng cellphone. Pati yata ito ay wala rin, o baka itinatago lang sa kanya.

Nang makarating sila sa Bayan ay pakiramdam niya ay nakawala siya sa koral. Though the air in the rest house is much more better in the City.

They went to grocery store first. Kinuha niya ang lahat ng gusto niyang pagkain pati ang mga personal na pangangailangan.

Territorial Men 8: Kielton GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon