36 ~ Concert

200K 7.5K 1.8K
                                    

This is the last Chapter of this story. Next update will be the Epilogue.

Kielton Grande reminds me that no matter how much free we are and how much successful we are, our hearts will always bring us from where we started and that is to our roots... to our family. Na para bang minsan walang saysay ang tagumpay na tinatamasa kung hindi kasama ang pamilya.

I will never forget this story because I wrote this during CV pandemic. Inilayo ako ng kwentong ito sa reyalidad kahit na pansamantala lang. Sana ay kayo rin.


CHAPTER THIRTY SIX


DALAWANG bodyguard ang nag-guide kay Kianna papunta sa upuan niya. Napaigtad pa siya nang makitang punung-puno ang Coliseum at binabalot ng mga sigawan at tilian galing sa mga fans.

Sa upper part ay may mga karatulang nakalahad, patungkol sa ColdHeart at sa mga paghanga ng mga ito.

She can say that ColdHeart is really one of the most successful group band in the Philippines. Ang hirap-hirap punuin ng Araneta Coliseum pero napuno ng mga ito. ColdHeart gave a big impact not just in all their fans, but also in music industry.

Naghiyawan ulit ang mga tao nang mag flash sa malalaking screen ang magandang mukha niya. Kianna quickly give her best smile and wave at ColdHeart's fans. Nang maihatid siya sa upuan ay hindi parin nilubayan ng camera ang gawi nila.

Inisa-isang nailagay sa malalaking screen ang mukha ng magulang ni Kielton, even Alandra and Clinton with Xaria. It's like a recognition that Kielton's family is now supporting him.

Kianna even shock when at her back, her mother patted her shoulder. Katabi nito ang daddy niya, si Amara pati na rin ang Kuya Asher niya!

"Oh, Gosh, you looks so shock..." Ang mommy niya na parang gusto pa siyang paikutan ng mga mata.

"Mom, dad," Medyo tumayo siya para ma-beso ang mga ito. Ang dalawang kapatid niya naman ay tumayo rin para ma-beso siya.

That scene flashes the big screens, too. Oh-oh, they are so much catching attention.

Sa magkabilang hilera ng gilid niya ay ang mga kaibigan ni Kielton kasama ang mga asawa, nagkawayan lang sila dahil hindi na nagtangka pang magbeso-beso. Pati ang mga mukha ng mga ito ay nahagip din ng camera at napunta sa malalaking screen sa itaas.

"Ang gwapo ko!" Si Zyron sabay turo sa mukha nito sa screen.

Nagtawanan ang mga kaibigan nito pati tuloy siya ay natawa na rin. Ang kengkoy talaga.

Ang mga ka-hilera nila sa vip seats ay mga sikat na artista kaya madalas na naroon ang mga camera. Ipinapakita kung sino ang mga sumuporta sa ColdHeart na mga sikat sa industriya, mapa-artista o singer man 'yan.

The crown went super wild when the host started to give a hint who's the next performance. The host is a famous actress and actors. showing their support to the ColdHeart.

"I'm a fan and I'm super excited to watch them! The female host said excitedly.

"Me too. I'm a fan! Let's welcome them!" The male host in a high tone, making the crown screams in excitement.

"ColdHeart!!!" The two host exclaimed before they left the stage.

Para siyang nabibingi sa lakas ng hiyawan. Alam niyang sikat ang banda ng asawa pero ang sakit talaga sa tenga ng mga sigawan, napapatakip siya pero napapangiti. Sobrang proud na proud siya kay Kielton, gusto niyang maiyak!

Isa-isang naglabasan ang mga miyembro, mula kay Owen, Jasper and Felixx. They wave at the wild fans and even bow their heads to show how grateful they are for that support that fans are giving them right now.

Territorial Men 8: Kielton GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon